Ala-sais pa lamang ng umaga ay nasa mansion na agad ng mga Tamayo si Michelle. Hindi maitatago ang pagkasabik ng dalaga dahil ito ang unang beses na makalalabas siya ng Manila. Dala ng dalaga ang isang maleta nito at isang backpack na naglalaman lamang ng mga damit at mga bagay na kakailanganin niya sa bakasyon. Maski ang cellphone nitong may mababang pixels lamang ng camera ay dala dala niya. Handang handa na itong lumakad, at tanging ang boss lamang na si Sir Zach ang kaniyang inaantay.
'Ang tagal ni Sir lumabas ng kwarto! Excited na ako e!' angal na lamang sa sarili ng dalaga.
Naglinis muna ito ng kusina habang hinihintay ang kaniyang amo. Saktong alas otso naman ito lumabas sa kaniyang kwarto at handa na rin itong umalis.
"Tara na." maikling wika ng amo sa dalagang nagwawalis.
"Aalis na tayo Sir?" nagniningning na wika ng dalaga.
"Depende kung sasama ka, edi aalis na tayo. Kapag hindi, edi ako lang ang aalis." patutsada ng amo. Ikinalukot naman ito ng noo ng dalaga.
'Kaaga aga, beastmode na naman si Sir'
"Pakisabi kay Tay Cardo, paki-ayos yung kotse. Lalabas na ako within 10 minutes." bilin naman nito.
Agad namang sumunod ang dalaga sa utos ng among daig pa ang may period na babae. Hinanap nito sa Mang Cardo na natagpuan niya lamang sa tapat ng grahe.
"Tay Cards, pakiayos na daw po yung sasakyang gagamitin ni Sir Zach. Aalis na daw kami within 10 minutes" masiglang wika ng dalaga.
"Kasama ka ineng?" tanong naman ng matanda.
"Opo. Di po ba kayo kasama? Diba po kayo ang magdadrive?" untag ng dalaga.
"Ay nako hindi. Hindi ako kasama ineng. Kapag ganitong bakasyon ni Sir, isa lang ang isinasama niya." kwento naman nito.
"Ay ganun po ba?" paninigurado ng dalaga.
"Oo, ineng. Ingat kayo dun ha. Sundin mo lagi utos ni Sir Zach. Wag kang lalayo sa kaniya. Yung huli kasing isinama niyang katulong, nagligalig kung saan saan, ayun iniwanan niya sa palawan." kwento pa nito.
"Grabe naman po iyon." komento ni Michelle. Buong akala niya ay kasama si Tatay Cardo sa bakasyon. Mayroon sana siyang makakakwentuhan dahil alam naman niyang hindi madaldal ang kaniyang kasamang amo.
'Hays. Mapapanis yata ang laway ko dun.' untag nito sa sarili.
Inilabas na rin ni Michelle ang mga gamit na dadalhin niya sa kanilang bakasyon. Medyo may karamihan din ito dahil tantiya niya ay aabot sila ng 2 weeks lalo na kung mag-enjoy pa ang kaniyang binatang amo.
"Sakay na." wika ng amo na nasa loob na ng kotse para magmaneho.
Dinampot naman ng dalaga ang mga bag nito at inilagay sa likod ng kotse. Napansin niyang walang ibang gamit sa compartment ng kotse maliban sa mga gamit niya. Hindi ba nagdala ng gamit ang kaniyang amo?
Sumakay na si Michelle sa passenger seat at nagsimula ng magmaneho ang amo.
"Ah, sir? Wala po ba kayong dalang gamit?" kinakabahang tanong ng dalaga.
"Pera." maikling sagot nito.
"Ha? Ibig ko pong sabihin ay kung wala kayong damit na dala?" tanong ulit ni Michelle.
"Wala. Titira naman tayo sa bahay ng kaibigan ko kaya di na kailangan." untag nito.
"Ay ganun po ba? Saan nga po pala tayo pupunta?" tanong ulit nito. Medyo may pagkairita namang sumagot ang among nagmamaneho.
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
FanficSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...