"Tulong! Tulungan niyo ako!" sigaw ng isang babae. Iniikot ng dalaga ang kaniyang paningin at natanaw ang isang lalaki na tinutukan ang babae ng kutsilyo sa leeg. Kitang kita ang pagkagitla ng babae. Humihiyaw na takot ang pinaparating ng mga mata nito.
Dumami na ang tao na nanonood at nakikitsismis. Lahat sila ay takot rin. Walang pulis na rumiresponde.
"Walang lalapit! Kung hindi, tatarak sa leeg ng babaeng ito ang malakawang na kutsilyong ito. Edi patay na agad? HAHAHAHA!" wika ng lalaking may hawak sa babae. Tantiya ng dalaga ay wala ito sa sariling pag-iisip at tila'y nakagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sa hindi malamang dahilan, unti unting lumapit ang dalaga sa pinagyayarihan ng krimen. Gusto niyang tulungan ang babae na tantiya niya ay nasa 16-17 years old lamang ito. Habang tinitutukan ng mama ang babae ng matalim at malawak na kutsilyo, tahimik lamang at walang imik ang dalagita. Pero maaaninag mo sa mata nito ang takot at pagkanginig.
Habang lumalapit si Michelle ay sinusundan siya ng tingin ng mga taong nasa pinagyayarihan ng krimen. Marahil ay sobrang lapit na ng babae kumpara sa kumpol ng mga tao na nanonood lamang.
"Subukan mong lumapit! Papatayin ko kayong dalawa!" banta ng mama at itinutok ang kutsilyo sa mukha ng lumapalit na dalaga.
Agaran namang nakahanap ng tyansa ang dalaga na hawakan ang kamay ng mama at ipinalipit niya ito. Nabitawan naman ng lalaki ang kutsilyo, pati ang dalagitang sakal sakal nito.
"Put*ng*na mo! Papatayin kita!" sigaw ng lalaki kahit na namimilipit siya sa sakit.
Nakatuwad na ang lalaki habang nakapilipit pa rin ang kamay nito. Sinuntok ni Michelle ng malakas ang siko nito na naging dahilan ng pagkalupasay nito sa lupa. Tumihaya ang mama at akmang tatayo pero nasipa na agad ni Michelle ang puri nito. Natutunan niya ito sa kaniyang ama na iyon daw dapat ang unang pinupuntirya sa lalaki dahil andito ang kahinaan ng bawat lalaki.
"Ahhhhh! Hayup ka!" namimilipit sa sakit na sigaw ng lalaki. Nagsidatingan na ang mga pulis at ang ambulansya. Naging maingay ang paligid na gawa ng nakakabulahaw na tunog ng sirena. Ang mga pulis naman na dumating ay nagtutok ng baril sa mama at pinosasan ito.
Nagulat si Michelle nang may taong yumakap mula sa kaniyang likuran.
"Thank you! Thank you for saving me!" tinig ng isang babae. Pagharap niya'y, hindi nga siya nagkakamali ng iniisip, iyon ay ang batang iniligtas niya kanina.
"Wala yun. Mag ingat ka nalang lagi." wika nii Michelle. Akmang aalis na ang dalaga pero hinila nito ang kaniyang kamay at pilit na dinala sa mobile ng pulis.
"Dalhin nyo po kami sa persinto. Pakitawagan na rin po ang mama at papa ko. Pakisabing dun na po ako sunduin." wika ng bata sa pulis.
Suspetiya ni Michelle ay mayaman rin ang batang ito dahil wagas siyang makapagutos sa mga pulis at animo'y siya ang boss at nagpapasuweldo sa mga ito. Wala namang nagawa ang mga pulis kundi sundin siya.
Isinakay na sa police mobile ang dalaga at ang dalagitang iniligtas niya hanggang nakarating sila sa presinto. Kanina pa rin nagpapasalamat ang batang iniligtas niya sa dalaga at tanging mga ngiti at pagtango na lamang ang naigaganti ni Michelle.
MICHELLE POV
"Anak!" wika ng dalawang tao na sumalubong sa amin at yumakap sa batang kasama mo. Marahil ay itong ang kaniyang mga magulang. Naiinggit ako sa nasasaksihan ko. Ganito rin dapat kami.
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
FanficSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...