Chapter 11

354 13 5
                                    


"Para kanino ba?" tanong ni Michelle sa binata. Iniisip niya pa rin na baka may girlfriend ito at monthsary nila kaya siya bumibili ng regalo.

"For my special someone" maikling sagot nito habang nakabaling pa rin ang atensyon sa mga bulaklak sa flower shop.

"Ah ganun ba?" wika ni Michelle. Tila nanamlay ang boses ng dalaga. Pakiramdam niya ay may tumarak na punyal sa kaniyang dibdib.

'Pagkadismaya lang ito.' wika ng babae sa sarili.

"Ano bang klaseng regalo? Yung nagagamit ba araw araw?" tanong ng dalaga. Humarap naman sa kaniya ang binata at suot nito ang isang matamis na ngiti. Sa simpleng ngiti nito ay parang natutunaw ang kaniyang puso.

"Yes, but--"

"Pwede magtagalog ka? Dinudugo na ako e. Okay lang kahit wrong grammar tagalog mo. Hindi naman kita huhusgahan." pagputol ko sa sinabi niya.

"Sige. Yung na-naga-gamit everyday pero hindi clothes." wika ng binata na halatang pinipilit ang dila na magsalita ng tagalog. Nauutal man ay pinipilit niya pa ring gamitin ang lengwahe ng mga pilipino.

"Ahh okay sige. Pwede wristwatch?" tanong ko. 'Panty sana kaso hindi daw clothes' wika ng dalaga sa sarili.

"Yup. Good idea!" wika ni Sandro. Nagulat ang dalaga ng hawakan ni Sandro ang kaniyang braso upang hilain papuntang store ng wristwatch. Ramdam na ramdam niya ang lambot ng kamay nito. Damang dama din niya ang mga matang nagmamatiyag sa kanilang dalawa.

"Help me to choo-"

"Tagalog please." pagpuputol ni Michelle sa sasabihin ng binata. Napatawa naman nito ang binata.

"Fine. Tulong mo ako mamili." wika nito.

"Tulungan." pagtatama niya.

"Tulungan mo ako mamili." tinama naman nito.

"Ayan. Ganiyan. Sya tara na." nakangiting wika ng dalaga at nagsimula ng mamili sa store.

Sa kanilang banda naman, kanina pa napapalunok ang binata. Kada titingin sa kaniya ang dalagang si Michelle ay binibigyan siya nito ng ngiting tila nakakapagpabilis sa tibok ng kaniyang puso. Hindi maitanggi ng binata sa sarili na 'na-love at first sight' siya sa dalaga. Unang araw na nagkita sila ay hindi na nakatulog ng maayos ang binata. Parati itong balisa at di mapakali. Ito ang unang beses na maranasan ito sa babae. Buong buhay niya ay kinukwestiyon niya ang sarili kung bakit hindi pa siya naiinlove sa mga magagandang dilag sa London, dito niya lang pala sa Pilipinas mahahanap ang makapagpaparanas sa kaniya ng 'cloud 9 feeling'. Ilang beses pa lamang sila nagkikita pero iba na ang epekto ng dalaga sa kaniya. Sa totoo nga lang ay dapat ngayon na ang uwi niya sa Ilocos, ipinagpabukas na lamang niya dahil nakita niya ang dalagang hindi niya inaasahang makikita muli sa isang mall. Nais sana niya itong yayain na kumain muna sandali.

"Uy bagets! Okay ka lang?" sulpot ni Michelle mula sa likuran ng binata. Napaharap naman agad si Sandro at parang hindi mapakali na makita ng malapitan ang mala-anghel na mukha ng dalaga.

"Ah e, let's eat!" biglaang wika ng binata. Maski ang binatang si Sandro ay nagulat sa naging tugon niya sa tanong ng dalaga.

"I mean, are you done? May napili ka na?" saad pa ng binata.

"Oo meron na. Ayun oh!" turo ni Michelle sa isang Pink Charles Latour Wrist watch na may pink leather strap.

"Beautiful" kumento ng binata.

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon