MICHELLE POV
"Ito ang uniporme mo, anak. Ito ang uniporme natin tuwing lunes hanggang biyernes. Kapag sabado naman, itong kulay pink naman ang dapat na suot natin. Tuwing sabado lang kasi umuuwi sila ma'am at sir. Minsan pa nga ay hindi umuuwi. Kapag linggo naman, day-off yun ng iba, pero kung gusto mo pa rin pumasok, magpaalam ka lang." pagdidiscuss sa akin ni Yaya Dors. Kasalukuyang nasa bahay kami nila Ziah. Ngayon na ako magsisimula sa trabaho para naman magkaroon ako ng perang pambayad sa OJT ni Marck. Diniscuss rin sa akin ni Yaya Dors na 'Nanay Dors' nalang daw ang itawag ko sa kanya.
"Ahm, nanay Dors, ano pong una kong gagawin?" tanong ko kay Nanay Dors. Napaisip naman siya sandali.
"Ay anak, wag ka pala muna magbihis. Bilhin mo muna itong mga isusulat ko ha." wika niya at kumuha ng papel at ballpen para isulat ang mga dapat na bilhin ko.
"Oo nga pala anak, hindi ka sa palengke mamimili ha. Sa TK Supermall ka mamimili ha?" wika niya.
"Sige po nay. Sya nga po pala, pwede po ba akong magpahatid kay Tatay Cardo?" tanong ko. Para naman di na ako magbayad ng pamasahe papunta dun no.
"Kunin mo kay Zach ang card ha? Para di ka na magbayad." wika ni Nanay Dors. Si Sir Zach naman ay kapatid ni Ziah. Ang panganay nila ay si Ma'am Uprainne, may asawa na siya at nasa China na ngayon. Sumunod naman ay si Sir Unique, ang unique ng pangalan niya. Siya naman daw ay nasa London ngayon at uuwi daw dito sa Pilipinas sa isang araw para magbakasyon. Sumunod naman ay si Sir Zach na nasa Pilipinas na ngayon. Sa London din daw sya nag-aaral at kauuwi lang kahapon. Kaedad ko lang daw si Sir Zach pero dahil bilang paggalang, tatawagin ko pa rin siyang Sir Zach. Si Ziah naman ang bunso, dati siyang nag-aaral sa London pero nagtransfer dito sa Pilipinas.
"Sige po nay. Kunin ko na po." paalam ko kay Nanay Dors. Umalis na ako sa kwarto ng mga workers at dumiretso sa 3rd floor ng bahay nila. Malaki itong bahay nila, nakakapagod ngang umakyat sa napakahabang hagdan eh. Sabi din kasi ni Nanay Dors, sa 3rd floor daw ang room ni Sir Zach.
Nang makarating ako sa 3rd floor, bungad agad yung room ni sir Zach kaya ang dali kong nakapunta.
Kumatok ako sa pinto but walang nagbubukas. Kaya kumatok ako muli pero wala pa rin. I decided to enter the room and I saw sir Zach sleeping there. Nilapitan ko siya di para gisingin kundi para tignan siya ng personal. Yung nakita ko kasi sa portrait painting sa may living room nila, may itsura naman siya. In fact, hawig nga ni Ziah eh.
Gwapo nga. Female version din ni Ziah. Paano ko makukuha sa kanya yung card kung di ko sya gigisingin? Kaso kung gigisingin ko naman siya, baka magalit diba? Wag na nga lang. Pwede naman siguro kung sasabihin ko nalang na empleyado naman ako ng Tamayo Fam. Baka naman payagan ako.
Bumaba na ako at pumunta sa may grahe para magpahatid sa TK Mall.
"Kumusta tatay Cardo?" bati ko sa kanya na naglilinis ng kotse.
"Ay kamusta na ineng? Ngayon ka na pala magsisimula?" masiglang approach naman nito sa akin.
"Opo tay. Oo nga po pala, papahatid po ako sa TK mall po." paalam ko naman.
"Sige tara na ineng." wika naman nito at sumakay sa kotse. Sumunod naman ako.
Habang nasa byahe, nagkukwento lang si Tatay Cardo.
"Alam mo ba neng, si Zach, mabait na bata yun dati. Kaso nagrebelde naman yun. Ayaw niya kasi mag-aral sa London pero hindi naman siya umubra sa Lolo niya. Natuto pa iyang manginom dati. Kaso wala e, kapag ang lolo nila ang nakaharap mo, matatakot ka talaga. Maswerte ka nga ineng at hindi mo sya naabutan eh." kwento ni Tatay Cardo.
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
FanfictionSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...