Chapter 7

247 7 0
                                    


Napunta ako sa isang talampas. Kulay berde ang namamayani sa bawat lugar na nadadaanan ng aking paningin. Kayganda talaga ng tanawin. May mga tao rin sa paligid pero may kakaiba sa kanila. Lahat sila, nakatingin sa akin. Hindi ko maaninag ang mga mukha nila dahil tangin ang mga mata lamang nila malinaw sa aking paningin. Nang biglang may kumalbit sa akin mula sa aking likuran. Dahan dahan kong nilingon ang taong kumalbit sa akin at bumungad sa akin ang isang lalaki na nakabarong. Malabo ang kaniyang mukha at tanging mata lamang ang naaaninag ko ng malinaw. Humawak ang lalaki sa dalawang balikat ko.

"Sino ka?" tanong ko. Pilit ko pa ring kinukusot ang mga mata ko para maaninag muli ang lalaking kaharap ko.

"Mamili ka. Pagtanggap o pagdurusa?" tanong ng lalaki.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko. Medyo naguguluhan ako sa kanya.

"Pagtanggap o pagdurusa?" pag-uulit nito.

Unti unting humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Sumasakit na ang pag-iga niya sa balikat ko. Tanging tahimik na daing na lamang ang aking nagawa.

"Sino ka ba?!" tanong ko.

"Pagtanggap o pagdurusa?" tanong niya ulit ngunit tila nagbabago ang kaniyang boses. Mula sa pagiging kalmado, naging parang tono na galit na galit at nagwawala ito.

Tumingin siya sa gilid, dahilan para mapatingin rin ako doon. Nagulat ako dahil nakita ko ang pangalan ko sa isang lapida. Nitso ko ito. Paanong nangyari? Tumingin ako sa petsa ng pagkamatay pero pabago bago ito.

"Ahhhhh!"

"Ate, gising! Huy ate!" mga salitang nadinig ko pagkamulat na pagkamulat ko ng mata. Tumingin ako sa paligid. Bubong na makalawang lamang ang aking nakikita. Bahay namin ito. Hindi ako nagkakamali.

"Ate, nanaginip ka." wika ni Marck na nakaupo sa papag ngayon kung saan ako nakahiga.

"Akala ko pupunta tayong hospital? Asan na si Ellize? Bakit nandito tayo?" tanong ko.

"Ate, nakapagpacheck up na kami. Ikaw e natulog lang at hindi na sumama sa loob ng hospital dahil hindi ka namin magising. Tulog na tulog ka. Ano ba napanaginipan mo ate?" tanong niya.

"I dreamt that I saw my grave in a dream, and every time I would look at my time of death, it changed over and over again." sagot ko.

"Aba si ate, nag-english. Ayos yan ate. Napapaenglish ka kapag nananaginip ka." biro ni Marck at tinitigan ko naman siya ng masama.

"To dream of your own death indicates a transitional phase in your life. You are becoming more enlightened or spiritual. Alternatively, you are trying desperately to escape the demands of your daily life." paliwanag ni Ziah.

"Ate, on the negative site, to dream that you die may represent involvement in deeply painful relationships or unhealthy, destructive behaviors. You may feeling depressed or feel strangled by a situation or person in your waking life. Perhaps your mind is preoccupied with someone who is terminally ill or dying. Alternatively, you may be trying to get out of some obligation, responsibility or other situation. You are desperately trying to escape from the demands of your daily life." paliwanag niya ulit.

"Nakakadugo naman iyan." biro ulit ni Marck. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Malay mo nga. Malay mo nga tama yung sinabi niya na baka nagbabago na ako sa mabuti o masama.

"Sya nga pala, asan na si Ellize?" tanong ko.

"Nandun sa may loob ng kotse ate. Kalaro si Tatay Cardo. Ayaw na nga bumaba eh." kwento ni Ziah.

"Ano nga pala nangyari dun sa pagpapacheck up sa kaniya?" tanong ko. Nagkatinginan naman si Marck at Ziah.

"Ate, tama yung kutob ko." dahan dahang sabi ni Ziah. Mukhang nalungkot pa siya.

"Autism daw ate." banggit ni Marck.

"Ano daw gamot dun?" tanong ko.

"Wala daw ate. Mga therapy lang daw ang kailangang isagawa." paliwanag ni Ziah.

"Paano 'yan? Wala naman kaming pera para dun eh." sagot ko.

"Ate, kung pwede naman, ako na magpapatherapy." suggestion ni Ziah.

"No, Ziah. Sobra sobra na ito ha. Tama na. Maraming salamat nalang ha." wika ko sa kaniya. Kase sobrang nakakahiya naman kung pati pagpapatherapy ni Ellize ay iaasa ko sa kaniya.

"Pero ate, kapag daw hyper ang bata, pwede daw pahidan ng lotion para kumalma." wika ni Marck.

"Tsk tsk" napailing na lamang ako sa sitwasyon ng buhay namin. Napakahirap talagang maging mahirap.

Pero sa totoo lang, hindi ako ganoon nalulungkot sa sinapit ni Ellize. Marahil ay hindi ko pa nga siya lubusang tanggap bilang parte ng pamilya ko at siguro'y medyo ampalaya pa rin ako sa kinahantungan ng buhay ko. Sino ba naman ang hindi magagalit sa taong binigyan na ng pagkakataon, sinayang pa. Pinagkatiwalaan mo na nga, sinira pa. Minahal mo na nga ulit, nagloko pa. Masyadong masaya ang buhay ko ano?

Kanina pa nakaalis si Ziah, may aayusin daw siya para bukas. Si Marck naman, nag-aaral at the same time kalaro si Ellize. Ako naman, eto naglalaba ulit ng damit ng kapitbahay namin. Sayang din ito. 250 pesos din ito kung tutuusin. Pwede ko na rin itong pambili ng pancit canton para sa onting salo salo naming pamilya bukas. Bukas na rin ang araw na may maireregalo ulit ako kay Papa.

Hiniwalay ko na ang puti sa dekolor. Nagbomba sa poso na nasa tabing kalsada na. Hanggang sa mapuno ang timba ng tubig, isinalin ko na ito at pinabula ang tubig sa pamamagitan ng paglalagay ng detergent. Sa gawaing paglalabada naluluto na ang mga balat sa kamay ko. Pero ayos lang, tanda naman ito ng kasipagan.

Gabi na nang matapos akong maglaba. Dinala ko na sa kapitbahay ang mga damit na nilbhan ko pati ang mga kagamitan sa paglalabada na hiniram ko.

Nang makarating sa kwarto ay kinuha ko muli ang aking sketchpad at katulad ng nakasanayan, gumuhit muli ako at batay ito sa aking naramdaman ngayong araw. Kulay puti at gray ang kinalabasan ng aking iginuhit na damit. Medyo komplikado ito at mas magarbo kung ikukumpara sa nauna. It reveals the sexiness of the body. I emphasized the purity with loneliness and complexness.

And dinalaw na ako ng antok.

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon