Chapter 9

207 7 0
                                    


MICHELLE POV

Pagkauwi namin ng bahay at pagkabukas namin ng pinto, nagulat ako kasi nandun si Ziah. Nagulat rin ako kasi ang daming pagkain na nasa lamesa namin. May spaghetti, lasagna, yung pancit na niluto ko, cake, ice cream, coffee jelly, menudo, lumpia, kanin, and even lechon, present. Para kaming nasa handaan. May mga lobo rin at banner na may sulat na 'Congrats ate Michelle. Good Job!'

"Hi ate Michelle. Thank you sa pagsesave mo sa akin and congrats. Wag mo na akong kwestiyunin tungkol sa handa mo, regalo ko 'yan ngayon dahil ikaw na ang idol ko!" wika niya at hinug ako. Nakakaluha yung effort niya para sa akin. Seryoso, ang sarap sa pakiramdam.

"Salamat!" wika ko sa kanya at inakap din siya.

"Michelle kilala ko siya." wika ni Kayelah mula sa likuran ko. Pinagmasdan nya pa mula ulo hanggang paa si Ziah.

"Paano mo nakilala?" tanong ko naman.

"Ahh, ate Michelle, alam mo yung sinasabi kong inarrange marriage sa akin?" tanong ni Ziah.

"Oo, pero hindi ko siya kilala." wika ko.

"Kuya ko yun. Si Kuya Ryan." wika naman ni Kayelah.

"Oh? What a small world!" kumento ko sa kanila.

"O sya! Kainan na!" sigaw ni Marck na sabik na sabik naman sa pagkain. Bakit kaya di siya nagmana sa akin na di masiba ano?

Nagsikainan na kami at ang ingay pa rin sa bahay. Si Kayelah at Jomar, ayun, LQ ata. Si Ziah at Marck naman, magkausap. Parang may naaamoy na ako sa dalawang ito ah. Si Papa naman, kasama si Sensen at Ellize na kumakain. Yung mga driver at ibang kasama naman ni Ziah na nag-ayos daw sa food ay pinakain na rin namin. Si Sandro naman....

"Mich, sayang no? Di sumama si Sandro." wika ni Kayelah. Nahiya naman ako medyo, kase lahat sila napatingin sa akin.

"Hayaan mo na. Di naman siya kawalan." kumento ko at sumubo ng spaghetti.

"Talaga lang ha?" tanong ni Marck na nakangisi sa akin.

"Oo." wika ko at sumubo ulit ng spaghetti.

"Sayang kase, madami pa daw kasi siyang gagawin. Hectic ang schedules nyon." wika naman ni Jomar na kasintahan ni Kayelah.

"Ano naman?" kumento ko ulit.

"Sayang. Di ko nakita 'yang Sandro na iyan." untag naman ni Ziah.

"Di naman siya importante." kumento ko ulit.

"May ampalaya. Naaamoy mo ba babe?" wika ni Kayelah at sinubuan ng spaghetti si Jomar.

"Oo nga babe. Kulang nalang kulubutin e." kumento naman ni Jomar.

"Anak, boyfriend mo ba yun?" tanong ni Papa. Dahilan para mailuwa ko yung spaghetti sa bibig ko. Buti nalang nasambot ng kamay ko.

"Yuuuuck!" sabay sabay pa silang magsabi niya ha. Sabay na nga sila sa 'Ayieee' pati ba naman sa 'yuuuck'. Matindi sila.

"Pa, pati ba naman ikaw? Syempre hindi. At wala akong balak magkaboyfriend, Pa. Diba nga sabi ko sa inyo, kapag mayaman na ako at nasa 35 years old, dun palang ako mag-aasawa." wika ko.

"Masyado ka ng matanda nun sis." respond ni Kayelah.

"Ate, aminin mo na. Di naman magagalit si Papa e. Diba po Pa?" wika naman ni Marck.

"Oo naman. Ako pa. Basta family muna ang focus mo, di ako hahadlang diyan." sagot ni Papa.

"Oo nga ate Michelle, bagay naman daw kayo eh, sabi ni Marck." sambit naman ni Ziah.

"Ate, ang sweet niya nga sayo kanina eh. Kiniss niya yung kamay mo." kwento ni Sensen.

"Sayang ineng. Dapat nakilala namin. Diba?" komento naman ni Tatay Cardo, yung driver ni Ziah.

"Nako, ewan ko sa inyong lahat." wika ko ay kumain nalang ng kumain. Sabagay, bakit nga ba ako aasang sasama yun? Eh kita mong ang mayaman yun plus marami pa siguro silang negosyo at hectic pa ang schedule niya. Hays. Hayaan na nga lang. Di ako disappointed ha. Di ako disappointed.

"Thank you sa inyong lahat. Salamat sa pagpunta at ingat sa pag-uwi!" wika ko sa lahat ng bisita ko.

Nag-sialisan na rin naman yung mga nakadekotse kong kaibigan. Kaya yung mga kapitbahay namin, may bagong tsismis na naman.

"Tulog na ta'yo!" sigaw ko at pumasok na sa kwarto. Maayos na naman yung bahay kasi pinalinis ni Ziah yung mga kalat sa mga kasama niya.

Kinuha ko na ang napakabigat na sketchpad ko at nagdrawin na ulit ng damit batay sa nararamdaman ko. Nang matapos kong idrawing ang isang gown na may matingkad na pulang kulay, pumikit na rin ako at nagpahinga. Simula na rin ng trabaho ko bukas kila Ziah. Kailangang maaga ako para makapag-iwan ako ng magandang impresyon sa aking amo. 

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon