Nang makarating kami sa CR, dali dali akong pumasok sa isang cubicle at nagcr. Medyo nawala na yung sakit ng paa ko, napansin ko lang. Naloloka pa rin ako sa mga tao duon. Puro english speaking. Medyo masakit sila sa matres ha! Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako at nakita ko dun si Sensen na naghihintay. Naka-indian sit pa. Sobrang cute niya talaga.
"Ate naiihi rin ako!" wika niya sa akin. Ang cute cute niya talaga. Ang tataba ng mga pisngi.
"Umuhi ka na." wika ko.
"Samahan mo po ako." wika niya. Hala? Ano 'yan? Papasok ako sa CR ng mga lalaki.
"Ha? Eh mga lalaki yun?" wika ko.
"Sige na ate. Please?" wika niya. Hindi naman na ako nakahindi kase hinila niya agad ako.
Nakarating kami sa male's comfort room at may taong nanduon. Pagpasok ko, nagitla ako kase may dalawang lalaki na umiihi. Napangisi silang dalawa. Kinilabutan ako. Nagsitaasan ang mga balahibo ko eh.
"Sorry po, sinamahan ko lang po yung bata. Pasensya na po." wika ko ng hindi makatingin sa kanila. Nakaharap ako sa pintuan ng cubicle. Jusko. Bakit ba ang tagal umihi ni Sensen. Isang water drum na ata ang inilabas nun. May humawak sa balikat ko kaya bigla akong nagulat. Hindi ko na nakuha pang tignan kung sino yung humawak sa akin pero napatakbo ako sa isang empty cubicle at inilock agad ito. Nagsimula na akong magdasal.
'Lord wag naman po sana ngayon. Marami pa po akong pangarap. Ibibili ko pa po ng mamahaling kotse si Papa at pag-aaralin ko pa po si Ellize. Ingatan niyo po ako Lord, pati ang iniingat-ingatang puri ko. Wag naman po sana akong marape.' dasal ko.
Nakakaloka naman kasi si Sensen eh! Ang tagal niya umihi kaya ngayon ay ako ang napapahamak. Mga 15 minutes na ako dito at wala na akong naririnig na ingay sa labas. Sinilip ko na yung labas pero wala akong nakikita. Binuksan ko na unti unti yung pinto at putangines, ang rami palang lalaki. Lahat sila nakatitig sa akin at nakangisi. Agad akong tumakbo palabas.
"Shit!" wika ko. Tumatakbo pa rin ako. Hindi ko na alintana ang mataas na takong na suot ko ngayon. Basta makaalis lang dito.
Sa may hallway, nakita ko si Sensen at ang isang lalaki. Inaayos nito ang suot na belt ni Sensen. Nako Sensen! Bigla akong tumakbo papalapit kay Sensen.
"Sensen! Ano ka ba? Muntikan na akong mapahamak sa loob ng CR na yun? Bakit di mo ako pinuntahan?!" wika ko. Medyo galit na ako sa kaniya pero ang cute niya pa rin.
"Ano kase ate, hindi naman ako sa cubicle na yun pumasok. Doon ako sa pinakahuling cubicle nag-cr." wika niya at tumatawa pa.
"Anong nakakatawa dun? Muntikan na nga akong harasin ng mga lalaki dun tapos tatawanan mo pa ako? Bakit di mo man lang ako hinanap? Jusko. Kung ganiyan pala edi sana di na lang kita sinamahan?!" wika ko sa kaniya. Medyo tumataas na rin ang boses ko sa kaniya. Napansin ko naman na tumutulo na ang luha ni Sensen. Napatitig ako sa kaniya.
"It's not Sensen's fault. It's yours. Whatever happens to you, it's your fault. You are old enough to depend on others. Don't ever blame this child. He didn't know what happened to you." wika ng isang lalaki. Tumayo siya at humarap sa akin.
"Ikaw?!" wika ko. Siya si Mr. White! Yung lalaking nakaputi na nakakwentuhan ko na nagpahiram sa akin ng phone.
"Yes. It's me." wika niya. Nahihiya pa rin ako sa kaniya kaya ibinaling ko ang atensyon ko kay Sensen. Umiiyak pa rin siya ngayon. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko ng sobra sobra. Bakit ko nga naman kase siya sinisi?
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
أدب الهواةSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...