Chapter 13

339 13 8
                                    


"Hey! I'm sorry about what happened last night. I don't know what I'm doing that time, I'm not fully conscious and I'm drunk. I know I messed up, call me jerk, kick my ass but please forgive me!" mahabang litanya ng binata habang nagpapaliwanag sa dalagang nakatalikod sa kaniya at nagluluto. Kanina pa itong umaga sunod ng sunod sa kaniya at parang bata na naghahabol sa ina. Kanina pa rin nawiwirdohan ang dalaga sa OA na pagrereact nito. Miski ang iba pa nilang kasama sa bahay na naninibago rin sa kilos ng binata kaya nagdesisyon nalang muna ang apat nitong kaibigan na iwanan ang dalawa sa bahay at magroadtrip.

"Kanina ka pa salita ng salita. Hindi ka ba napapagod?" tanong ni Michelle sa binata.

"No, because--"

"Sir Sandro, tagalog please!" pagpuputol ng dalaga sa inaasahan niyang mahabang sasabihin na naman ng binata.

"Hindi ka galit?" pangiintriga ng binata. Kahit pa may arte pa rin ang pananagalog ng binata, pinipilit nito na sundin ang gusto ng dalaga na kapag nag-uusap sila ay tagalog lamang.

"Bakit ako magagalit?" turan ni Michelle.

"Kasi hinalikan kita kagabi. But I'm very--"

"Wala akong magagawa, boss rin kita e. Edi kapag nagmatigas at umangal ako, baka bukas o kaya mamaya, wala na akong trabaho." may pagkainis na turan ni Michelle.

"Forgive me because I've done something really stupid not because I'm one of your bosses. I'll do everything--" muling natigil ang pangaral sana ni Sandro dahil napalingon sa kaniya ang dalaga. Tinignan ni Michelle si Sandro na para bang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin dito ng binata. Sinuri niya pa ang binatang nakaupo sa lamesa.

"Kapag nag-uusap tayo, magtagalog ka naman. Parang kahit anong oras, pwede akong duguin eh." wika ng dalaga.

"Si-sige." nauutal na tugon naman ng binata.

"Ako na magluluto." wika ulit ni Sandro at bumaba sa mesang inuupuan. Lumapit ito kay Michelle at nag-iintay lamang na ibigay sa kaniya ang sandok.

Napangisi naman ang dalaga, iniisip niya na mababawasan ang kaniyang gawain kung magpapatulong siya kay Sandro. Iniisip din niya kung paano ieexecute ang linya ni Toni Gonzaga sa paborito niyang pelikula na Starting Over Again.

"Well boss, if you insist, how can I resist?" medyo may landing tugon nito at ibinigay sa amo ang sandok. Pumalit naman si Michelle na umupo sa lamesa habang tinititigan ang nakatalikod na Sandro Marcos.

'Hays! Ang gwapo naman nito.'

Sa kabilang banda naman, hindi malaman ni Sandro ang susunod na gagawin, basta nalang kasi ipinasa ng dalaga sa kaniya ang gagawin ngunit hindi naman ito nagbigay ng gabay. Hawak hawak lang niya ang sandok pero wala siyang ibang ginagawa kundi titigan lamang ang sisig na kulang pa sa rekados. Isa palang pagkakamali ang magboluntaryo sa mga bagay na di niya alam gawin.

"Hindi ka marunong magluto no?" sulpot ni Michelle mula sa likuran ni Sandro na ikinataas naman ng balikat nito dahil sa mababang intensidad ng gulat.

"I'm sorry." malungkot na wika naman nito, Sumandal si Michelle malapit sa lababo na kalapit lamang ng kalan at sinisilip nito ang niluluto ng binata.

"Yung kapatid ko, bata palang natuto na agad magluto. Lalaki pa yun ha. Pero sabagay, baka mas matanda pa siya sayo kasi mukha kang 18 years old lang." wika naman neto.

"I'm 22 already." tugon naman agad ni Sandro.

"Weh? Niloloko mo ba ako? 21 nga lang ako, pero halata namang mas matanda ako." kontra nito.

"Its my real age. Try to look at my driver's license there at my wallet" wika nito at itinuro ang wallet na nasa lamesa lang rin.

"Oo na sige, naniniwala na ako. Lagyan mo na ng tatlong kutsarang mayonnaise. Saktong pagkakatakal lang ha, nakakauta kasi kapag naparami iyan." utos ng dalaga na sinunod naman ng binata.

"Haluin mo na. Dapat lahat iyan, madampian ng mayonnaise para may lasa." dagdag pa nito. Sinunod naman ito ni Sandro pero may napansin pa rin si Michelle.

"Mali ang paghalo mo. Dapat kalmado lang para naman hindi tumatalon yung mga karne palabas ng kawali. Parang ganito oh" wika ni Michelle at hinawakan ang kamay ni Sandro. Habang ginagabayan ni Michelle sa paghahalo si Sandro ay nararamdaman na naman ni Sandro ang malakas na tibok ng kaniyang puso. Nakakabakla mang sabihin pero sa tingin niya ay mahal na niya ang dalaga kahit noong una pa lamang silang magkita.

"Uy, gawin mo na. Malapit nang maluto yan oh." pagiinterupt naman nito sa momento ni Sandro. Kanina pa pala nito binitawan ang kamay ni Sandro dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili na mahulog sa binata. Laging nakatatak sa isip niya na ang trabaho ay trabaho at ang personal na buhay ay ang personal na buhay. Hindi pwedeng magsama dahil magkaiba. Hindi pwedeng magsama dahil magkaiba ang sitwasyon.

"Napatawad mo na ba ako?" tanong ni Sandro sa dalaga. Silang dalawa lamang ang nasa hapagkainan ngayon dahil wala pa rin ang mga kasama nila sa bahay.

"Hindi pa." maikling wika naman ng dalaga.

"Sorry na ulit." tugon naman ng binata.

"2nd kiss ko yun kaya importante yun!" untag ni Michelle.

"Who's your first kiss?" interesadong tanong ng binata na para bang nais talaga niyang malaman pero sa looban ay nagseselos siya.

"Pinangalanan ko siya Tobi." sagot naman nito.

"Is he your boyfriend? First love?" malungkot na tono ng binata.

"No. Isa siyang bwiset na pumasok sa bahay namin. At sa lahat ng maikikiss nya, ako pa." kumunot ang mga noo ni Sandro sa binanggit ni Michelle.

"Nasan na siya ngayon?" may pagkabaluktot na dilang tanong ni Sandro.

"Wala na eh. Patay na siya. Pinatay ko na. Hindi kasi katanggap tanggap ang ginawa niya." nanlaki ang mga mata ni Sandro. Hindi niya maisip na kayang pumatay ang babaeng kaniyang kinahuhumalingan.

"You killed him?" may kabang paniniguradong ni Sandro.

"Oo. Pinugutan ko siya ng ulo tapos hinati ko rin yung katawan niya. Pinisit ko yung ulo niya para naman makagati ako." kwento ng dalaga.

"Ehem ehem!" dahil dito, nasamid tuloy ang binatang si Sandro. Pilit kinakalma ni Sandro ang sarili, iniisip niya na baka nagbibiro lamang ang dalaga.

"Bakit parang pinagpapawisan ka yata?" tanong ni Michelle sa kaharap sa lamesa.

"Ha? Hindi ah! 'Cause its hot in here. Bakit hindi ka inireklamo?" palusot pa nito. Ang totoo ay kinakabahan talaga siya sa maaaring gawin sa kaniya ng dalaging sinisinta sapagkat silang dalawa lamang ang nasa loob ng bahay ngayon at wala ang kaniyang mga kaibigan.

"Ha? Wala namang magrereklamo. Paano nila ako maipapakulong e wala nga silang kakayanang magsumbong." wika pa nito.

"Ha?! How come?" intriga muli ng binata.

"Tanong ka ng tanong no. Papakita ko sayo picture niya. Kinuhanan ko siya ng picture nung patay na siya e. Eto, wait." wika nito habang kinukuha ang cellphone sa kaniyang bulsa.

"Eto oh!" iniharap niya kay Sandro ang kaniyang cellphone upang ipakita ang litrato. Ngunit napansin niya naman na nakapikit ito/

"Okay na. Nakita ko na." wika naman ni Sandro,

"Paano mo makikita? Eh nakapikit ka. Magmulat ka nga. Di naman nakakadiri eh" utos nito.

Unti unting iminulat ni Sandro ang kaniyang mga mata. Pilit niyang inililihis ang kaniyang pokus upang hindi matuunan ng pansin ang litrato. Napansin naman ni Michelle na sa ibang direksyon nakatingin si Sandro kaya inilagay niya ang cellphone sa direksyon kung saan nakatingin si Sandro. Unti unting nanlaki ang mga mata ni Sandro. Hindi niya ito lubos akalain.

"What the hell?" sigaw nito at napatayo mula sa pagkakaupo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon