"Ate, gising na. May pasok ba kayo ngayon?" inaantok na wika ni Marck habang inuuga ang kaniyang ate.
"Wala" sagot naman ng dalaga na animo'y wala pa sa sarili.
"8 AM na oh. May bisita ka pa." untag ng kapatid nito na siya namang ikunagulat ng dalaga. Napabangon agad si Michelle at kinusot ang kaniyang mga mata.
"Si Kayelah na naman? Paalisin mo na. Sabihin mo natutulog pa ako." wika naman ito at muling humiga. Si Kayelah lamang kasi ang dakilang epal sa pagtulog ng dalaga. Parating bumibisita sa maliit nilang bahay ang kaibigan kahit pa kasagsagan ng tulog nito.
"Ate, hindi. Ibang babae, may itsura, maputi, at Ziah daw ang pangalan, ate." sagot ng kapatid. Napabalikwas naman ang dalaga at muling bumagon.
'Anong ginagawa nun dito?' pagtataka ng dalaga
"Seryoso?" intrigang tanong ng dalaga.
Dumapo ang mga kamay ng lalaki sa buhok nito at para bang nagpapagwapo. "Ako? Magbibiro? C'mon ate, gwapo ako pero di ako manloloko." pagmamayabang naman ng kapatid nitong binata. Agad namang dumapo ang mabigat na kamay ng ate nito sa kaniyang batok.
"Bakit daw nandito?" tanong muli ni Michelle.
"Aba'y ewan ko. Harapin mo na kase, baka main love sa akin yun. Kanina pa ako ng ako ang kinakausap." pagyayabang niya. Pumunta ng sala si Michelle upang harapin ang di inaasahang bisita nito. Natanaw niya si Ziah na nakaupo sa monoblock na nangingitata na sa kalumaan. Nakasuot ito ng dilaw na chanel dress. Nakasuot rin ito ng high heels pero hindi alam ng dalaga ang tatak sapagkat hindi niya pa ito nakikilatis ng maigi. Suot suot rin nito ang ngiting parang walang problemang dinadala at pagsubok na pinagdaanan.
"Hello ate Michelle! Good Morning!" bati ni Ziah sa dalagang nagkukusot pa rin ng mata. Ngiting ngiti pa rin si Ziah habang pinagmamasdan si Michelle. Gandang ganda siya sa kasimplehan nito sa katawan. Hindi siya tomboy at para sa kaniya ay natural lamang na magandahan sa kapwa nito babae. Nakadagdag rin sa ganda nito ang kulay nitong light tan at pagiging magaling sa martial arts na nasaksihan niya nung iligtas siya ng babae.
"Good morning din." nakangiting wika naman ng dalaga. Dumiretso ito sa kusina upang maghilamos at magtootbrush. Inayos rin nito ang sarili para magmukhang presintable sa harap ng dalagita.
"Ano ang pumasok sa isip mo at nagawi ka rito sa amin? Okay ka na ba?" tanong ni Michelle.
"Oo ate, okay na ako. Yayayain sana kita lumabas at pumunta sa amin." nakangiting sagot naman ng dalaga.
'Parang walang dinadalang problema ang batang ito, parati ba namang nakangiti.' untag ni Michelle sa sarili.
Hinawi ni Michelle ang kurtina sa pinto ng kwarto at inutusan ang kapatid na nakahiga naman sa papag. "Marck! Bumili ka muna ng tinapay sa labas. Magtitimpla ako ng kape." Lumapit naman ang nakababatang kapatid pero tila may napapansin ang dalaga. Madalas itong magtinginan at magngitian.
'Mga kabataan nga naman oh!'
"Ate, alam mo ba na ganitong bahay lang ang gusto ko." kwento naman ni Ziah.
"Bakit naman? Kapangit pangit nga ng bahay namin eh, maliit pa." nagtatakang kumento ni Michelle.
"Yun nga eh, gusto ko yung maliit na bahay lang para close kaming pamilya." sagot naman nito.
"Diba close naman kayo? Nakita ko nga kayo kagabi na magkakayakap eh."
"Nako, kagabi lang yun. Buti nga na nasaksak na lang ako e, kasi noon lang sila naging concern sa akin." nakangiting wika pa rin nito.
"Wag ka nga magsalita ng ganyan. Hayaan mo na yun" pagtitigil naman ni Michelle sa usapan. Baka humantong pa sa emosyonal na usapan ang kanilang topic. Ayaw na ayaw pa naman ng dalaga na napag-uusapan ang pamilya dahil mas malulungkot lamang siya.
"Ate, magbihis ka na, aalis na tayo." wika ni Ziah.
"Sige." sagot naman ni Michelle at nag-ayos na.
Humarap ang dalaga sa bisita ng medyo basa pa ang buhok. Suot nito ang isang t-shirt at pantalon. Nakasuot rin ito ng isang rubber shoes at nakaponytail ang medium length na buhok. "Ate, ready ka na? Tara na!" aya ni Ziah at hinawakan ang braso ni Michelle. Kitang kita sa mata ng dalagita ang pagiging sabik nito mamasyal kasama ang dalaga.
Sa mamahaling kotse ng dalagita, naghihintay ang driver nitong medyo may katandaan na rin ang edad. Nang makasakay sila dito, tanging ngiti lamang ang naibigay niya sa kasamang driver.
"Ah Ziah, saan mo nga pala ako dadalhin?" tanong ni Michelle.
"Sa may Tamayo's Opulent Resto ate." sagot naman ni Ziah.
Sikat ang restaurant na ito at napakamamahal pa ng bilihin. Nahiya naman ang dalaga na dito kumain dahil tanging mga mayayaman at mapepera lamang ang may kakayahang makabili ng pagkain dito. "Ang mahal dun ah! Wag na dun." pagtanggi ni Michelle.
"Amin naman yun ate, kaya natin 'yan" kumento naman ni Ziah na ikinagulat ni Michelle.
"Inyo?" paniniguradong tanong ni Michelle kay Ziah. Sobrang yaman nga ng batang ito, ika niya sa isipan. Tumango naman ang dalagita.
"Ilang taon ka na Ziah?" tanong muli ni Michelle.
"17 na ako ate. College na rin at Tourism student ate." wika niya.
"Ahh ganun ba." sagot ko naman.
Habang nasa biyahe ang dalawa, nagkuwento lamang ng nagkwento si Ziah. Napag-alaman ng dalaga na mayaman nga talaga ang kaniyang kasama. Biruin mong may-ari ng mga hotel dito sa Pilipinas ang pamilya niya. Naikwento rin ng dalagita na kaya lamang siya nabiktima at nanduruon sa pinangyarihan ng krimen ay dahil naisipan nitong pumunta sandali sa convenience store at makipagkita sa mga dating kaklase. Ngunit pagkalabas daw nito sa store ay hinila agad siya ng lalaki at tinutukan ng kutsilyo. Bilang hindi naman matatakutin ang dalaga ay hindi ito natrauma sa nangyari. Nakapagkwento rin ito tungkol sa pamilya niya. Apat silang magkakapatid. Dalawang babae at dalawa ring lalaki. Bunso siya sa kanilang apat. HIndi rin siya malapit sa kaniyang mga kapamilya at tanging ang Yaya lamang nito na si Yaya Dors ang close niya. Parati kasing nasa trabaho ang mga magulang ng dalaga at ang mga kapatid naman nito ay halos hindi na nakatira sa bahay nila. Ang ate nito na siyang panganay ay maagang nakapangasawa at maagang bumukod. Ang mga kuya naman niya ay nagsisipag-aral sa London at minsanan lamang umuwi kapag bakasyon nito. Tanging siya at parents niya lamang ang kasama niya pati ang mga trabahador nito. Minsan pa nga'y hindi nakakauwi ang mga magulang niya sa bahay dahil sa sobrang busy nito at kung minsan ay may business trip pa.
Sa yugtong iyon, napagtanto ng dalaga na hindi nga ganoon kasaya ang buhay ng kaniyang kasama. Mayaman nga ito sa salapi, kulang naman ito sa gabay at pagmamahal. Hindi katulad niya na kinulang man sa pagmamahal ng ina, napuno naman ng pagmamahal sa natitirang pamilya.
BINABASA MO ANG
Before the Next Teardrop Falls (A Sandro Marcos Fanfic)
FanficSimula ng magkawatak watak ang pamilya ni Michelle Esperame, hindi na ito nakaranas ng buhay dalagang uri ng pamumuhay. Isinilang man siyang may gintong kutsara sa bibig, unti unti naman itong nawala dahil sa pagkakamali ng kaniyang ina na. Hindi na...