Chapter 29

950 24 1
                                    

Dinala ako ni shisca sa naggagandahang mga bulaklak na hindi ko akalain na nag aalaga pala sya.nag kwento sya sakin tungkol sakanila ni xaviere hindi ko alam kung bakit nya kinukwento sakin ang lahat lahat.para bang alam nya na yun ang gumugulo sa isipan ko.Dun na din nasagot lahat lahat ng gumugulo sa isip ko.at may isang bagay syang sinabi sakin.

"Wag mong hahayaan na mawalan sya ng tiwala sayo.dahil ikaw palang ang minahal at pinagkatiwalaan nya ng ganyan"

Ako palang ang minahal ni xaviere ibigsabihin ako palang ang babaeng nagpatibok sa cold na puso nya.saloob loob ko masaya ako pero parang may pakiramdam ako na iba.minahal ko din si xaviere kahit ganun sya..

Naglalakad na ako sa hallway ng may mga maid na dumaan mula sakin.na hindi ata ako napansin.

"Mamayang gabi na ang kaarawan ni prince xander"

"Excited akong makita syang nakatoxedo mamaya"

"Makikita ko na naman ang kagwapohan ng prince"

May kilig sa mga labi na sabi ng mga babae na dinadaanan lang si aymeline.

Eh??kaarawan ni xander mamaya?bakit hindi ko alam yun?sa isip isip nito nagtuloy tuloy sya sa kwarto ng reyna dahil pinatawag sya nito..

Kakatok pa sana sya ng marinig ang reyna..."tumuloy ka"masiglang sabi ng reyna.

Sa pagpasuk nito sa silid ng reyna bumungad sakanya ang napakamaaliwalas na silid.napakalinis at mahahalata mong babae talaga ang nagmamay ari ng silid.

"Maupo ka"naupo naman si aymeline na malapit sa kanyang upuan.

"Bakit nyo po ako pinapatawag mahal na reyna"pagtatanung ni aymeline

"Palabas ang damit na gusto kong ipasuot sakanya"nakita na lang ni aymeline na may lumabas na kung san na maid na may hawak ng red dress at floral..."yan ang susuotin mo para mamaya sa kaarawan ni prince xander"

"Pero napakaganda po nito para sakin"hindi man sabihin ni aymeline ay nagagandahan sya sa dress na nasa harap nya ngayon.pero iniisip nya na baka hindi ito bumagay sakanya lalo pat ngayon na lang sya magdadamit ng dress na ganyan.

Nabigla naman si aymeline ng nasa harap na nya ang reyna.

"Maganda ka aymeline hindi lang sa panglabas pati sa panloob na kalooban"

------
Lumabas si aymeline na natulala sa sinabi ng reyna sakanya hindi nya akalain malaki ang pagtitiwala nito sakanya.pinagbawalan na sya ng reyna na magpalabas labas ng silid nya dahil sa mayamaya lang ay may pupunta sakanya para ayosan sya.

"Pwede ba akong pumasuk?"nagulat si aymeline sa pagsalita ni xander na nasa pinto na nya.

"Ikaw pala prince xander"pag galang nito

"Oh bakit may prince na diba dati xander lang?bakit ka pala tulala?"sabi nito na nakalapit na kay aymeline.

"Dahil prince ka!! Atsaka wala kang sinabi na kaarawan mo pala ngayong gabi wala man lang akong nabiling regalo para sayo"pagmamaktol nito dahil sa ngayon lang nalaman ni aymeline ang kaarawan ni xander.

"Hindi na kailangan nun basta andun ka masaya na ako"pahinang sabi ni xander dito

"Huh? Ano yung midyo dulo mong sinasabi?"pagpapaulit nito kay xander

"Wala"sabay ngiti nito ng malapad

Dahil sa kasiyahan ng dalawa at sa pangungulit ni aymeline kay xander hindi alam ng dalawa na kanina pa pala nakatingin sakanila si xaviere na maitim na ang aura.at halos lahat ng salamin ay mawasak sa subrang galit nito.

YOUR MY LIVESTOCKWhere stories live. Discover now