Prologue

5.4K 91 5
                                    

DAYMON'S DARK SECRER
by: @jeeiiy

Prologue:

HINDI malaman ni Annika kung anong damit ang kanyang isusuot mamayang gabi sa birthday party ng kaisa-isang anak ng may-ari ng paaralang kanyang pinapasukan. Lahat ay imbitado sa ingrandeng pagtitipon na iyon.

He's Daymon. Freaking handsome and smoking hot. Halos lahat ng babae napapalingon kapag dadaan na siya. He's such a head turner. Pero kahit na ganoon siya ay ni minsan hindi siya namimintas. Hindi siya snob at hindi suplado.

Kaya naman lihim na nagkagusto ang dalaga dito. Isa lang naman ang kanyang kahilingan. Ang maging sila ni Daymon. Ang maging pagmamay-ari niya ito.

"On the way na ako." Sabi niya ng sagutin niya ang tawag ng bestfriend niyang si Bea. Kakaiba ang babaing ito. Hindi siya nagkagusto kay Daymon. Hindi alam ni Annika kung bakit pero iyon ang sabi sa kanya ni Bea.

Halos lumuwa ang mata niya ng makarating na siya sa tapat ng bahay nila Daymon.

"Aaang laaakiii." Manghang sabi niya. Ngayon lang ata siya makakapunta sa ganito kalaking bahay kahit na mayaman din sila pero ibang yaman naman sila Daymon. Yung parang kahit mga apo nila sa kuko makikinabang sa yaman nila.

"Tara na." sabi naman ni Bea.

Tumango lang ako. Pagkarating namin sa pinto ay may nakaabang na apat na umipormadong mga lalaki. Formal na formal ang kanilang suot.

"Invitation nyo po ma'am?" magalang na tanong nito sa amin. Inabot naman nila ni Bea ang invitation saka pumasok na sa loob.

Ang daming tao. Ang ingay ng paligid. Ito ba magcelebrate ng kaarawan ang mga mayayaman na tao? Kulang na lang pati president ay dumalo.

Naghanap na sila ni Bea ng mauupuan. Hindi pa man sila nakakupo ay biglang sumulpot itong lalaking nakablack tux. Sa hinuha nila ay isa ito sa mga butler nila Daymon.

"Miss Annika?" nakatingin ang lalaki ay Annika.

"Po?" takang tanong ni Annika sabay tingin kay Bea. Nagkibit balikat lang ang kaibigan niya.

"Lord Daymon wants to see you." Namilog ang kanyang mga mata pagkarinig niyang iyon.

Tumango lang ang dalaga saka nagmouth kay Bea na be right back.

"This way please." Magalang na saad sa kanya ng lalaki. Nakangiti ito sa kanya.

Tiningnan na lamang ni Bea ang papalayo na kaibigan. Hindi na siya magugulat kung sabihin man sa kanya ni Annika na nag "ano" sila. Hindi na bago sa kanya ang mga bagay na iyon.

Kahit naman sinong lalaki ay pinapatulan ni Annika eh.

Eninjoy na lamang niya ang gabi. Halos tatlong oras na simula noong umalis si Annika. Ang tindi talaga ng babaing iyon. Halos lasing na din naman siya kaya naisipan na lamang niyang umuwi na. tinext niya si Annika na nauna na ito. Siguro nag-eenjoy pa iyon sa ginagawa nila ng Daymon na iyon.

KINABUKASAN halos panawan ng ulirat si Bea ng makita ang hubo't hubad na katawan ng kanyang kaibigan. Nakadipa ito sa isang malaking krus na itinusok sa gitna mismo ng kanilang field. Putol ang kanyang kamay hanggang sa braso. Bali ang kanyang mga paa. At may malaking sugat ito sa tiyan. Hugis krus, dahilan upang lumabas ang ilang mga lamang loob nito. Puno din ng pasa ang buong katawan ni Annika.

Walang ano mang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Rinig niya ang mga bulong bulungan ng ilan pang estudyante. Hindi na niya kaya pang tingnan ang tanawing hayagang nakikita ng kanyang mga mata. Patakbo siya papuntang CR. Gusto niyang masuka. Sinong halimaw ang gumawa noon sa kaibigan niya? Walang puso. Walang kaluluwa...

Si Daymon!!!

Siya ang huling nakausap nito kagabi. Kailangan niyang malaman iyon. Kailangan niyang ipaghiganti ang kaibigan. Kung totoo mang sila ang may gawa nito, hindi niya alam kung papano sila kakalabanin. Pero kailangan. Kailangan.

Halos tatlong araw sunod sunod na ganoon ang bumubungad sa mga estudyante sa paaralang iyon. Ginagawa naman lahat ng mga pulis ang makakaya pero mukhang napakailap ng demonyong gumagawa nito.

"I'm watching you." napatayo siya ng maramdaman niya ang hininga noon sa kanyang leeg. Matapang niyang nilingon ang taong iyon.

Si Daymon.

"One wrong move and you'll dead. Bang!" bulong niya sa tainga ni Bea na nagbigay ng kilabot sa kanya. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo.

So, tama nga. Si Daymon nga ang may kakagawan ng lahat ng ito. Paano niya ito kakalabanin?

Naglakad na palayo si Daymon, palayo sa kanya. Nakangiti lang ito sa lahat ng babaing nakakasalubong niya. Ibang iba ang Daymon na iyon.

Kailangan niya ng tulong. Kailangan niyang humingi ng tulong sa mga pulis. Kailangang matapos na ang lahat ng ito. Tinakbo ni Bea ang papuntang police station.

Hingal na hingal siya ng makarating siya doon.

"Mamang pulis. May.. may irereport lang po sana ako. Tungkol po doon sa mga babae. Kasi.. kilala ko po 'yong gumawa noon."

"Talaga? Saglit gagawa lang ako ng report." Kinuha ng police ang note niya nakapatong sa kabilang mesa.

"Sige hija, ano 'yon?" nakahanda nang magsulat ng pulis.

"Kasi po.. 'Yong gumawa po noon ay si-"

Napatigil sa pagsasalita si Bea ng maramdamang may umakbay sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata ng makilala kung sino ang taong iyon. Hindi siya makagalaw. Bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

"Ah. Mr. Officer, she's my girl. Don't mind her. She's trying to throw a prank. Sige po. "

Sapilitan niyang hinila si Bea palabas ng police station. Pilit na kumakalas ang dalaga sa pagkahawak nito ngunit mas lalo pa niya itong hinigpitan.

"A-anong gagawin mo ha? Demonyo. B-Bagay nga yang pangalan mo sayo. Demon!!!!"
Hinawakan niya sa buhok sa Bea saka itiningala.

"Anong sabi mo?" nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin lang sa dalaga. Dinuraan lang siya ni Bea.

"Fuck! Ipasok yan sa kotse." Saka itunulak ang babae sa kanyang mga tauhan.
Piniringan nila si Bea saka pinaamoy ng kung ano man mang kemikal mula sa panyo kaya nawalan ito ng malay.

Nagising si Bea sa isang madilim na lugar. Pero familiar sa kanya.

Sa field!

Kung saan natagpuan ang bangkay ng kaibigang si Annika. Nakadipa ito at ganoon na lamang ang panginginig ng kanyang kalamnan ng maramdamang wala na itong ano mang suot.

"Handa ka na ba para ritwal?" narinig niya ang boritonong boses ni Daymon.

"Hayop ka!!! Wala kang puso!! Demonyo!!"

Kahit anong sigaw niya ay hindi siya pinansin nito. Napansin din niya ang walong kataong nakapalibot sa kanya. Nakasuot ito ng kulay itim na tela. At kung may anong lengwaheng sinasabi.

Patuloy pa din sa pagsigaw ang dalaga ngunit hindi talaga siya pinapansin.

Mayamaya ay nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng itim na palapit ng palapit sa kanya. Ipinikit niya lang ang kanyang mga mata. At kumawala ng isang matinis na sigaw na siyang pumunit sa katahimikan ng gabi.

Breaking News:

Natagpuan ang bangkay ng isang babaing nakahubad at nakadipa sa gitna ng field ng Elite Academy. Nakilala ang babae sa pangalang Bea Ramos. Na pumapasok din sa naturang paaralan na iyon.

Hindi na pinatapos ni Daymon ang balita. Pinatay na niya ang TV. Tumawa ito ng napakalakas.

"'Yan ang napapala ng mga pakialamera. Hahahaah!!"

Ikaw mangingialam ka pa ba? Kung oo, hintayin mo si Dyamon mamayang gabi.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon