Chapter 9

1.2K 18 0
                                    

Chapter 9

Nakatingin lang ako ng diretso sa mga mata ni Daymon. Sa mapupula nitong mga mata. Wala na kahit ano mang emosyon ang mababakas sa kanyang mala-anghel na mukha.

Narinig kong pasipo-sipol lang si Daynom habang prenteng nakaupo sa sofa.

"Napakawalang kwenta mong tao. Pati kapatid mo pinahamak mo."

"Uh-Huh.. no my dear. Siya mismo ang nagpahamak sa sarili niya. Hindi ako." Akmang susugurin ko na sana siya pero laking gulat ko ng bigla akong sunggaban ni Daymon at idinikit sa pader.

"D-daymon.." halos hindi ko na marinig ang sarili kog boses sa sobrang pagkasakal niya sa akin.

Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa leeg ko. Ngunit kung malakas ako, mas malakas pa siya. Pakiramdam ko puputok na ang mga ugat ko sa sobrang pagkakasakal niya sa akin.

"D-Daymon.. A-Ako to. S-Si.. Honey. Please. L-Labanan mo.."

"Hangal!!" sigaw ni Daynom.

"Kahit anong pagmamakaawa mo, hindi na yan si Daymon. Hindi na siya yung taong halos magpakamatay na parotektahan ka lang. hahaha!"

"Hindi!! Daymon!! Lumaban ka!!" pinilit ko pa ring magsalita kahit na masakit na ang lalamunan ko.

Pero imbes na makinig ay lalo pa niyang diniin ang katawan ko sa pader.

"Ughh.." napaungol ako ng maramdaman ang sakit sa likod ko. narinig ko din ang bahagyang pagcrack ng dingding.

"See honey? Hahaha. Kinain na siya ng lubusan ng hyprong nasa loob mo. Wala na siya. Wala na ang Daymon na minahal mo. Hindi ka niya kilala. Haha!" Rinig na rinig ko ang malademonyong tawa ni daynom.

"Sige na mahal kong kapatid. Tapusin mo na ang napiling yan." Umiling-iling lang ako habang nakatingin lang sa mpupulang mata ni Daymon.

Maya maya ay nakita ko siyang ngumisi. "You do trust me, don't you?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Daynom. Halos pabulong lang iyun ngunit rinig na rinig ko pa rin.

"D-Daymon.."

"Shhh. Dont be too loud, Honey. Walang alam si Daynom tungkol dito. Mag-isip ka na lang ng kung ano-ano dahil nababasa niya ang utak mo." Tumango lang ako. lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.

"Makisabay ka nalang muna. Pangako ilalayo kita sa kanya. Sorry in advance." Hindi na siya ngdalawang isip pa na ibalibag ako.

"AHHHHHHH! Urggh!" ramdam ko ang pagtama ng likod ko sa pader.

Kung ordinaryong tao lang ako malamang kanina pa ako namatay. Nakita kong papalapit si Daymon sa akin. Hinawakan niya ako sa braso at marahas na itinayo.

"D-Daymon.."

"Sige kapatid!! Tapusin mo na siya!! Hahaha!" Maya maya pa ay tumilapon na ako palabas ng kwarto. Tumama ang likod ko sa hawakan ng hagdan.

"Urgghh!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya naman nasigawan ko si Daymon.

"Hoy Daymon!! Masakit na ah. Namumuro ka na talaga!! Sabi mo kunwari lang to--Patay!" Biglang tumayo si Daynom mula sa pagkakaupo. Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

Natigilan naman si Daymon. Sheyt!! Ang dadal ko!! pinahamak ko hindi lang ang sarili ko kundi pati si Daymon!

"What the hell is happening in here??!!" umalingawngaw ang bose ni daynom sa kabahayan.

"Honey! Takbo!! Na bilis!!" nakita kong sinungaban ni Daynom si Daymon. Pero sa huli nakita kong tumilapon sa malayo si Daynom! Pagkakataon na.

"Daymon!! Bilis!! Lumabas kana!" sigaw ko mula labas ng kwarto.

"Tigas talaga ang ulo mo!!" hinila niya ako. ako naman halos madapa dapa na.

"Bilisan mo honey kung ayaw mong makain ng buhay!!" lumingon ako sa likuran ko. napatili ako ng makitang malapit na kaming maabutan ng mga hypro.

"Ahhhh!" napatili ako ng bigla ako ng binuhat ni Daymon. Malapit na kami sa pinto.

Pero bago pa man kami makalabas ay agad namang humarang si Daynom sa aming daraanan.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon