CHAPTER 8
Hindi ko alam kung ilang oras na ako dito sa silid na ito.
Nakaupo lang ako, yakap ang aking tuhod at nakatungo. Ano na ang gagawin ko ngayon? Mag-isa na lang ako.
Iniwan na ako ng taong sana ay magpoprotekta sa akin. Bakit? Bakit Daymon? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin. Kaya ba may kakaiba akong naaamoy sa iyo? Hindi ko pa rin magawang lumabas sa silid na ito dahil ayokong makita ang mga Hyprong iyon.
Natatakot ako na baka hindi ko na madatnang buhay doon sa Daymon. Bakit ba nangyayari saakin ito? Gusto ko lang naman ng simpleng buhay pero bakit--
Nagulat ako ng marinig ang kalabog sa labas ng pinto. Napatayo ako at pilit na isinisiksik ang katawan sa malamig na pader.
Tuloy pa rin ang mga kalampag na para bang sisirain nito ang pinto. Lumapit ako doon. Umaasang si Daymon ang gumagawa ng kalampag na iyon.
"D-daymon?" Tumigil ang mga kalabog sa labas.
"Daymon!! Ikaw ba yan?! Answer me please!!" Wala akong nakuhang sagot mula sa labas.
Pinakinggan ko ito. Nakarinig ako ng isang nakakahilakbot na tawa. Napaatras ako dahil nakaramdam ako ng takot. Nakatingin lang ako sa pintuan na para bang may papasok doon.
At hindi nga ako ngkamali. Biglang bumukas ang pinto at nanlaki ang aking mata sa nakita.
"D-daymon?" Isang nakakatakot na tawa ang kanyang pinakawalan.
"It's Daynom baby. Not Daymon."
Saka ako kinindatan. Naningkit ang aking mga mata.
Why not play around. Pagod na pagod na ako. Alam ko bandang huli papatayin din niya ako. Lalo na ngayong wala akong kalaban laban.
"Well, ahm.. It's Honeey, not Baby." Mabilis pa sa kidlat ng idikit niya ako sa pader. Hawak niya ako sa leeg. Napaubo ako sa ginawa niyan iyon.
Medyo nakaangat ang akih mga paa sa sahig. Pero for what pang lalaban ako? Mamatay din naman ako sa huli.
"Don't mess up with me. Hindi mo ako kilala." Tinititigan lang ako ng kanyang mapupula at nanlilisik na mga mata.
"Kung ang kapatid ko, napaamo mo, hindi ako. Gagawin ko ang lahat mapatay lang kita." Maya maya binitawan din niya ako. Napaubo ako sa himas himas ang aking leeg. Nanlaki ang aking mga mata.
"P-papaanong..."
"Oh. Paano ako nakapasok sa sagradong silid na ito? Simple lang. Matagal ng hindi ginagamit ang silid na ito. Kaya naman, pati ang mga ritwal na nakapalibot dito ay naglaho na din kasabay ng mga gumawa noon."
"P-pero.. a-ang s-sabi ni..." Tumawa muna siya bago sumagot.
"I pity you young lady." Saka niya pinaglandas ang kanyang kamay sa aking pisnge.
Pagkakuwa'y itinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa pader dahilan para magkalapit ang aming mukha.
"Ang bango ng dugo mo. Nakakabaliw. Ramdam ko ang pagragasa noon sa iyong mga ugat. Ang sarap sip--"
Inipon ko ang aking buong lakas at itinulak siya. Tumawa lang siya sa ginawa kong iyon.
"Isang hangal ang kapatid kung iyon. Hindi niya alam ang tungkol sa ritwal. Kaya malakas ang loob niyang itago ka dito. Tsk. Mas safe ka dito? Idiot!" Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Ginawa na ni Daymon ang lahat para maprotektahan ako, pero hindi pa rin pala iyon sapat.
"A-ano pa a-ang k-kailangan mo? P-papatayin mo din naman ako diba?!! W-why not now?! B-bakit n-natatakot k-ka ba sa a-akin?!!"
Nilingon niya ako. I saw him smirked.
"I want this to be more exciting. Hindi ako ang papatay sayo my dear Honey. Kundi siya." Sinundan ng aking mga mata ang kanyang tinuro.
"D-daymon..."
"Oh yes of course. Siya lang naman ang kamukha ko sa mundo diba?"
Nakita ko siyang umupo sa isang mahabang sofa sa gilid ng pintuan at ipinatong ang mga paa nito sa mesa.
"B-bakit m-mo ba g-ginagawa ito ha? G-ganyan k-ka ba kasama para pati ang sarili mong kapatid ipapahamak mo?!"
Nang lingunin ko si Daymon, nakaramdam ako ng takot. Kulay pula ang kanyang matang nakatitig lang sa akin.
Wala siyang emosyon. Puno na din ang kanyang damit ng paulang likido.
"Done raping your lover's body? See? Ganyan ang nagagawa ng mga taong inlove."
"W-what do you mean?"
"Tanga ka ba o tanga ka? He's deeply inlove with you bitch! Can't you see? Sa kagustuhan niyang maprotektahan ka, hinayaan siyang kainin ng Hyprong nasa loob niya. Hangal lang ang gagawa noon."
"P-pero i-kaw. May hypro ka din hindi ba?" Nakita ko siyang ngumisi.
"Maniniwala ka bang this is our 3rd meeting palang?"
"3rd meeting?! Is this some kind of a joke?! Una yung sa school. yung namatay yung kaibigan moh. Yung nagdate tayo. Tapos yung pinakidnap mo ako! Tapos yung pag-uusap nyo ni ninog Vlad. Yung sa high way. Pwede ba!! Wala akong panahon sa kadramahan mo!! Huwag mong ibahin ang usapan. " Dumilim ang mukha ni Daynom.
"Listen and listen very well young lady. Kambal nga kami, but were not sharing the same soul. Wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala sa akin. Gusto mo isa isahin ko pa?" Marahan akong tumango.
Hindi ko alam kung bakit bigla bigla ay naging interesado ako sa buhay niya.
"1st meeting, noong nagdate tayo. 2nd meeting, noong sa highway tayo na sinugod kayo ng mga hypro, and 3rd one ito na. So, sa lahat ng oras na akala mo ako ang nakikita mo, pwes nagkakamali ka. And let me give you a piece of advice. Hindi lahat ng nakikita ng mga mata mo ay totoo. Minsan likha lamang ito ng taong kaharap mo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Malalaman mo din sa takdang panahon. Hindi pa ngayon."
BINABASA MO ANG
Daymon's Dark Secret (Completed)
VampirosMatangos ang ilong na animo ay hinubog ng isang sikat na manlililok. Mga matang mapupungay. Na sa bawat tingin mo ay waring mahihipnotismo ka. Manipis at mapupulang labi na para bang nanghihikayat na halikan ito. Matangkad. Maputi. Makinis. Ilan lan...