Chapter 11

1.1K 19 0
                                    

CHAPTER 11

HINDI ko mapigil ang mga luhang walang tigil sa paglandas sa malambot kong pisngi.

All this time, kay Daynom ako natatakot. Ang hindi ko alam na ang taong dapat kinakatakutan ko ay ang taong lagi kong kasama.

Napako ang tingin niya sa akin. Marahasniyang binitawan sa Daynom at tuluyan akong hinarap.

"H-honey... P-please. Let me ex--"

"H-hindi na kailangan Daymon. Alam ko na ang lahat. Narinig ko na ang lahat." Halos pabulong kong sabi. Kahit sobrang hinang hina na ako ay pinilit ko pa ring tumayo.

Tumukod ako sa hawakan ng hagdan para kumuha ng suporta doon. Nakita kong papalapit sa akin si Daymon. Nababanaag sa kanya ang sakit na nararamdaman. Pero ano ba ang mas masakit?

Ang lokohin ng taong pingkakatiwalaan mo o lokohin ang taong pinagkakatiwalaan ka?

"P-please. Huwag kang lalapit. D-diyan ka lang."

I extended my hand to stop him.

"H-huwag.. please.." Tagmak ng luha ang aking mukha. Pakiramdam ko napakahina ko. Pero patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at matiim na tinitigan.

"H-honeey.." ramdam ko ang hinagpis sa kanyang tono. Gusto ko siyang yakapin. Tell him that its okay.

Pero wala akong lakas. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari.

"N-niloko mo ako D-daymon. P-pinagmukha mo akong tanga. At..at ako naman itong si tanga naniwala sayo." Patawa kong sabi.

"B-bakit D-daymon? Bakit mo nagawa ito. Ganyan mo ba ako kanais patayin?"

Umiling-iling lang siya bago nagsalita.

"Hindi ko sinasadya Honey. Hindi ko sinasadya na....." tumigil muna siya saka yumuko at punaglaruan ang kanyang mga daliri.

"Na mahalin ka." Napasinghap ako sa narinig. Gusto kong marinig sa kanya iyon.

Pero hindi sa ganitong sitwasyon. Huwag ngayon Daymon.

"Please Honey--"

"T-tama na Daymon!! Ayoko na marinig ang mga kasinungalingan mo!!"

"Tang-ina Honey!! Pagpaliwanagin mo muna ako!!!"

Asik niya sa akin. Nakita ko na naman ang mapupula nitong mga mata. Dapat na ba akong matakot? Dapat ko na bang katakutan ang taong pumoprotekta sa akin?

Hndi ko na kaya pang marinig ang iba pa niyang sasabihin.

Inipon ko ang buo kong lakas saka siya itinulak. Nanlaki ang aking mata ng makita siyang lumipad sa malayo. Tumama ang kanyang likuran sa dingding at nawasak iyon.

"Urgghh." Ungol niya. Tiningnan ko ang aking mga kamay.

Ganoon na ba ako kalakas? Dugong bampira naman ang nananalaytay sa aking mga ugat? Bakas naman sa mukha ni Daymon ang pagkagulat gayon din kay Daynom na ngayon ay papalapit na sa akin.

Nawala ang bakas ng pagkagulat sa kanyang mukha. Nakangisi na ito na tila ba may masamang binabalak.

"D-daynom... Huwag!!" Pinilit niyang tumayo.

Sa isang iglang lang ay mabilis akong hinablot ni Daynom. Idinikit sa Dingding habang sinasakal.

Lumabas ang kanyang mga pangil. Nakataas din ang kaliwang kamay nito na para bang ano mang oras ay nakahanda siyang balatan ako ng buhay.

Napapikit na lamang ako ng naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Daynom. Dumilat ako at nakita ko si Daynom na tumalsik.

"Damnit Daynom!!! Sabing huwag siya." Hingal na hingal niyang sabi. Biglang nanghina ang aking tuhod. Dahil ang Daymon na nasa harapan ko ngayon ay hindi Daymon na kilala ko.

Naging halimaw na siya. Naging hypro na siya. Halos himatayin ako ng nilingon niya ako. Sinalubong ko ang mapula nitong mga mata.

Isiniksik ko pa lalo ang aking katawan sa dingding kahit alam kong wala na.

"H-honey.." basag ang kanyang boses.

"H-honey.. Kinakain na ako ng hypro. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko makakayang labanan ito. Pero honey tandaan mo-- Ahhhhh. Uhhhhh.." nakita ko siyang hawak ang kanyang ulo habang sumisigaw.

Ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ito na ba yun? Magiging hypro na ba siya ng tuluyan? Nilapitan ko siya pero umiwas siya.

"Hu..wag.. wag kang lalapit--aahhh. Tu..mak..bo ka.. na. Please... baka... mapatay kita.. Please... ho..ney!!!"

Hindi ko malaman ang aking gagawin ng biglang may kamay na humablot sa akin.

Gusto kong magpumiglas. Gusto kong lapitan si Daymon. Gusto kong alisin ang sakit na nararamdaman niya. Nanlalabo ang mga mata kong nakatingin lang kay Daynom.

Papatayin din ba niya ako? Hindi pa kami nakakalabas ng pinto ng biglang....

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!!" lahat kami napalingon sa pinangagalingan ng boses.

Isang may edad na lalaki ang iniluwa ng malaking pintuan. May kasama siyang apat pang kalalakihan. Nakasuot sila ng kulay itim na parang toga na may hood. Nanlilisik ang kanyang dalawang mata.

Na para bang hinihila palabas ang iyong kaluluwa. Sino siya? Napatingin ako kay Daynom. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Bakit? Anong meron?

"K-kamahalan?!" Halos pabulong nitong sabi.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon