Chapter 10

1.2K 22 0
                                    

Chapter 10 - THE TRUTH

INILAPAG ako ni Daymon sa sahig saka matapang na humarap ang kanyang kakambal.

Nakipagtigasan ito ng titig sa kanya.

"WHAT THE HELL IS THIS?!!"

Nanlikisik na saad nito. Nakayukom ang kanyang mga kamao.

"How did you...."

"How the hell did I get rid of that Hypro controlling me? Simple lang. Nakalimutan mo na ba ang sabi ni Amang? Nakakaya lang kontrolin ng Hypro ang isang bampira kung ito ay may galit at poot sa kanyang puso. Katulad mo. Nagsisisi nga ako kung bakit naging kakambal pa kita. Na kahit simpleng Hypro lang ay hindi pa magawang takasan. Nakaka-"

"Daymon!!!" Tarantang sigaw ko. Hanggang ngayon patuloy pa rin ako sa aking pag-iyak. Umaasa na kahit man lamang sa mga huling segundo ay magkaroon ng himala.

Hindi na natapos ni Daymon ang iba pa nitong sasabihin ng bigla aiyang hinablot ni Daynom at itinaas sa ere. I can hear their groan.

Nakakapanghilakbot. Nakakatakot. Nakakapanglambot.

"Nakalimutan mo na ba Daymon?!! Ikaw ang nangakong papatay sa napili!!! Mamatay siya sa mismong mga kamay mo!!" Napatutop ako ng aking bibig sa narinig.

Papatayin ako ni Daymon? Siya ang papatay sa akin?!

"Pero.. pero ano na itong nangyayari?!! Nilalamon ka na niyang nadarama mo sa kanya!!" Nilingon ako ni Daymon.

Nangangausap ang kanyang mapupulang mata. Wala akong makitang ano mang emosyon sa kanyang mukha.

"I changed my mind. It's stupidity." Mahinahon nitong saad saka binalingan si Daynom.

"Stupidity, huh?! The fuck!! Nanganganib ang lahi natin ng dahil sa kanya!! Mag-isip ka!!"

Pagkasabi noon ay itinulak niya ng malakas si Daymon dahilan upang tumama ang kanyang likuran sa hawakan ng hagdan.

Mabilis kong pinuntahan si Daymon saka tinulungang tumayo. Nakita kong papalapit sa amin si Daynom na nakangisi. Nakalabas ang matutulis nitong mga pangil.

"Oh. What a scene. Iyan ba ang dahilan kung bakit nagbago ang isip mo?!"

Napasinghap ako ng hinila ako ni Daynom sa buhok at hinigit palapit sa kanya.

"U-urgh. B-bitawan mo akong hayop ka!!"

Pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Daynom!! Please... Let her go!!" Ramdam ko sa tinig ni Daymon ang pagmamakaawa. Nakatitig lang ito sa amin ni Daynom.

"Please... Im begging..." Tumawa ng napakalakas si Daynom.

"Papakawalan ko lang siya pagpatay na siya."

Hinarap niya ako at sumilay ang nakakatakot na ngiti sa kanyang labi na labas ang kanyang pangil. Maya maya biglang na lamang niya akong sinakmal.

I feel his fangs piercing into my skin.

"A-arghhh.." napahawak ako ng mahigpit sa kanyang braso. Halos tumirik ang aking mga mata sa sakit na nararamdaman. Parang pinupunit ang aking kaluluwa.

"N-noo!!! Honeeyyyy!!" Rinig kong sigaw ni Daymon.

Hindi ko siya masyadong maaninag dahil nanlalabo na ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero pakiramdam ko unti-unting nauubos ang aking lakas. Nakakapanghina.

Ito na ba ang katapusan ko? Ito na ba? Hindi na ako nakakapag-isip ng matino.

Maya maya naramdaman ko ang pagtama ng aking likod sa malamig na sahig. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makatayo.

"Honey!!! Honey!!" Niyuyogyog ako ni Daymon.

"D-daymon..." yan lang ang tanging salitang namutawi sa aking labi. Hinaplos niya ang aking pisnge at binalingan ng tingin si Daynom.

Abala ito sa pagpunas ng dugo sa kanyang labi. Dugo ko to be specific.

"Bastard!!!" Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Daymon sa subrang galit. At sa isang iglap lang ay hawal nanito si Daynom at nakaangat na sa sahig.

"How dare you!!!!" Itinulak ng malakas ni Daymon ang kambal.

Tumama ito sa pader at nagkaroon ng malaking crack ang dingding. Bago pa man nakabawi si Daynom ay mabilis siyang hinablot ni Daymon saka sinipa. Tumama ang katawan nito sa lalagyan ng mga vase dahilanupang mabasag ang mga ito.

Mariin siyang tinitigan Daymon habang papalapit dito. Pinipilit ko pa ring tumayo kahit hinang hina na ako.

Kailangan kong paghiwalayin ang dalawa bago pa sila magpatayan.

Nakita kong kinwelyuhan ni Daymon si Daynom. Nakatitig lang ito sa kanya na puno na puno ng galit.

"Are you.. going to kill me too like what you did to Dad?!" Natigilan si Daymon. Kay ninong Vlad? anong ibig sabihin niya? Ibinaba ni Daymon si Daynom sa sahig. Napaubo ito ng kaunti. At si Daymon naman ay nakayuko lang. Nap ra bang may malalim na iniisip.

"Bakit? Nakukonsensya ka? I take all the blame Daymon. Kahit we both know na sa ating dalawa, ikaw talaga ang may hypro. At hindi ako!!"

Naguguluhan na ako. Gusto kong ibuka ang aking bibig pero walang lumabas ni anumang salita mula roon.

"And oh. I forgot something. Ako ang nagdusa sa kakagawan mo noon kay Mommy. Ako Daymon. Ako at ang pesteng mukhang ito!!!"

Ano ba itong pinagsasabi ni Daynom. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. Nakayuko lang si Daymon na nakikinig sa bawat sasabihin ni Daynom.

"You're trying to act nice pero ang hindi nila alam, ikaw ang halimaw at hindi ako!! Ikaw ang may hypro at hindi ako!!" Halos nanlaki ang aking mata sa narinig.

Si Daymon talaga ang may hypro? Si Daymon ang pumatay sa mommy at daddy niya? Si Daymon lahat ang may kagagawan.

Pero paano niya nagawa iyon? Noong namatay si Ninong Vlad magkasama kami, kaya sobrang imposible iyon. Nakita kong nakatingin sa akin si Daynom.

Nababasa ba nito ang mga tanong sa isip ko?!

"Noong nangyari iyon, ang mabait na side ang kasama mo. At ang hypro side ni Daymon, pinagsasawaang patayin ang walang kalaban labang si Daddy. Hindi ako makalapit sa bahay na iyon hanggat hindi ako kusang pinapapasok ng may-ari ng bahay." Natigilan ako. So, ang ibig sabihin ang nakita kong kausap ni Ninong Vlad noon ay si Daymon? Hindi si Daynom?

"At isa pa nga pala-"

"Shut the fuck up!!" Sigaw ni Daymon naumalingaw ngaw sa kabuo'an ng bahay.

Nakaramdam ako ng takot. Sa simula palang pala ay plano na niya akong patayin. Napaluha na lamang ako sa isiping iyon.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon