Chapter 3

2K 36 0
                                    

Chapter 3 - Their Secret Reveals

TAONG 1890

Isang matinis na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng gabi. Gabing magmarka sa kasaysayan ng mga bampira.

"Lalaki po ang mga anak nyo Lord Vlademir." Kumunot naman bigla ang makinis na noo ni Vlademir dahil sa narinig.

"Mga?" Tumango ang tagapagsilbi.

"Opo. Kambal po ang iniluwa ng kamahalan. Dalawa silang Prinsipe." Hindi maipinta ang mukha ni Vlad sa sobrang saya.

Pumusok siya sa silid at nadatnan doon ang asawa na karga karga ang dalawang sanggol na nakabalot sa puting tela.

"Kambal mahal." Nakangiting sabi ni Ynez sa papalapit na asawa.

"P-Pwede ko ba silang kargahin?" Para itong batang nanghihingi ng pagkain sa magulang.

Tumango lamang si Ynez at Inabot ang dalawang sanggol kay Vlad.

"Papangalan ko silang Daymon at Daynom."

Lumaking magaganda ang lalaki ang kambal. Although sobrang magkaiba talaga sila ng ugali. Mas matanda si Daynom kay Daymon kaya naman kinakaya kaya lamang niya ang kambal.

Si Daymon ay palangiti. Masayahin at mahilig makipagkaibigan sa iba.

Si Daynom naman tahimik lang sa isang gilid. Napakamysteryuso. Hindi nakikipaghalubilo sa iba.

Walang sino man ang nakakaalam ng kanyang iniisip. Kaya naman mas matimbang ang pagmamahal ng kanilang ina kay Daymon kaysa kay Daynom.

Nagngingitngit siya sa selos kapag nakikita niyang inaayusan ng kanilang ina si Daymon.

Hanggang sa lumaki si Daynom ay dala dala niya ang hinanakit na iyon.

"A-Anong... D-Daynom.. A-Anong ginagawa mo dito?" Kabadong tanong ng kanyang ina ng biglang pumasok si Daynom sa silid ng ina.

Mapula ang kanyang mga mata na animo'y may nagsisiga ng apoy sa loob nito.

"Mas mahal mo siya hindi ba ina? Para sayo siya lang anak mo."

Napaatras si Ynez na makitang palapit ng palapit ang kanyang anak.

"N-Nagkakamali ka Daynom. M-Mahal ko kayo pareho. M-Mga anak ko kayo." Kung tutuusin ay dapat hindi siya matakot sa anak. Pero tao siya.

Hindi bampira. At sa nakikita niya ngayon mukhang makakasakit ang kanyang anak.

"Pero hindi iyon ang nakikita ko." Nakapako lamang sa kanya ang mapupualang mata ng anak.

"D-Daynom..." mas kinabahan ng husto si Ynez ng lumabas ang matutulis nitong pangil.

"D-Daynom... please."

Hindi niya alam kung papaano paamuhin ang anak. Alam niyang may halimaw na unti-unting nabubuhay sa loob ni Daynom. Ito ang kinakatakot niya.

Ang dumating ang oras na tuluyang lamunin ang anak ng halimaw na nabubuhay sa kanya. Nanginging ang katawan niyang niyakap ang anak.

Hindi niya mapigilang ang mga luhang kusang dumadaloy sa kanyang mga mata.

Bilang ina nasasaktan siyang makita na nasa ganoong situation ang anak. Naramdaman niyang kumalma si Daynom. Na umiiyak na din.

"Matagal ko nang hinintay ito ina. Na hawakan at yakapin mo... Pero kung sa tingin mo madadala mo ako sa mga ganyan, pwes nagkakamali ka!"

Buong lakas niyang hinawakan ang ina sa kabilang braso at inihagis sa pader. Umaray sa sakit ang ina. Kung bampira din siya, hindi siya masasaktan sa ganitong kunting bagay. Pero hindi. Tao siya.

"D-Daynom... ta...ma na.. P-Paki-usap." Pinilit niyang tumayo kahit na masakit ang kanyang katawan. Nilapitan siyang anak at itinaas sa ere.

"Si...guro.. pagnawala na ako... matatahimik ka..na. kung gayon ay pa...tayin mo.. na lamang.. ako." Patuloy pa rin ang pag-alab ng kanyang mapupulang mata.

Inilabas niya ang matatalas niyang pangil at sinunggaban ang ina. Sinipsip niya ang dugo nito hanggang sa kahuli-hulihang patak.

"Iiiinaaa!!!!!" Sigaw ng kararating lang na si Daymon.

"Anong ginawa mo?! Isa kang hayop! Demonyo ka!"

Tulad ni Daynom ay naging pula din ang mata ni Daymon palatandaan na galit ito. "Matagal na akong hayop. Hindi lang ako ang demonyo. Pati ikaw. Your name says it so."

Walang emosyong sabi ni Daynom habang pinupunasan ang mga dugo sa kanyang labi. Sinugod ni Daymon ang kambal. Nakipagbuno sila sa isat-isa.

Tumilapon si Daynom ng suntukin siya ni Daymon. Nagkacrack pa pader sa sobrang lakas nila.

"Anong kaguluhan--" Sabay silang napalingon sa pintuan. "Oh my God!! Ynez!! Wake up." Sigaw ni Vlad habang humahagulgol. Tinapik tapik pa nito ang pisngi ng asawa.

Maputlang maputla ang mukha ni Ynez na halatang inubos ang dugo.

"Who the fuck do this?!" Para silang mga maamong tuta ng makita ang ama. Pulang pula ang mga mata nito. Nagsilabasan na din ang mga ugat sa kanyang mukha.

"I repeat! Sino ang gumawa nito?! For pete's sake! She is your mother! Hindi ibang tao! She carry you nine months in her belly tapos ito pa ang gagawin nyo?!"

Sa isang iglap na nasa harapan na ni Daynom ang ama.

"You! " Dinuro niya si Daynom. "How dare you!!"

Nakita niya ang ilang talsik ng dugo sa tshirt ni Daynom at naiwang dugo sa kanyang labi.

Akmang dudukutin na sana ni Vlad ang puso ni Daynom pero pinigil siya ni Daymon.

"Ama!! Huwag!" Napatigil naman si Vlad at napahilamos sa kanyang mukha.

-----------

Pagkatapos macremate ang bangkay ni Ynez ay napagdesisyunan ni Vlad na ibukod si Daynom.

Nagsisimula nang magising ang halimaw na natutulog sa kanya. Nang mga oras na iyon, alam ni Vlad na ang anak ang gumawa niyon kundi ang halimaw sa loob nito.

Inilayo niya ang anak dahil oras malaman ng mga nasa itaas na may Hypro sa loob ng anak niya siguradong ipapatay siya ng mga ito.

Wala pa ring maalala si Daynom sa mga nangyari. Kaya ganoon lamang ang kanyang hinagpis nang malamang siya ang dahilan ngpagkakatay ng ina.

Kahit na hindi na kasama ni Vlad ang anak sa bahay, hindi pa din nawala ang pagiging ama niya dito. Kung ano ang binibigay niya kay Daymon, gnoon din kay Daynom.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon