Chapter 12

1.2K 18 0
                                    

DAYMON: Ang Pagbabalik

Chapter 12

"K-Kamahalan?" biglang napatigil si Daynom sa pagkaladkad sa akin. Biglang namutala ang kanyang mukha. Tinitigan ko ang taong kaharap naming ngayon.

Kamahalan? Ang buong akala ko sila ang prinsipe? May mas mataas pa bas a kanila? Mariin din akong tinitigan ng mga bagong dating. Pati na din ang iba pa nitong kasamahan. Pero ang nakahuli ng aking attention ay ang kasamahan nila na nasa likod. Halos magkasing tangkad lang sila ni Daynom at sa tingin ko magkasing laki lang ng katawan. Huling huli ko ang matalim na pagkatitig niya sa akin.

Nakakatakot. Maya maya biglang naging kulay pula ang kanyang mga mata. Napasinghap ako. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Ako ang unang umiwas. Hindi ko na kaya makipagtitigan sa mapulang mata niyang iyon.

"Inuulit ko Daynom! Anong nangyayari dito? Bakit ganito ang ayos ng bahay?" napanganga ako. Biglang kumalma ang boses nito. Na para bang isang ama na sinusuway ang pasaway nitong anak.

Saglit siyang napatingin sa akin at halata ang pagkagulat sa mukha nito. Pero bigla ding nawala. "So, kasama mo na pala siya. Bakit hindi mo pa pinatay?" hinarap niya ako at ngumiti ng mala-demonyo.

Napatigil ako. Doon ako nakabalik sa realidad. Oo nga pla. Nandito ako para patayin. Hindi para iligtas.

"K-ka..kamahalan kasi-"

"Teka nga. Nasaan ba ang magaling mong ama? Gusto ko siyang makausap." Pagsabi noon ay nilagpasan lang kami at prenteng naupo sa mahabang sofa na naroon. Sinundan ko siya ng tingin. Itinabi niya ang kanyang baston. Tumingin siya sa amin ni Daynom na nag-hihintay ng isasagot nito.

Hindi agad nakasagot si Daynom. Nakayuko lang ito at nakatingin sa sahig na para bang naroon ang kayang sagot. Hindi ba niya kayang sabihin na wala na ang kanyang ama? Namismong kakambal niya ang pumatay dito?

"W-wala na-" hindi na natapos ni Daynom ang sasabihin ng bigla na lang sinunggaban ni Daymon-ay hindi. Ng hypro ang sinasabi nitong kamahalan. Ngunit laking gulat ko ng makaiwas ito at itinarak ang dala nitong baston sa dibdib ng hypro.

"DAYMON!!!!!!!" halos mamaos ako sa sigaw kong iyon. Nanlaki ang aking mga mata. Oh God! Si Daymon y'yun. Si Daymon ko. Pilit kong inaalis ang aking kamay sa pagkakahawak ni Daynom. Pero mas lalo pa niya itong hinigpitan. Tiningala ko siya n para bang nagsusumamo. Iling lang ang isinagot niya sa akin. Hindi ba siya nag-aalala sa kapatid niya? Siya ang demonyo ditto. Hindi si Daymon..

Humagulgol na ako ng makitang nangingisay na sa sahig ang hypro-si Daymon. Pakiramdam ko nanghihina ang aking tuhod. Para akong tatakasan ng bait ng unti-unti itong nagiging abo. At sa isang malakas na ihip ng hangin nawala itong parang bula sa aking paningin.

"D-daymon..." hawak hawak ko ang aking dibdib. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Nilukob ng galit ang buo kong pagkatao para sa kamahalang tinatawag ni Dyanom. Tingnan ko siya. Komportable siyang nakaupo lang sa sofa.

"Balik tayo sa usapan-" hindi ko na napigilan ang aking sarili. Mabilis pa sa kidlat na sinugod ko siya. Hinawakan ko siya sa braso saka malakas na binalibag. Wala akong pakialam kung pumatol man ako sa matanda. Wala siyang karapatan na gawin iyon kay Daymon. Nandidilim na ang aking mga mata.

"Honeyyyyy!! Itigil mo yan!! Hindi mo alam ang ginagawa mo!!!" narinig kong sigaw ni Daynom. Nilingon ko siya saglit at nababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Pero hindi ko siya pinakinggan. Gagawin ko sa kanya ang ginawa niya kay Daymon. Pagbabayarin ko siya ng malaki. Kung mamatay man ako ngayon wala na akong pakialam. Wala na rin naman si Daymon.

Pakiramdam ko lumabas na ang dalawang matutulis kong pangil. Ramdam ko ang pagtusok ng mga iyon sa aking labi.

Lumapit ako ng dahan dahan sa kamahalan. Pero bago pa man mangyari iyon ay agad niyang hinarang ang kanyang baston. At nag-usal ng isang ritwal. Huli na nang maramdaman kong nanghihina ako. At tuluyan ng nilukob ng kadiliman ang aking paningin.

Pagdilat ko ay isang malawak na field na sumalubong sa akin. Nilibot ko ang aking paningin. Napako ang aking mata sa isang malaking orasan. It's alrady 11:45 pm. Pinilit kong gumalaw pero hindi ako makagalaw.

Teka! Nakatali ako sa isang cross na kahoy na nakadipa. Alam ko ito. Ganito ang eksena dati pagpapasok ako ng paaralan. Nilibot ko ulit ang akong paningin. Tama nga ako. Nasa field ako ng paaralan namin.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Wala namang masakit sa akin kaya alam kong hindi nila ako pinagsamantalahan. May damit pa rin naman ako hindi tulad noong mga babaing natagpuang patay noon.

Pilit kong kinakalas ang pagkakatali sa aking kamay pati sa aking paa. "PAKAWALAN NYO AKO DITO!!! MGA DEMONYOO!!" pikit kong sigaw.

"Gising na pala ang napili." Napadilat ako. Nagtagpo ang aming mga mata. Siya iyon. Siya iyong lalaking nakatitig sa aking kanina. Walang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata.

"PAKAWALAN NYO AKO!!!" pilit pa rin akong ngpupumiglas.

"Ano ba iyan. Ang ingay." Dumating naman 'yung isa pa nilang kasamahan. Nakasuot pa rin sila ng hood na kulay itim. Para silang nasa kulto. O baka nga kulto sila. Kultong bampira.

"Siya ang sisihin mo. Huwag ako." sabay turo sa akin.

"Tama na yan. Simulan na ang ritwal." Napatigin ako sa nagsasalita. Siya 'yung kamahalan nila. Kasunod nito si Daynom. Na nakasuot na rin ng sa katulad nila. Doon siya lumapit sa lalaking kausap ko kanikanina lang.

"DAYNOM!!!! Hayop ka!!! PAKAWALAN MO AKO DITO!! BAKIT SUMASAMA KA SA MGA DEMONYONG IYAN!!! SILA ANG PUMATAY SA KAPATID MO!!!"
Ibinaba niya ang kanyang hood saka ngumiti sa akin. Lumabas ang matutulis nitong pangil.

"Sa totoo lang Honey, kaya mong makawala diyan eh. Ikaw ang napili diba? Napatumba mo nga kanina ang kamahalan na ikaw palang ang nakakagawa, yan pa kayang simpleng bagay na 'yan? Pero alam mo kung bakit wala kang lakas? Kung bakit wala kang lakas na tumakas? Kung bakit wala kang lakas na lisanin ang lugar na ito? kung bakit wala kang lakas na tumakbo palayo?"

Napatigil ako sa sinabi ni Daynom. Tama siya. Kung tutuusin kayang kaya ko naman eh. Ako ang napili. Mas malakas ako sa kanila. Sinubukan kung muling kalasin ang tali. Nagpupumiglas ako para matanggal pero ayaw talaga.

"Alam mo ba kung bakit Honeey? Kasi nandito ang lakas mo." Nakita kong tinanggal ng katabi niya ang suot nitong hood. Literal na nanlaki ang aking mga mata. Oh God! Nagsimula nang umagos ang aking mga luha. Oh God!

"Im here Honey. Nandito ang lakas mo." How could this be happening? Akala ko... Oh God! Sa kagustuhan kong yakapin siya ay mabilis ko lang na naputol ang mga tali. Nagulat ako kung bakit pero hindi ko na inisip iyon. Tumalon ako at lumapit patungo sa kanya. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap. Ayoko nang mawalay sa kanya. He hugged me back.

"D-Daymon..."

TBC_ last chapter Layter ko na lang po ipopost. Happy Bagyo sa lahat. Hahaha .. may bagyo ba? Stranded ditto sa dorm eh. Kaya update update din pag may time. ?

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon