Chapter 13 (B)

2.3K 37 6
                                    

Chapter 13 - Ang Pagtatapos (PART 2)

Author's Note: So eto na talaga. Last na 'to. Medjo lame pero pagtiyagaan nyo na po .. haha .. PAALAM DAYMON!

**

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakadipa sa malaking krus na kahoy na ito sa gitna ng malawak na field ng paaralan namin.

Nakapalibot silang lahat sa akin. Sinisimulan na nila ang ritwal. Nag-usal sila ng isang hindi ko maintindihan na dasal saka naghawak hawak ng kamay. Kailangan ko lang na magtiwala. Matatapos din ito. Pero isa akong hypro.

Makakaya kaya nilang alisin ito sa aking pagkatao? Natatakot ako. paano kung hindi ko kayanin.

Paano kung tuluyan na akong makontrol nito? And worst of it baka mamatay ako. Ayoko pa. hindi pa pwede. Huwag muna ngayon. Tiningnan ko si Daymon.

Lahat sila nakapikit samantalang siya ay mariin lang na nakatitig sa akin. Ang mga mata nit ay para bang nagsasabing kayanin ko pero hindi ko alam kung makaka--

"Aaahhhhhhh!!" napaliyag ako dahil sa naramdaman kong sakit.
"Honeey!!" boses ni Daymon. Halata sa kanya ang pag-aalala.

"Focus!!" sigaw naman ng kamahalan nila.

"Ahhhhhh!! AAhh!!" hindi ko alam ang nangyayari pero pakiramdam ko parang pinupunit ang aking katawan. May kung pwersang humihila sa aking loob. Nakikipag-tag of war ito.

"Ahh!! T-Tama na!! T-tama na p-lease!" nakapikit kong sigaw. Hindi ko na kaya ang sakit.

Ang init. Pakiramdam ko nasusunog ako. Para akong sinisilaban.

"Ahh!! Aaaahh!! P-please.. D-aymon." Maya maya pa naramdaman kong kumalas ang mga tali sa kamay at paa ko.

Lumutang ang hinang hina kong katawan.

"Ahhh!! AAAhhh!!" hindi ko malaman kong paano pakikisamahan ang aking katawan. Para itong may sariling utak. Tuloy tuloy lang sila sa kanilang dasal. Palakas ito ng palakas.

Pero kahit gaano pa iyon kalakas tanging tibok lang ng aking puso ang naririnig ko. hanggang sa pakiramdam ko ay tuluyan nang nawalan ng lakas ang aking katawan at nahulog na sa lupa.

Pero bago pa man nangyari iyon, maagap akong sinalo ni Daymon. Binalot niya munti kong katawan at hinaplos ang aking pisngi. Pinahid niya ang luhang tumutulo sa aking mukha gamit ang kanyang hinlalaki.

"D-daymon.." hirap kong sabi. Ito na ba ang katapusan ko? nagtagumpay ba o hindi? Gusto kong malaman.

Kahit hirap na hirap na ako pinilit ko paring imulat ang aking mga mata. Para kung hindi man hindi nagtagumpay, kahit man lang sa huling pagkakataon ay masilayan ko ang kanyang mukha. Yakap niya ako ng mahigpit.

Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso. Ang mahina niyang paghikbi. Alam ko na. hindi sila nagtagumpay.

Siya ang unang kumalas at hinalikan ako sa noo.

"Good night Honey. Sleep tight. I love you." Yan lang ang huli kong narinig bago lukubin ng kadiliman ang aking paningin. Paalam Daymon.

***

Daymon's POV:

"Bro. It's been six years. Moved on. You already have kids now." Tinapik ako ni Daynom sa balikat. Nasa kusina ako at mag-isang umiinom. Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Paano ko makakalimutan iyon kung dahil doon ay nagbago ang buhay ko. Binago n'un pati pagkatao ko." pinaglaruan ko ang basong hawak ko.

It's been six years then. At simula din ng araw na iyon, I gived up being a vampire. Gusto ko maging normal ang mga anak ko. Gusto ko magkaroon ng normal na pamilya. Hindi tulad ng pamilya ko.

"Whatever!" asik niya sa akin.

"But wait. Bakit kaba nandito ha?" Nagkibit balikat lang siya sa akin. Sarap suntukin eh.

"Ano pa? edi bibisitahin ko ang kambal. Nasan na ba?" I gave him a poker face. Kung makaasta siya parang siya yung ama eh.

"Tito Daynom!!!" napatingin kaming pareho ng makita namin ang isa kong anghel na tumatakbo pababa ng hagdan. Sabay yakap sa kapatid ko.

"Oh. Dahan dahan lang. How's my baby girl? Hey, for you." Saka binigay ang dala niyang paper bag kanina.

"Im good. Wow! Is this really for me?" tumango lang si Daynom.

Nakita kong bumaba na din ang aking asawa kasama pa ang isa kong anghel. Nilapitan ko siya saka hinalikan sa noo.

"Hi." Kiming bati niya kay Daynom. Nguniti lang sa kanya si Daynom.

"So, kamuzta ka na Honey?"

"Okay lang. akala ko dati hindi nagtagumpay eh. Salamat."

"Ayos lang yun. Oh siya, mauna na ako. madami pa akong gagawin eh." Yumuko siya saka hinarap ang isa ko pang anghel na ngayon ay nakasiksik sa likuran ni Honey.

"Be a good boy, bad boy." Saka ginulo ang buhok nito.

"Bye Tito!!" binuhat ko si Deenam. Magkaibang magkaiba talaga silang dalawa. Masayahin si Deenam samantalang si Deemon tahimik lang. Tipong hindi mo mababasa ang kanyang isipan. __________

Honey's POV:

Nabulabog ang aming tulog ng makarinig kami ng isang malakas na sigaw na nagmumula sa silid ng aming mga anak. Mabilis naming silang pinuntakan. Oh God.

Sana wala pong nagyaring masama. Bago ko pa napihit ang door knob ng kanilang silid ay napansin ko ang dugong dumadaloy sa pinto na nagmumula roon.

Nagkatinginan kami ni Daymon. Lord, huwag naman po sana. Nangingilid ang aking luha ng buksan ko na ang pinto.

Madilim. Wala kami makita. Ngunit amoy na amoy ko ang masangsang na amoy na bumabalot sa kanilang silid. Kailan ba ako huling pumasok dito?

Kinabahan ako. Daymon turn the lights on. Nagimbal kami sa aming nasaksihan. Nagkalat ang mga bangkay.

Mga bangkay ng mga katulong naming. Buong akala ko kusa silang umalis pero--

"Hi Mom! Hi Dad!" its Deenam. Oh God. Puno ng dugo ang kanyang bibig at nakalitaw na din ang kanyang munting pangil.

Sumpa ba ito sa amin? Nakita ko din kung gaano nagulat si Daymon. Alam kong kahit siya ay hindi ito inaasahan.

Tumingin ako kay Deemon. Ganoon din ang itsura niya. Walang emotion. Pero kulay pula ang kanyang mga mata.

"It's Midnight snack time." At sabay nila kaming sinugod.

Hindi ako nakagaw sa subrang gulat. Huli na ng maramdaman ko ang pag kaubos ng aking dugo sa aking ugat. Maya maya pa bumagsak na ang katawan ko sa sahig at naramdaman ko ang maputlang katawan ni Daymon sa tabi ko.

This ends our Forever.

Hinawakan ko ang kamay niya at marahang ipinikit ang aking mga mata.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon