CHAPTER 7
MATAPOS kong lapatan ng first aid ang mga sugat ni Daymon ay agad kong nilibot ang aking paningin sa isang luma pero magandang bahay.
"My great grandparents used to live here before. Don't worry. Hindi ito alam ni Daynom. Kasi hindi namin siya kasama noong pumunta kami dito."
"Ahm.. Daymon.. kasi.. diba nga bampira na din ako? A-ano nang mangyayari sa akin?"
Umupo ako kaharap siya sa mesa.
"Ngayong kumawala kana, malamang naamoy ka na din ng iba pang Hypro. At alam ko, hindi sila titigil hanggat hindi ka nila napapatay. Uunahan ka na nila. Doble ingat na lang tayo." Sabi niya pagkuway tumayo siya at tinungo ang kusina.
Pagkabalik niya, dala dala naiya ang dalawang basong may lamang kulay pulang likido.
"Here. Drink this." Inilapag niya ang isang baso sa aking harapan at ininum naman ang isa.
"W-whats this?" Sinipat sipat at inamoy-amoy ko ang laman ng basong iyon.
"Blood." Kaswal na pagkasabi noon. Halos matuyo aking aking dugo sa narinig.
"Oo nga at bampira na ako, pero hindi ibig sabihin noon ay iinum na ako niyan. Ayoko Daymon."
Inilayo ko ang baso sa akin. Pero parang may kung ano sa aking loob na sabik na sabik sa inuming iyon.
Pinagpapawisan ako habang nakatigin sa basong iyon. What the heck is happenning to me?
"Ayaw mo?" Daymon shrugged.
"Sige akin na"" Mabilis kong inagaw ang baso at hindi na ako nagdalawang isip na ubusin ang laman noon.
"See? Kahit anong pigil mo lalabas at lalabas pa din ang totoong ikaw. You can't control yourself."
Pagkasabi noon ay umalis na siya sa harap ko. Mataman kong tinitigan ang basong hawak ko. Wala na itong laman. Ano itong nagawa ko?
ILANG gabi na ding hindi ako makatulog ng maayos. Lagi akong balisa. PKiramdam ko hindi pa rin kami safe dito tulad ng sinasabi ni Damon.
Kaya naman ngayong gabi ay naisipan kong uminom ng sleeping pills. Gusto ko kahit ngayon lang ay makatulog ako ng walang inaalalang ano man.
Agad kong inimulat ang aking mga mata at napabalikwas ng bangon ng may naramdaman akong kakaiba. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso.
"Naramdaman mo din ba sila?" Napaigtad ako ng biglang nagsalita si Daymon.
Kahit madilim sa silid, kitang kita ko pa rin siya. Nakasandal siya sa habla ng pinto habang nakapamulsa ito. Pinikit ko ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko ang nasa paligid.
"Madami sila. Aaligid aligid. Naglalaway. Ano mang oras ay nakahanda silang umataki. At.. si..."
"Si Daynom. Ramdam ko siya."
Inimulat ko ang aking mga mata at tumama ito sa kulay pulang mata ni Daymon. Nakaramdam ako ng takot.
Alam kong may mangyayari ngayong gabi. Nakakasigurado ako. Tinakpan ni Daymon ang aking bibig dahil kamuntik na akong mapasigaw ng biglang may tumama sa bintana.
"Sshh. Stay Still. Naamoy ka nila. Don't worry. Matitibay ang mga bintana dito kaya mahihirapan silang basagin iyon. Halika na!"
Marahan niya akong hinila mula sa kama.
"Saan tayo pupunta?" Halos pabulong na tanong ko sakanya.
"Sa isang ligtas na lugar." Takbo-lakad ang aming ginagawa. Hila hila lang ako ni Daymon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"Saan ba talaga tayo pupunta ha?" "Basta. Huwag ka nang magta--shit!" Narinig kong Napamura siya ng may isang hypro ang nahulog mula sa bubong.
Itinago niya ako sa likod niya. Sa isang iglap lang nagawa agad na dukutin ni Daymon ang puso ng hyprong nasaharapan namin. Habang ako naman nanginginig sa kanyang likuran.
"Come on!!" Hinila niya ako pabalik. Hindi ko malaman kung saan niya ako dadalhin.
Kusa lang ang aking mga paang nakasunod sa kanya. Gusto kong umiyak.
Pero alam kong wala iyong maitutulong sa situation namin ngayon. Pag-akyat namin ng hagdan nakita namin ang tatlong hypro na tila ba nag-aabang sa aming pagbalik.
"Shit! Shit!" mabilis akong hinila ni Daymon ngunit naunahan siya ng isang hypro.
"Daymon!!" Naiiyak kong sigaw. Hinablot niya ako sa pagkakahawak ni Daymon.
"Fvck!! Honeey!!" Mabilis na tumalon pababa ang hypro na hawak ako sa beywang.
Ramdam ko ang matutulis nitong mga kuko sa aking tyan. Napaungol na lamang ako sa sakit na aking naramdaman.
*BANG*
Isang putok ng baril ang aking narinig at naramdaman ko na biglang lumuwag ang pagkakahawak ng hyprong iyon sa akin. Bago pa kami tuluyang bumagsak sa sahig ay nasalo agad ako ni Daymon.
"I-I'm...i-i'm really s-scared... D-daymon..." hindi ko na napigilang mapahagulgol habang yakap siya.
"Shhh. Don't be. I'm here. I will protect you at any cost it may take." Pag-aalo niya sa akin.
Tiningnan ko kung may iba pang hyro na nakapalibot sa amin. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong nakita.
Ibinaba na ako ni Daymon at hinawakan ang aking kamay.
"Tara na. Alam kong mas ligtas ka doon." Nagsimula na kaming maglakad sa kung saan mang ligtas na lugar na sinasabi niya. Maya maya, nakarating kami sa tapat ng isang malaking pinto.
Maraming nakaukit doon ngunit hindi ko alam kong ano ang ibig sabihin ng mga iyon.
"It's a sacred room. Walang hypro ang makakapasok diyan. I know mas ligtas ka dito." Binitawan niya ang kamay ko at binuksan ang malaking pintong iyon.
Bumulaga sa amin ang malaking rebulto ng hindi ko malaman kung anong klasing hayop. Pumasok ako sa loob. Namangha ako sa aking mga nakita.
Para itong simbahan. Napakapeacefull. Hindi na nakakagulat kung bakit hindi nakakapasok ang mga hypro dito.
Hindi ko naramdaman ang presensya ni Daymon kaya naman nilingon ko siya. Nasa labas lang siya at hawak ang magkabilang door knob ng pinto.
"Daymon? Bakit?" Naguguluhang tanong ko. Ngumiti lang ito sa akin.
"Mas ligtas ka dito Honeey. Mas ligtas."
"Halika na. Pumasok kana." Nilapitan ko siya at akmang kukunin ang kanyang kamay ng iniwas niya ito.
"Hindi pwde Honey."
"Huh? Ano ba yang pinagsasabi mo diyan? Pumasok ka na dito baka dumating na ang mga hypro." Hindi siya sumagot. Nakita kong ang limang Hypro na papalapit sa kanya.
"Please!! Daymon. Pumasok kana. Andito na sila!!" Natatarantang saad ko.
"Hindi ako pwedeng pumasok diyan. Hindi pwede." Kita ko sa mga mata nito ang lungkot.
"A-anong.. A-anong i-ibig mong s-sabihin. D-dont t-tell me..."
"Oo Honey. Isa din akong Hypro. Tulad nila." Napatutop ako ng aking bibig sa narinig.
Pumatak ang isang butil ng luha sa aking mata ng makita kong sinunggaban siya ng isang Hypro.
"Be safe, Honey. Be safe for me." At unti unti nang sumasara ang nasabing silid.
BINABASA MO ANG
Daymon's Dark Secret (Completed)
VampiriMatangos ang ilong na animo ay hinubog ng isang sikat na manlililok. Mga matang mapupungay. Na sa bawat tingin mo ay waring mahihipnotismo ka. Manipis at mapupulang labi na para bang nanghihikayat na halikan ito. Matangkad. Maputi. Makinis. Ilan lan...