Chapter 5

1.7K 25 0
                                    

CHAPTER 5

Hindi ako halos makagalaw sa aking kinauupuan. Ayaw magsink in sa utak ko ang sinabi niya.

"W-What did you just say?"

"Katulad ka din namin." kasabay noon ay ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan.

At ang nakakatakot na tunog ng kulog. Hindi nakatingin sa akin si Daymon. Nakatungo lang ito at matiim ang pagkakahawak nito sa manibela.

"N-no. Ha-ha-ha. N-no. Is this some kind of joke? T-tatawa na ba ako?" Para akong baliw na tatawa at iiyak. Hindi lang siya umimik.

Nakatungo pa rin ito na para bang may iniisip.

"Ano!? Hindi ka man lang ba magsasalita diyan?! Sa bagay. Ganyan ka naman eh. Wala ka nang ginawang mabuti puro masama!!" Napapikit na lamang ako sa galit.

Isa isang lumabas ang mga butil ng luha sa aking mga mata.

"Listen." Hinawakan niya ako sa magkabilang bakikat.

"Alam kong hindi ka niniwala sa akin. But Im dead Serious. Totoong isa ka sa amin. Isa ka ding bampira."

I just stare him. Hindi ko alam ang sasabihin. All this time pala bampira ako? Kaya pala noon, mabilis maghilom ang mga sugat ko. Nakakita din ako sa dilim. Na kung ang mga normal na tao ay nangangapa pa. Noong una akala ko okay lang iyon. Pero hindi pala. Lahat nang iyon may kasagutan. At ito na iyon.

"A-ayoko. A-ayaw kong maging katulad nyo. T-tanggap ko naman kung ano kayo eh. P-pero... no. This can't be real. Nananaginip lang ako." Kinurot kurot ko ang kamay ko. Baka binabangungot lang ako.

"Hindi mo na matatakasan ang tadhana mo Honey. Hindi ka na pwedeng umayaw. Dahil ang dumadaloy na dugo diyan sa mga ugat mo ay dugo ng Napili."

Seryusong saad niya saka ibinalik ang tingin sa kalsada.

"N-napili? A-anong ibig mong sabihin?" Huminga muna siya ng malalim bago magsalita. Ang mga mata niya ay nakapako lamang sa akin.

"Ikaw ang napili ng mga sugo ng mga bampira. Ikaw lang ang may kakayanan na talunin lahat ng Hyprong nabubuhay sa henerasyong ito. Kabilang na doon ang kakambal ko." Biglang lumungkot ang gwapo nitong mukha.

"H-hindi k-ko maintindihan. A-anong Hypro? Sinong sugo? Anong kinalaman ko sa lahat ng ito. Gusto ko lang naman ng maayos na buhay eh."

"Pero hindi ka pa pinapanganak hindi na maayos ang buhay mo."

"Kung bampira ako, so si mama ganoon din ba?" Umiling iling lang si Daymon sa akin.

"W-what do you mean?"

"Inampon ka lang ni Tita Lydia. Anak ka ng isang bampirang may Hypro at isang tao. Pero nakaya niyang kontrolin ang hyro sa kanyang loob. Naging masaya sila. Kayo. Hanggang sa nalaman ng mga committee ang tungkol dito. Pinapatay ang mga magulang mo, pati na ikaw. Dahil alam nilang ikaw ang napili. Ang akala nila napatay ka din. Hindi nila alam, kinuha ka ni Tita Lydia at pinalaki." Nakatingin lang siya sa akin habang nagkukuwento.

"N-no. H-hindi. H-hindi totoo yan Daymon. Niloloko mo lang ako. W-wala kang alam sa buhay ko.!! Wala!!"

"Madami akong alam Honey. Madami kaming alam. Nasa paligid lang ang mga hyro. Naghihintay sa dilim para atakihin ka."

"Ano ba ang mga pesting hypro na yan?! Kanina mo pabinabanggit ang mga yan!"

Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang aking sarili.

"Hypro, sila 'yong mga halimaw na natutulog sa loob ng katawan ng mga mahihinang bampira. Oras na makaramdam ng poot at galit ang bampirang iyon, they grab that opportunity to brainwash that said vampire. Nakakalungkot mang isipin pero nangyari iyon kay Daynom. Nang dahil sa akin, ngkakaganoon siya." Nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mga mata.

"D-daymon..."

"At oo. Kami din ang may kagagawan ng mga patayan sa Elite Academy. Kailangan namin ng dugo, dugo ng mga babae upang manatili sa anyong ito. Kailangan naming mag-alay ng isang buhay para lang mabuhay kami."

W-what? Hindi ako makapaniwala. Kasama ko lang pala ang mga taong may kakagagawan noon? Nakaramdam ako ng takot ng makita kong tumingin sa akin si Daymon.

Kulay pula ang mga mata nito na bigla naman bumalik sa original nitong kulay. Nakukuntrol ba nito ang galit niya? Hindi tulad nang kay Daynom?

"Don't worry. Wala akong gagawimg masama sayo. Magkalahi tayo. Pero...."

"P-pero?"

"Si Daynom, pinipilit si Daddy na ipapatay ka." Napanganga ako sa narinig. Nang gabing iyon, ako na ang pinag-uusapan nila?

"P-pero... b-bakit?" "Dahil alam niyang ikaw ang napili. Uunahan ka niya bago mo pa man siya mapatay."

"P-papayayin? P-papatayin ko siya?!" Marahang tumango si Daymon.

"Wala na bang ibang paraan? Paano kong ayoko?"

"Dalawa lang naman yan eh. Ikaw ang papatay o ikaw ang mamatay. Just choose."

Ramdam sa tono nito ang sakit. Alam ko na kahit hindi sila magkasama sa iisang bahay ay kahit papaano ay nag-aalala pa rin ito sa kapatid.

Hindi ko napigilan ang aking sarili na yakapin siya.

"Hindi ko siya papatayin at hindi din niya ako mapapatay. Gagawa tayo nang paraan. Everything will be alright. Trust me."

He lean his Head on my shoulder. Ramdam ko ang pagkabasa ng aking manggas. Hindi ito ang Daymon na kilala ko.

Hindi siya ang Daymon na lagi akong sinisigawan. Lagi akong pinapagalitan. Is this the other side of Daymon? An Angel? Siya ang unang kumalas sa pagakakayakap.

"Let's go home. Sabihin natin lahat kay daddy. Baka may alam pa siyang paraan."

Tumango lang ako.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon