Chapter 2

2.2K 36 0
                                    

Chapter 2

Nagtaka ako kung bakit wala pa din si Daymon sa parking lot ng hapong iyon. I waited for another 30 minutes pero wala talaga siya.

Kaya naman nagcommute na lamang ako pauwi.

"I'm Home." Sigaw ko nang makarating na ako sa bahay. Huh? Wala bang mga tao dito? Wala din ata si Daymon. Lumandi na naman siguro iyon.

Aakyat na sana ako sa taas ng mahagip ng paningin ko ang natutulog na si Daymon sa sofa. Nakatulog pala. Hindi na naman siguro pumasok to.

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Napakaaamo talaga. Hindi na nakakapagtaka kung bakit madaming babae ang nagkakagusto at nahuhumaling sa kanya.

Napakislot ako ng bigla siyang gumalaw at tumalikod sa akin. Medyo lumihis ang kanyang suot na black tshirt kaya naman litaw na litaw ang kanyang makinis na likod.

Teka! Hindi ako manyakis ah. Lumihis lang talaga 'yong tshirt niya. Naningkit ako ng may nakita akong Krus.

May tattoo siyang krus sa lower right back ng kanyang likod. Black krus saka sa ilalim nito nakasulat ang kanyang pangalan.

Napailing na lamang akong iniwan siya. Bakit ba bigla akong nagkainterest sa mokong na ito. Pagkahapunan, wala pa din Ninong Vlad.

Kaya naman dalawa lang kami ni Daymon ang kumain. Binilisan ko ang pagsubo ko. Nakakailang kapag kami lang dalawa.

Muntik na akong mabilaukan ng bigla siyang nagsalita.

"Stay away from that jerk."

"Pardon?" napatigil ako sa aking pagsubo. Hindi siya sumagot.

Tumayo na siya at iniwan ako sa mesa. Naguguluhan. Ano ba ang problema niya?

---

Mabuti naman kinabukasan pagpasok ko wala ng bangkay ang nakita sa field.

Hindi ko alam kung bakit pinapalampas lang ito ng paaralan. Maybe because they taken police on their side.

"Yo!" kilala ko ang boses na iyon. It's him.

"Hi." Tipid kong sagot.

"Wanna go out with me?" nakangiti ito sa akin. Bakit parang familiar siya sa akin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kilala ko ang mukha niya. Tsk.

Forget it. Paano ko naman siya makikilala eh ngayon ko lang siya nameet?

"U-hh. Parang date, ganoon?" Tumango lang siya saka tumawa. Ang cute naman niya.

Para siya si Daymon--wait what? What was that? Bakit biglaan kong naisip ang demonyong iyon?

"Sure. See ya after class." I gave him my pure smile. Tumalikod na ako sa kanya.

Bigla tuloy akong naexcite. Habang nasa clase ay hindi ako makapag-isip ng maayos. Gusto ko na agad matapos ito.

After class ay mabilis pa sa alas kwarto kong tinungo ang meeting place namin ni--nyay! I don't even know his name.

Napangiti ako ng makita ko siyang nakatayo habang naghihintay.

"Hey. Sorry. Nalate ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"It's ok. Kakarating ko lang din naman eh. So, let's go?"

Tumango lang ako. Aalis na sana kami ng biglang may humablot doon sa lalaki saka siya sinuntok.

Dumugo ang gilid ng labi nito.

"Daymon!" pinigilan ko siya ng makitang susuntukin niyang muli ang lalaki.

"What the hell you think you're doing Daynom?" nanlilisik ang mga mata ni Daymon na nakatingin lang sa lalaki.

"Daynom?" tiningnan ko lang silang dalawa. Huminga ng malalim si Daymon. Bago nagsalita.

"He's Daynom Drake. I'm Daymon Brake. We're identical twins. Hindi mo man lang ba napansin honey? You're so stupid." Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Kaya pala sobrang familiar ang kanyang mukha.

Kasi kambal sila. Pinagkaiba lang nakasalamin itong si Daynom at kulay Abo ang kanyang buhok.

Si Daymon naman ay kulay itim. Pero kung kambal sila bakit hindi ko nakikita 'yong Daynom sa bahay. At bakit parang malaki ang hidwaan nila sa isa't-isa?

"Let's go." Hinila na ako Daymon palayo. Pero nagulat ako ng hinila din ako ni Daynom pabalik.

"She's with me. So Back off." Si Daynom.

Nakakatakot siya. Kambal nga talaga sila.

Hindi pa din ako binibitawan ni Daymon.

Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Let go Daymon kung ayaw mong mangyari sa kanya ang nangyari kay mommy."

Naguguluhan na talaga ako sa dalawang ito.

Oo nga pala. Simula nang tumira ako sa kanila, hindi ko pa nakikita ang mommy ni Daymon.

Bigla naman lumuwag ang pagkakahawak sa akin ni Daymon dahilan para mahila ako ni Daynom palapit sa kanya.

"Let's go?" hawak niya ako sa balik habang naglalakad kami. Nilingon ko si Daymon.

Nakayuko lang ito. Nakakuyom ang kanyang mga kamao. Halatang galit na galit siya pero pinipigilan lang niya. Ano ba ang nangyari sa kanilang dalawa?

Bakit sila nagkaganito? Gabi na ako nakauwi after naming mag-"date" ni Daynom.

Grabe, kakaiba talaga ang kanilang pangalan. Sino ba kasi nag-isip noon. Papasok na ako ng marinig kong parang may nag-uusap sa kabilang kwarto. Hindi ko napigilang makinig.

Sinilip ko ang nag-uusap sa siwang ng pinto. Si Ninong Vlad.

At si Daymon--no! si Daynom iyon. Papaanong naandito siya?

Anong ginagawa niya rito? Ano ang pinag-uusapan nilang dalawa?

". . . .kailangan na siyang mawala sa landas natin. Ipapatay mo siya."

Para akong hihimatayin. Sino ang papayin nila? Sino ang aalisin nila sa landas nila?

Dahan dahan akong umalis at nglakad patungo sa aking silid. Hindi ako pinatulog sa sinabing iyon ni Daynom.

Bakit? Anong nangyayari dito?

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon