Chapter 1

2.8K 52 0
                                    

CHAPTER 1

Antipatiko. Mayabang. Suplado. Walang modo. Masyadong bilib sa sarili.

Bakit? Bakit ako pa? Bakit kailangan ko pa siyang makasama? Of all people bakit siya pa? Akala mo ba pogi ka?! Akala mo ba makisig ka? Like Duhh. Pwes, oo. Pogi ka nga. Tsk.

That jerk Daymon. Kapag kaharap ang ibang tao kala mo tutang napakaamo. Tipong hindi kayang makapatay kahit na lamok.

Pero pagkaming dalawa lang para siyang leon na ano man oras ay susungaban ako.

I'm Honey Jane Lastimosa. Bestfriend ng mama ko ang daddy niyang si Ninong Vlad.

So, kinakapatid ko si Daymon. Sa kanila din ako nakikitira ngayon. Galing pa kasi akong probinsiya. Sa kanila na muna ako makikitira hanggang sa makagraduate ako sa high school.

--------------

Halos masuka suka ako ng makita ko ang isang bangkay ng babae na isinilid sa itim na body bag. Madaming estudyante din ang nakiki-isyuso.

Ang ilan naman ay nag-bulong bulungan. What the heck is happening in here? Ito ba ang school na pag mamay-ari ni Ninong Vlad? Bakit ganito?

"Nagsimula na naman ang patayan. Alam mo bang 1 year ago ay madaming bangkay ang natagpuan sa field na ito?

Lahat sila ay nakadipa sa krus at puro babae. Nakakakilabot. 'Yung iba nga, halos lumabas na ang lamang loob. 'Yung iba naman, tinanggalan ng puso. Nakakadiri." rinig kong sabi ng taong na sa likuran ko.

Nilingon ko ito at nagulat ako ng makita silang dalawang nakatingin sa akin.

"Po?"

"Bago ka pa lang dito sa paaralang ito diba? Mag-iingat ka. Kasi mga baguhan ang tinatarget nila. Hindi ko alam kong bakit dito pa school natin." 'Yung babae ang sumagot.

Nakacivillian pa lang ako kaya nalaman nilang bago lang ako dito.

"Sino ba ang may gawa nito?" Takang tanong ko.

"Who knows." Nagkibit balikat lang ito saka naglakad na. Sumunod naman ang kasama niyang lalaki.

Pero bago pa naman niya ako malampasan ay may binulong siya sa akin na talagang nagpatayo ng aking balahibo.

"You're living with Daymon right? The school owner's son. Don't let your guard down. Hindi mo alam may kasama ka na palang demonyo. Nasa tabi tabi lang ang may gawa nito. Minamatyagan ka. Kumukuha lang ng tamang oras para patayin ka."

Si Daymon? Bakit anong mayroon sa kanya?

Pagkatapos ng clase ay agad akong dumeretso sa parking lot. Siguradong naghihintay na doon si Daymon. Sisigawan na naman niya ako, sigurado.

"You're late!" halos mabasag ang ear drum ko sa sigaw niya. Makakasigaw naman kasi akala mo babaing nakakita ang crush eh.

"Pwedeng magsorry? Ang arte mo. Kala mo naman isang araw naghintay eh wala pa ngang 10 minutes eh. Tsk!" sabi ko sa pumasok na ako sa kotse.

Hindi na niya ako pinansin. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Sa sobrang tahimik rinig na rinig ko ang tibok ng aking puso.

Anong mayroon kay Daymon? May tinatago ba siya? Ang pamilya niya? Naalala ko ang sinabi ng lalaki kanina.

"Don't let your guard down." Anong ibig sabihin niya?

"Ahh. Daymon?"

"Uhm?" tipid niyang sagot habang nakatingin lang siya sa harap.

"Kasi.. 'yong sa school kanina?"

"Si Daddy na ang bahala doon. Just focus on your study."

"Hindi ka man ba nababahala? The students? Baka hindi na sila pumasok o baka lumipat na din sila ng school dahil sa takot."

"Bahala sila. It's their lives anyway."

"Pero kasi--"

"I just want to remind you Honey, that they, including you signed for a four-year contract stated that students can't be transfered to other schools not until the contract has been void."

"Pero nakakatakot naman kasi eh. Papasok ka ng school tapos ganoon ang madadatnan mo? hay naku. Ano ba sabi ng mga pulis? Sino ba daw ang--"

"Will you shut your fuvcking mouth up?"

Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw pero bigla din akong nakabawi. Tsk! Ang sama niya talaga.

Hindi na ako kumibo hanggang sa makarating kami ng bahay.

Maya kung saan na naman mapunta ang usapan namin. Pagdating ng bahay sinalubong agad ako ni Ninong Vlad at humalik sa noo ko.

"How was school?" tanong niya sa akin. Kahit na nasa late 40's na siya ay halalata pa din ang kanyang angking kaguwapuhan. Kung ipagtatabi sila ni Daymon para lang silang magkapatid.

"Okay naman po. Pero Ninong. Kanina kasi, may natagpuan pong bangkay ng babae sa field. Nakakakilabot po. Ano po ba ang--"

"Umakyat ka na sa kwarto mo, Hija." Mahinahon niyang sabi.

"P-Pero Ninong. Gusto ko--"

"I said go to your room now!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw.

Bakit? Why? Wala naman akong ginagawang masama. May nasabi ba ako? Nagtatanong lang naman. Bipolar ata to si Ninong.

Bago pa man ako makaakyat ng hagdan, nakita kong nagkatingin sila Daymon at si Ninong.

Na para bang nag-uusap sila sa pagitan lamang ng kanilang mga tingin. Napabuntong hininga na lamang ako. What a weird family.

Madaling araw ng makaramdam ako ng uhaw. Kaya naman bumaba ako sa kusina para uminom. Naabutan ko doon si Daymon na umiinom din ng tubig. Mukhang kakarating pa lang niya kasi kukuha pa lang siya ng tubig sa ref. Nagkatinginan kami ngunit siya ang unang umiwas.

Tssk. Anong problema ng isang 'to? Pagkatapos kong uminom ay umakyat na ako pero nasa hagdan pa lang ako ng marinig kong magsalita si Daymon.

"Good night, Honey. Mag-iingat ka lagi."

Rinig kong sabi niya kahit bulong lang ito. Tumango lang ako sa kanya. Ang weird niya ngayon.

What's with him?

Kinabukasan, may isa na namang bangkay ang natagpuan sa field. Nakadipa sa isang malaking cross na kulay itim.

Nang lapitan ko ng kaunti, nanlaki ang aking singkit na mga mata sa nakita. I know her.

Kilala ko siya. She's that girl yesterday. How.. Why? Ang sabi niya, puro new students lang ang tinatarget.

Pero bakit pati siya? Nagulat ako ng biglang may humila sa akin papunta sa kung saan.

Nang iaangat ko ang aking mukha nakilala ko agad ang taong humila sa akin.

Siya iyon. 'Yong lalaking may galit kay Daymon. He gave me a piece of paper.

Kilabot ang namayani sa buong katawan ko ng mabasa ang nakasulat dito.

"Ayoko sa pakialamera. Sa paglapit mo sa kanya, hindi mo na maaabutan ang pagsikat ng araw bukas."

Ako ba ang tinutukoy na nilapitan ng babae? Sino naman ang gagawa nito sa kanya?

"Ibinigay sa akin niyan ni Janice bago mangyari sa kanya ito. Nawala lang ako saglit pero wala na siya. Malakas ang kutob kong SIYA ang may gawa nito."

"Sinong siya? Bakit siya ginagawa 'to? At bakit dito sa school natin?" takang tanong ko. Naguguluhan na ako.

Wala akong maintindihan sa mga nangyayari.

"Someday you'll know. Someday. At pagsisisihan mo kung bakit nakilala mo pa siya."

Iyon lang ang sabi niya at mabilis na siyang umalis. Natulala ako sa mga sinabi niya.

Bakit lahat ng iyon ay may kakakibang kahulugan?

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon