Chapter 6

1.4K 29 0
                                    

CHAPTER 6

Para akong ipinako sa aking kinatatayuan habang nakatingin lang sa duguang katawan ni Ninong Vlad at sa humahagulgol na si Daymon.

Ano ito? Bakit? Anong nangyayari dito?

"D-dad.. D-dad.. Hang in there. Please. S-sino ang gumawa nito?" hinawakan ng nanginginig na kamay ni Daymon ang kamay ng ama.

"D-daymon..." umubo ito ng Dugo. Awang awa ako sa kalagayan ni Ninong. Napatingin ako kay Daymon.

Sa ilang buwan na paninirahan ko dito ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ngayon ko lang siya nakitang bumigay ng husto. Pagdating sa pamilya nagiging mahina siya.

"T-tatawagin ko po ang Doctor natin. D-dad please. Hang in there." Tatayo na sana si Daymon ng pinigilan siya ni Ninong Vlad.

"H-huwag na.. S-si.. D-daynom.. Na..ging hypro na siya..." pilit pa din niyang ibinuka ang bibig kahit halatang hirap na hirap na siya.

Si Daynom ang may kagagawan nito? Paanong nagawa niya ito sa sariling ama niya? Dumilim ang aura ni Daymon. Halatang pinipigilan niyang magalit.

Nanginginig ang katawan kong tinungo ang kinaruruunan nila. Hinagod ko ang likod ni Daymon para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa.

Nandito ako. Hindi ko na din napigilang mapaiyak.

"H-honeey..." napaangat ako at sinalubong ang tingin ni Ninong Vlad. Hinawakan ko din ang nanginginig nitong mga kamay.

"U-uma..lis na...kayo... D-daymon.. Bili..san nyo na. Bago pa ka..yo ma..abutan ni Day..nom..."

"No dad. Hindi ka namin iiwan dito!!!" Pagmamatigas ni Daymon.

"M-magi..ging abo na a-ako. Plea..se. T-this is my last wish. Pro....tek..tahan mo si..ya. Bi..lis na Day..mon." Dumilim ang mukha ni Daymon saka tumayo.

Hinila niya ako palabas ng silid ng iyon.

"D-daymon.. p-pero.." nilingon ko ang duguang katawan ni Ninong Vlad. How could this be happening?

"We must respect a vampire's dying wish." Hindi na ako kumibo. Alam kong masakit ito para kay Daymon.

Hindi ko alam kong papaano pawiin ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"D-daymon..." hila hila niyapa rin ako hanggang makarating kami sa kotse niya.

"Get in! We must be out of here before Daynom arrives." May autoridad sa kanyang tono. Walang ano mang salita ang lumabas sa aking bibig. Bagkus ay sinunod ko na lamang siya. Subrang nakakabinge ang katahimikan sa loob ng kotse.

Ako na ang unang bumasag sa katahimikan.

"S-san tayo pupunta?"

"Sa antipolo. May rest house kami doon na hindi alam ni Daynom."

Malamig niyang tugon. Ang tingin niya sa kalsada lang. Tumango lang ako. Im still in the stage of shock. Sunod sunod ang mga nangyari.

Ang pagkidnap sa akin ni Daynom. Ang katutuhanan tungkol sa aking pagkatao. At ang pagkamatay ni Ninong Vlad. Pakiramdam ko ano mang oras magkakaroon na ako ng nervous breakdown.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Umuulan pa din. Nakikiramay ba ang langit sa pighating aming nararamdaman? Lumalalim na ang gabi.

Nakakaramdam na ako ng antok. Aktoh iipikit ko na ang aking mga mata ng biglang may kumalabog sa bubong ng kotse. Napapreno agad si Daymon. Inayos ko ang aking upo.

Bumilis pa sa normal ang pagtibok ng aking puso. Mahigpit ang hawak ko sa seatbelt.

"D-daymon. W-what was that?" Nanginginig kong tanong.

"Dito ka lang. Wag kang lalabas kahit anong mangyari." Pagkasabi noon ay mabilis siyang lumabas ng kotse. Ilang minuto akong naghintay pero wala pa rin siya. Kinakabahan na ako ng husto.

Wala sa isip na bumaba ako ng kotse. I need to know what the hell is happening. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Napapalibutan si Daymon ng apat na halimaw.

Hindi ko alam kung ano sila pero subrang nakakatakot ang kanilang mukha. Kulay itim ang kanilang mga balat. Halos mga buto't balat na nga. Naglalaway sila. Natuon ang aking pansin kay Daymon. Puno ito ng dugo at sa paanan nito nakahandusay ang tatlong halimaw na animo'y wala ng buhay.

Maya maya ay naging mga abo na ang mga ito. Para akong naitulos saaking kinatatayuan. I can't even move a muscle. Ito na ba iyon?

Totoo ba ang mga nangyayari o nananaginip lang ako?

"Ahhhhhhh." Sigaw ko ng biglang may humawak sa akin. Napalingon sa akin si Daymon.

Tanging ang mapupula nitong mga mata ang sumalubong sa akin. Natatakot ako. Natatakot ako sa kanya.

"Damn! Huwag mo siyang saktan." Biglang ngbago ang kanyang mga mata. From being red to black.

Nagbalik na ba sa katinuan ni Daymon.

"How are you my dear Honey." Para akong nakukuryente ng bumulong siya sa aking tainga. Para akong hihimatayin.

"Run Honey!!! D-daynom. Please. Don't hurt�" hindi na natapos ni Daymon ang sasabihin ng bigla siyang sinugod ng isa sa mga halimaw na iyon.

"Daymon!!!!" Sigaw ko kahit na takot na takot na ako. Patuloy pa din ang pag-atake ng mga halimaw na iyon kay Daymon.

Napaiyak na lamang ako ng makita ang kalunos lunos na kalagayan ni Daymon.

"D-daymon..." napahagulgol na lamang ako. Hindi ko alam pero may bagay sa loob ko na gustong lumabas sa akin. Masakit sa ulo. Para akong mababaliw.

"Ahhh!!! ahhhh!! Ahhhh!!" Hindi ko alam ang mganangyayari pero nagkaroon ako ng lakas nakumawala sa hawak ni Daynom. Mabilis kong tinungo ang kinarorounan ni Daymon.

Isa isa kong sinugod ang mga halimaw na iyon. Dinukot ang kanilang puso, pinugutan ng ulo at winasak ang kanilang katawan. Madaming dugo ang tumalsik sa mukha ko. Sa damit ko. Sa katawan ko, pero hindi ko alintana iyon. Ang importante sa akin ay ang mailigtas si Daymon.

Pagkatapos ko silang katayin, (I don't know if it's the right term) binalingan ko si Daynom na nakatayo malayo sa amin. Nakatingin lang siya sa akin na parang gulat na gulat.

Maya maya ay bigla na lang siyang nawala na parang bula. Tiningnan ko si Daymon saka tinulungan tumayo.

"Okay ka lang ba?" May halong pag-aalalang tanong ko.

"You.. Na..ging bam..pira kana.." Nanlaki ang aking mata. Naramdaman ko ang malapot na likido na dumadaloy saaking mukha.

Nang kapain ko ito laking gulat ko na malaman kong ano ito. Dugo! Pati sa damit ko. Anong nangyayari? Bakit duguan ako?

"Y-you saved me." Hindi makapaniwalang turan ni Daymon. "Unti unti ng tinatanggap ng katawan mo ang pagiging bampira mo. Hindi magtatagal tuluyan ka nang magiging isa namin." pikit na tumayo si Daymon. Hindi na nakakagulat kung madaling maghilom ang kanyang mga sugat.

Nakabawi agad ako sa gulat kaya naman tinulungan ko na siyang maglakad papuntang kotse.

Daymon's Dark Secret (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon