TWO

75 3 8
                                    

MARCO

"You lose!"

"Ayy talo ka na naman tito Marco! Bleeeh" Pang-aasar sa akin ni Andie. "Kanina ka pa po kashi tulala e. Iniiship nyo po ba 'yung crush nyo?"

"Ha?"

"Ayieee! May crush si tito Marco!"

"Andie, ang bata mo pa para sa mga ganyang bagay ha. Ikaw talaga, halika nga dito..." hinila ko siya at kiniliti. Kanina pa ako natatalo sa paglalaro ng tekken sa kanya.

Nandito kasi ako sa bahay ng ate ko. Tatlong buwan rin siguro akong hindi nakadalaw kaya namiss ko sila, lalo na 'tong makulit na 6 years old kong pamangkin.

"Hahaha... nakikiliti ako tito... hahaha. Tama na po. Hahaha..." nakawala siya sa pangigiliti ko at ngayo'y naghahabulan kami sa sala.

"Ang magtiyo na ito oh oh. Magmeryenda nga muna kayo." Pumasok si ate Megan na may dalang tray ng meryenda.

Kinuha ko 'yung juice at ininom ko. Whuu! Nakakahingal.

"Hinihingal... ako sa'yo..." sabi ko kay Andie at ginulo ang buhok niya.

"Talo ka naman sa akin e. K.O. ka lagi."

Napatawa nalang ako.

"Buti nakadalaw ka, kamusta naman ang buhay ng gwapo kong kapatid?" -Ate Megan.

"Okay naman. Busy as usual." Kaswal kong sagot.

*peep peep*

Nagitla si ate. "I forgot! Hahaha. May lakad nga pala kami ng kuya Dale mo."

"Kaya pala bihis na bihis at blooming ang ate ko ngayon." Puri ko sa kanya. Kung titignan si ate Megan parang akala mo sixteen years old siya sa look niya.

Nakababata ba talaga ng itsura ang pag-ibig?

"Tse. Nambola ka pa. O Sige bye na."
"Dalian mo inaantay ka na ng prince charming mo." Pang-aasar ko dito.

"Si Andie nga pala ikaw muna ang bahala. Mamaya ka pa naman babalik ng Manila diba?" -ate Megan

"Oo may client kasi akong ime-meet. Pero teka, nasa day-off sila manang diba? Sinong maiiwan kay Andie?"

"Mamayang 8pm darating 'yung babysitter niya. Hintayin mo nalang bago ka umalis. See you little bro." At tuluyan na silang umalis. 7th wedding anniversary kasi ng mag-asawa.

Pinuntahan ko si Andie sa living room. Naglalaro na naman ng Xbox. Samantalang pinagka-abalahan ko namang ayusin 'yong business proposal ko para sa ime-meet kong client bukas.

*****

*Door bell rings*

Na alimpungatan ako sa maingay na pagtunog ng door bell. I fell asleep pala. I checked my wristwatch.

8:53 P.M.

Siguro nandito na 'yung babysitter ni Andie.

I looked for Andie. Wala siya dito sa living room.

"ATEEE! finally you're here!"

Si Andie 'yon ah. Siguro siya na ang nagbukas ng pinto.

Inayos ko na ang mga gamit ko. Kailangan ko na rin umalis.

Pinuntahan ko sila sa front door. Naririnig ko kasi ang kadaldalan ni Andie.

"Kanina pa kita inaantay ang tagal mo." Sambit ni Andie sa babaeng nakatayo sa front door. Nakatingin siya kay Andie at ginugulo-gulo nito ang buhok niya.

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon