FIFTEEN

26 3 0
                                    

MARCO

Ang tagal naman ni Amira. Halos isang oras na ata akong naghihintay dito sa lawn garden. Buti nalang wala 'yung mga students.

Malamang Marco Saturday kaya ngayon.

Hindi sila nagpapasok dito pag weekends lalo na kung wala kang agenda. Pero dahil pinaki-usapan ko 'yung security guard na papasukin na ako dahil birthday ko naman eh. Nung una ayaw niya akong payagan pero nung binigyan ko siya ng pagkain na dala ko, ayon wala na siyang nagawa. Smell of s-u-h-o-l.

"Sorry, late ako!"

Ang gitla ko naman sa kanya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko. Paano ba naman kasi hapung-hapo siya. Hawak niya ang dalawang tuhod niya.

"Oo... napagod lang sa pagtakbo... hehehe." Nag-peace sign pa siya.

"Maupo ka nga muna dito."

"Thanks..." she sighed. Tapos inalis niya 'yung ponytail niya. Tinatangay ng hangin ang hanggang balikat na buhok. Bakit ganun? Parang tinapatan ng spot light ang pwesto niya. Tapos nags-slow ang lahat. Kakaiba 'yung ngiti niya. Dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya ako. Hahalikan na niya ako. Ayan na. Ayan na.

"Marco, okay ka lang?"

Narinig kong sabi niya. Idinilat ko ang mata ko at nakanguso pala ako habang nakatingin sa kanya.

"Y-yes... okay lang ako... hehehe.." napakamot nalang ako sa batok. Ano bang ginagawa ko?  Ang awkward tuloy.

"Happy birthday!"  May inabot siyang paper bag.

"Thank you, nag-abala ka pa."

"You're welcome, buksan mo na. Simple lang ang regalo ko. Pasensya ka na."

Binuksan ko ang regalong ibinigay niya. Isang charcoal sketch na nakalagay sa frame.

"Wow, talented ka pala? Thanks. Ang gwapo ko dito ah."

"Hahaha... Ikaw talaga..."

"So..."

"So?"

"So, friends?" Paglalahad ko ng kamay ko.

"Friends." Parang may dumaloy na kung anong boltahe ng kuryente mula nang hawakan niya ang kamay ko.

Masaya naming pinagsaluhan ang mga pagkain na dala ko.

"Mabait ka naman, pero bakit puro negatives ang naririnig ko sa'yo."

"Hindi ko alam. Huhusgahan mo rin ba kami? Ako?"

"Only God can judge us. Bakit kita huhusgahan, kung nagpapakatotoo ka lang naman sa sarili mo? Unlike, other students here. Ginagawa nila ang lahat maging 'in' lang."

"Oo na Lola."

"Anong sabi mo?" Tinaas niya ako ng kilay pero natatawa siya.

"Para ka kasing matanda kung magsalita. May pinagdadaanan ka ba?"

"Wala naman. Ganito lang siguro ako."

"Life is short have fun."

"Well, Marco. I'm not a YOLO type of person. Yes, we live once. But that "once" can do almost everything we want in our live. And here we are, afraid to do the most difficult task in our life, because we live once."

Nakinig lang ako sa kanya.

"Kaya hindi nasasagot ng ilan ang problema nila kasi they use 'YOLO' sa ibang paraan." Napayuko siya.

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon