MARCO
Alam kong gising na ang diwa ko nararamdaman ko kasing may nakadagan sa katawan ko. Ayoko pang idilat ang mata ko since masarap naman sa pakiramdam ang mainit na bagay na 'to. Niyapos ko ito ng mahigpit ang bango-bango naman. Hmm.
"Ouch!"
Napabangon na lamang ako at tuluyan ng nagising. Sapu-sapo ang ilong ko.
"Kanina pa kasi kita ginigising e. Ginawa ko na ang lahat para magising ka. Isang kagat lang pala sa ilong ang magpapabangon sa'yo." Nilingon ko siya sa gilid ko at naka pout siya.
Oo nga pala, magkatabinga pala kami.
"Ang sarap pa nang yakap mo sa akin. Halos di ako makahinga. May plano ka pa yatang singhutin ako. Tss" this time lumingon siya sa direksyon ko.
Dumilim yung paligid. Tapos parang tinapatan siya ng spotlight. Nagslowmo ang lahat. Ang ganda ganda niy---
"Hoy!" She snapped her fingers which brought me back to my senses.
Huh? What was that? Napayuko nalang ako sa hiya. Tss. Tinakpan ko ang bibig. Ayokong magsalita. Bad. breathe pa ako, nakakahiya.
"Tigilan mo nga 'yan. Para kang bading... Tss." She pouted her lips again. So cute. :3
"..."
She sighed.
"At bakit nakaposas mga kamay natin?" Tumaas din ang kaliwang kamay ko nang itaas niya ang kanan kamay niyang nakaposas. "Aalisin mo na 'to oh. Nagugutom na kasi ako eh. At naiihi."
*growl*
"Oh Di ba? Maging ikaw gutom na din. Tss." She rolled her eyes.
Nagwawala na rin ang mga alaga ko sa tyan ko.
"Are we going to stare at each other in your bed all day long until we starved to death?" Taas-kilay nitong tanong.
"Sha ishang kondishon?" Sabi ko habang nakatakip pa din ang kanang kamay ko sa bibig ko.
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"Aalisin ko ang posas na 'to kung papayag kang magdate tayo." Sa mga kamay namin ako nakatingin habang sinasabi ang bagay na iyon.
"Date lang pala eh. Edi sure."
Napangiti ako. Ewan. Basta.
Sa secret pocket ng pajama ko nakalagay ang susi. Nang makakawala ito ay tumakbo na agad siya sa bath room."What if kasuhan kaya kita ng illegal detention?" Sigaw niya sa loob ng banyo.
"Okay lang, atleast kasama kita sa kulungan kapag nagsumbong ka." Panakot ko sa kanya which made her mouth shut. Nasabi niya kasi sa akin dati na huwag na huwag akong magrereport sa pulis about sa situation niya.
"Yung dress mo, nakasampay d'yan. Malinis na 'yan."
*****
"Dahan-dahan sa pagkain hoy, Baka mabilaukan ka." Sita ko sa kanya.
Paano kasi kain kargador ba naman 'tong babaeng 'to. Nagpadeliver ako ng food sa McDonald's nagugutom na daw siya eh. Kaya iyan,
"Hmmm. Hmmmp." Natatarantang turo niya doon sa coke.
"Sinabi ko naman kasi sa'yo na dahan-dahan lang eh." Natatawang sabi ko rito habang inaabot sa kanya ang basong may lamang Coke.
Hindi ko naman masisisi na gutom na gutom na talaga siya paano, tanghali na kami nagising.
![](https://img.wattpad.com/cover/71561477-288-k687074.jpg)
BINABASA MO ANG
That Day
RomantizmSi Marco Miranda. NGSB. Gwapo. Matalino. Isang landscape artist. Part-time Photographer. Independent. Maraming baliw sa kanya. But love is not his thing. Marahil dati ay maaari pa niyang masabi ngunit iba na ngayon. Pilit na niyang kinalimutan ang m...