SEVENTEEN

40 3 2
                                    

MARCO

Matagal bago ako nakabalik sa sistema ko. Nakasakay na ako ngayon sa elevator patungo sa apartment ko.

*ting!*

Pagkabukas ng elevator lumabas na ako na siya namang pasok ng isang lalake. Nagtama ang mga tingin namin at nginitian niya ako.

Sa harap ng pinto ko ay may isang box. Parang pang office box. Naka-ribbon na silver.

Binuksan ko na ang pinto at dinala 'yon sa sala para doon buksan. Hindi naman siguro ito bomba ano?

Hindi nga. Dahil ang laman sa loob ay ang year book namin nung high school. Tinignan ko ang card na nasa loob para malaman ko kung kanino galing.

Kay Timothy.

Ano na naman bang kailangan ng baliw na iyon?






"Anong sabi mo? Alam mo kung nasaan ang Mama ko?"

Nang ibaling ko ang tingin ko sa kanya ay nakasindi na ang sigarilyo niyang naka-ipit lamang kanina sa kanyang mga bibig. Binuga muna niya ang usok bago siya nagsalita.

"Hindi ka naniniwala ano?" Malamig ang tono ng boses niya.

"Paano ako maniniwala Timothy? Hindi mo pa nga nakikita ang mama ko."

Mariin niyang idiniin ang upos ng sigarilyo niya sa ashtray...

At mabilis na dumapo ang kanyang kamao sa mukha ko.

"ANO BANG PROBLEMA MO TIMOTHY!?"

Hinatak ko ang kwelyo niya at ibinalandra ko siya sa dingding.

Nakatitig lamang siya sa mata ko at suot suot na naman ang mala-demonyo niyang ngiti.

"Magsalita ka!?" Naka-amba na akong suntukin siya ngunit hindi ko nagawa.

"Hahahaha"

Nababaliw na siya.

"Ayoko na Timothy, aalis na ako sa poder mo!"

"Sige, umalis ka na. Tignan ko lang kung makita mo pa si Amira."

Bago pa ako nakasagot ay bigla na siyang nawala. I tried following him outside. Pero ma mabilis niyang pinatakbo ang motor bike niya.

That jerk, hindi ko na siya maintindihan. Bakit kailangang madamay si Amira?

Hindi muna ako umalis. I need to know kung bakit gusto niyang idamay si Amira.

Pumasok akong may pasa ang labi ko dahil kay Timothy. Well, ba't ako mag-aalala sa itsura ko. Sanay naman ang lahat na makita akong ganito.

"Akala ko ba aalis ka na?"

Naging mahinahon na ang aura niya. Napaka-fake talaga ni Timothy. Tinignan ko lang siya at ang pag-inom niya sa softdrinks ko. Medyo patay gutom din pala siya. Oh. Kidding aside. Nasa canteen kami today.

Under sanction pa rin kami nina blue.

Nga pala, ayon si Blue. Mukhang masaya naman sa mga kausap niyang babae sa table na laging inuupuan niya. Kumaway siya sa direksyon ko nang makita niya akong nakatingin sa kanila. Kumaway din ako balik sa kanya.

Dumako naman ang tingin ko kay Ivan. Na abalang-abala sa pagbabasa ng libro. May dalawang chicks din na nakaupo sa magkabilang side niya. Ngunit apathy siya sa mga iyon. Napunta ang atensyon ko sa bolang tumama sa librong binabasa niya at narinig ko ang boses ni Nico sa di kalayuang table.

"Uhmm. Sorry. Pwede paki balik ng ball?" Sabi niya kay Ivan na Nakabusangot sa kanya. Teka, magkaaway ba sila.

"Bakit hindi mo kunin? Nakasanla ba ang paa't kamay mo?" Ismid ni Ivan. At ibinalik na ang atensyon sa pagbabasa.

May problema nga sa dalawang ito.

"Nakalimutan mo yatang may sanction tayo, Bunny?" kumurba ang ngiti sa labi ni Nico. Ganyan siyang mambwisit lalo na kay Ivan.

And what's with 'Bunny'? Hindi naman mukhang rabbit si Ivan ah.

Narinig ko nalang ang pag-tsked ni Ivan. At inis na Ibinato ang bola pabalik kaya Nico.

"Thank you bunny!" Sabay kindat nito kay Ivan.

Nagulat ako sa reaksyon ni Ivan kay Nico. Dahil ipinakita niya kay Nico ang middle finger nito with a smirked.

I heard Nico's chuckled. At doon ay napansin na niya ako. So I mouthed.

"What's.Wrong.With.You.And.Ivan."

He just shrugged.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko Marco." Sabad ni Timothy.

Oo nga pala, nawala sa isip kong nasa harap ko pa siya.

"Huwag na huwag mong idadamay si Amira." Matapang kong sagot sa kanya.

"Bakit naman?"

Natahimik ako sa tanong niya. Bakit nga ba? Maging ako hindi ko rin alam. Ah siguro, dahil kaibigan ko si Amira. At inosente siya.

"Oh, natameme ka? Creepy."

Sinamaan ko siya ng tingin.

"You only know her name, not her story. Kaya, mag-ingat ka sa mga taong gusto mong protektahan." Tumayo na siya. Lagi siyang pabitin, pa-misteryoso at may pahaging.

"Anong alam mo sa kanya!" Sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng lahat ng estudyante sa loob ng canteen.

Hinarap niya ako ngunit ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ko. At nawala na. Naging maingay nang muli ang canteen.

Habang si Amira na nakatayo sa lawn garden ay nakatitig rin sa direksyon ko. Bakas ang pagkabalisa sa kanyang mata. At ilang segundo pa, bago siya patakbong nawala sa paningin ko.




Binuklat ko ang yearbook book at nakita ko ang mga mukha namin noon. Sa kasunod na pahina ay may nalaglag na picture ng babae na may malaking "X" na sulat ng pulang marka sa mukha. Dinampot ko at tinitigang maigi ang larawan.

Si Amira.

To be continued...

* * * * *

Late updates. Sorry. *bows* Busy masyado sa school. Ang kaming readings. Ugh

Happy 400 reads sa "That Day" :3

Again don't forget to,

Vote. Comment. Share.

~iamRud

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon