TEN

29 4 1
                                    

MARCO

They are applauding my inspirational speech. Who would have thought na may ganitong pangyayari sa buhay ko. I never imagined such things like this in my life. Kami ang worst batch pero kami rin ang best batch sa dami ng mga naging successful. Kagaya nina Blue, Ivan, Nico at syempre ako. Sina Zach at Sean ay sa college na namin naging kabarkada. Kaming apat talaga ang solid na magkakaibigan since then.

"I'm so proud of you pare!" Nico said as he patted my shoulder.

"No, pare. I am proud of us!" I told them.

"You guys really made me proud! Hindi ako nagkamali ng pakikipaglaban para idepensa sa ating principal dati ang mga kalokohan ninyo." Mrs. Romero said with tears in her eyes.

Kasama namin sa table na ito ang aming mommy superhero--- Si Mrs. Ledelaida Romero. Bakit mommy superhero? Dahil siya mismo ang kumakausap sa principal at dumidepensa sa mga kalokohan namin. At siya rin ang nagbibigay ng parusa sa aming apat.

Gaya nung third year kami, J.S. prom namin. Masaya kasi ang party kapag may konting tama kaya hinaluan namin ng alak 'yung juice na siyang dahilan para malasing at maging wild ang lahat noon. Ang naging resulta? Ayon, nagkaroon lang naman ng riot between juniors and seniors. Ang naging parusa namin kaysa makick-out sa school ay maglinis ng maduming comfort room sa buong campus sa loob ng apat na buwan. Wala kaming naging summer vacation dahil doon.  Sina Ivan at Nico sa CR ng girls dahil "good boys" daw sila at kami naman ni Blue ang toka sa CR ng boys.

Nung senior year namin, another kalokohan na naman. May pinagtitripan kaming nerdy sa school. Tapos one time, seryoso ang lahat sa klase ng bigla naming tinawag yung nerdy na iyon sa guidance office. Pero ang totoo, isasama lang namin siyang mag-cutting classses. Ang nakakainis lang eh. Nung nakaakyat na siya sa mataas na bakod ng school ay bigla itong hinika. In the end, nabigyan na naman kami ng sanction. Ang 2 meters na hindi pagdidikit-dikit sa isa't isa. No choice kami, takot na baka hindi makagraduate. Kaya, sumunod nalang kami. Grabe, nung practice na ata ng graduation kami muling nagsama-sama.

At sa loob ng dalawang buwan na sanction na iyon ay naging mag-isa lang ako dahil maski sa village namin ay bawal kaming magdikit-dikit utos rin ng aming mga guardian. Hanggang sa nakilala ko si Timothy.  Si Timothy Casimiro na siyang pinag-uusapan at hinihintay ng lahat dito sa reunion ng batch namin at ngayo'y kararating lang.

"Good evening, Mrs. Romero. It was nice to meet you again." Magalang na pagbati nito. Alam kong nasa gilid ko lang siya. At sa ilalim ng mesa ay nakakuyom na ang kamao ko.

Ang kapal naman niya para magpakita pa rito, matapos ang lahat.

"Oh, kamusta naman ang dati kong kaibigan?" Nasa akin na ang atensyon niya ngayon. Nang tignan ko siya ay  nakita ko ang dati niyang ngisi na suot-suot pa rin niya.



"Ang ganda niya hindi ba? Crush mo 'no?" Wika ng isang lalake sa gilid ko. At naramdaman kong naupo na siya sa table na inuupuan ko dito sa canteen. Dumako ang atensyon ko sa kanya. Blue ang lace ng I.D. nito, it means senior din siya. May color coding kasi ang I.D. lace ng mga students sa school na 'to, para madaling ma-identify ang year level.

"Oh. By the way. I'm Timothy Casimiro from 4-A"  pakilala niya at inilahad niya ang kamay niya.

"Marco." Tipid kong sagot at nakipagkamay sa kanya.

Binalik ko ang tingin ko sa lawn garden kung saan lagi kong nakikita ang isang inosenteng ngiti mula sa isang magandang babae. Pero ngayo'y bigla na naman siyang nawala sa paningin ko.

"Crush mo nga siya ano?"

Malamig kong ibinalik ang tingin ko kay Timothy at tumayo na para makabalik sa klase kasabay noo'y tinalikuran ko na siya.

That DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon