MARCO
"Are you sure na gusto mong sumakay d'yan?" Kabadong tanong ko sa kanya. Narito kami sa Star city. Pagkabili palang namin ng tickets kanina ay agad na akong hinatak nito papunta dito sa pila ng Star Frisbee.
Kung tatanungin ninyo. Halos tatlong araw na kaming magkasama at pumupunta sa kung saan-saan. After that night na may nangyari sa amin, kinabukasan nag-aya siyang pumuntang mall. Lahat ata ng showing na pelikula ay pinanuod namin. The next day, pinuntahan namin 'yung mga museum dito sa Manila. Ang dami niyang alam tungkol sa mga paintings and about history. I was dumbfounded listening to her.
"Bakit natatakot ka 'no?"
"H-Hindi ah."
Ngitian niya lang ako. At hinila na naman niya ang kamay ko. Kami na pala ang susunod. Parang kanina lang, pinanunuod ko ang mga nakasakay. Bakas ang takot at kaba sa kanilang mukha lalo na ang mga sigaw nila.
Hindi lang kasi gumagalaw nang side ways ang star frisbee kundi nagtitilt pa ito pagdating sa itaas."Ready ka na?" Nakaupo na pala kami paraehas at naayos na rin ng crew ang seatbelts namin for safety. Damang-dama ko nga ang safety eh dahil ipit na ipit ang tiyan ko. :3
Before I nod, umandar na siya. I closed my eyes. Shoot. Ito na. Mahigpit ang kapit ko sa sit ko. But I conquered my fear kaya dumilat na ako.
Pag nasa itaas ka na. Parang may sandaling katahimikan kang maririnig afterwards bigla ka namang malalaglag na parang naghihiwa-hiwalay ang mga internal organs mo.
Nananampal 'yung hangin at nakabibingi rin ang mga hiyawan ng mga tao.
Samantalang si Vesta na nasa tabi ko ay nakangiti lang. And then, nakita kong basa ang pisngi niya. Umiiyak ba siya o pawis lang?
Nagugulat pa rin ako kapag tinitignan ko siya ng malapitan. Hawig na hawig sila ni...
"Amira." Tipid niyang sagot. Tutok ang mga mata niya sa hawak-hawak ko.
"Hmm." Amira pala ang pangalan niya. Bagay na bagay sa kanya. At talaga palang maganda siya lalo na sa malapitan. Hanggang tingin lang kasi ako sa kanya mula sa lawn garden eh.
"Pwede bang ibalik mo na sa akin ang libro ko." Utos nito.
"Paano kung ayoko?" Ngumisi ako ng nakaloloko. Nakuha ko ang libro niya nang nakita kong naiwan niya ito sa lawn garden. Then, I leave a note kung saan niya makikita at nakakuha ng book niya.
Nagkatitigan kami at naramdaman kong nawala ang mga ngisi sa labi ko.
"Please?"
"Ayoko."
And then, she sighed.
Nilagay ko na sa bag ko ang book niya at tinalirukan ko na siya para umalis. Alam kong nakatingin siya sa akin. I looked back.
"Kung gusto mong makuha ang libro mo, edi magkita tayo dito." Sabi ko at inilapag ko sa kinatatayuan ko ang isang ticket.
"Bakit ka ba nag-iiwan lagi ng isang bagay. Para ano? Para sundan kita?" Napahinto akong muli sa sinabi niya.
"I'll see you there Amira." I said without even turning my back.
"Akala ko hindi ka na pupunta eh."
Sa almost thirty minutes kong paghihintay. Sa wakas, dumating din siya.
"Ibalik mo na 'yung libro ko." Mahinahon niyang sabi. Mukhang pagod na pagod siya.
BINABASA MO ANG
That Day
RomanceSi Marco Miranda. NGSB. Gwapo. Matalino. Isang landscape artist. Part-time Photographer. Independent. Maraming baliw sa kanya. But love is not his thing. Marahil dati ay maaari pa niyang masabi ngunit iba na ngayon. Pilit na niyang kinalimutan ang m...