VESTA
Malamig. May mga agiw at alikabok ang paligid. Madilim ngunit may kaunti pa ring liwanag na pumapasok dahil sa bilog na buwan na siya namang tumatagos mula sa mga sirang parte ng bubong.
Nasaan ba ako?
"Tulong!"
Naririnig ko na naman ang boses niya.
May narinig akong mga yapak ng paa na papalapit mula sa likuran ko. Ang pagdampi lang ng hangin ang tanging sumalubong sa paglingon ko. Narinig ko na naman ang paghingi ng saklolo ng isang tinig. Maya-maya, ang mga sigaw ay naging isang impit na tunog na lamang hanggang sa tuluyan na itong naglaho.
Lumapit ako sa pinanggagalingan ng maliliit na hikbi. Doon, nakita ko ang isang dalagita na nakahandusay sa malamig na sahig. Naka-duck tape ang bibig nito. Mamaya maya'y may lumapit na lalake at pumatong sa ibabaw niya. Dumapo ang kamay nito sa ilalim ng palda ng dalaga.
Kasunod noon ang pagdating ng ilang mga lalake.
"Nagawa ko na ang gusto mo? Masaya ka na ba?" Galit ang nakikita ko sa mata at tong ng pananalita niya.
"HAHAHAHA" nakatatakot ng mga halakhak.
"HAHAHAHA" may inilabas itong baril.
"HAHAHAHA"
Mga nakabibinging halakhak at pagkatapos ay alingawngaw mula sa putok ng isang baril...
Napapitlag ako sa kinauupuan ko. Ang sarili kong repleksyon ang una kong nakita sa harap ng salamin. Nakatulog pala ako. And I had the same bad dream. Ba't lagi kong napapanaginipan ang mga iyon? Kasunod na nalaglag ang mga pawis sa aking pisngi. Napahawak ako sa aking noo, kung saan naroon ang isang tahi na ngayon'y isang peklat na lamang. Sabi ni mom nakuha ko daw ang peklat na iyon ng malaglag ako sa puno dahil pilit kong kinukuha ang pusa kong si Chomsky. The reason why I have this five stiches scar in my forehead.
"Bitawan mo 'ko!?"
Si mommy 'yon ah. Agad akong pumunta sa kabilang room. Nandun si Federico hawak niya ang braso ni mom.
"Anong nangyayari dito?"
Nang humarap si Federico nakita kong may maliit na hiwa at dumudugo ang pisngi nito.
"Mommy. Stop it!?" Nilapitan ko si mom at kinuha ang maliit na kutsilyo sa kamay niya. Natulala siya sandali at umiyak na naman. I hugged her. Pinatawag ni Federico 'yung personal nurse para painumin na si mommy ng medicine. Nakatulog na siya afterwards.
"Your mommy is really ill." Nakabalik na pala si Federico dito sa kwarto. Nagamot na rin ang sugat niya sa pisngi.
"It's your own fault." Sabi ko.
"Kasalanan nating lahat Vesta." Sagot naman niya at umupo sa kabilang side ng bed.
Hindi na ako umimik. Tinignan ko nalang siya habang nakatitig siya kay mommy. Ayoko nang makipagtalo sa lalakeng ito.
"Hindi ka naman ganiyan dati Martha..." naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Oo. Kilala niya si mommy. Gulat at galit ang nakita ko noon sa mata ni mommy nang malaman niyang si Federico ang kumidnap sa amin. Puro mura at sari-saring bagay ang narinig kong lumabas sa bibig ni mom. She cried. Until hindi na namin siya nakausap ng maayos. Depression. 'Yon ang case ni mommy ayon sa isang psychiatrist na tumitingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Day
RomanceSi Marco Miranda. NGSB. Gwapo. Matalino. Isang landscape artist. Part-time Photographer. Independent. Maraming baliw sa kanya. But love is not his thing. Marahil dati ay maaari pa niyang masabi ngunit iba na ngayon. Pilit na niyang kinalimutan ang m...