Napapahagod sa kanyang batok ang binata habang hinaharap ang mga papers na dapat nyang pag aralan.
At age 27 he's a successful business man and a land developer.
Ilang condominiums at resort din ang pag aari nya.
Marami ring project na hawak ang company nila tulad na lang ng Carmella homes at Royal Crown homes.Bruno managed his company very well without the help of his father.
Abala rin kasi ang kanyang ama sa pamamalakad ng isang malaking hospital sa ibang bansa kasama ang mommy nya na nakasuporta sa ama.
Malapit siya sa kanyang Uncle na big brother ng kanyang ina.
Graduate na ng collage si Rochelle pero until now ayon tambay pa rin siya at member ng PAL...as in palamunin pero wag ka hindi naman siya inoobliga ng magulang na magtrabaho.Spoiled siya ng kanyang magulang kahit na nga Hindi sila mayaman.
Lahat naman ng kailangan nya pinipilit ibigay ng kanyang mapagmahal na magulang.
Siya lang kasi ang precious child ng mga Escubido.Ang kanyang ina ay isang hamak na mananahi lang at ang kanyang tatay Roger ay isang emplyedo ng isang pabrika sa lugar nila.
Abala sa pagdutdot sa kanyang smart phone ang dalaga.
Halos maghapon na siyang nakatutok sa internet.
Simula ng mauso ang internet at smart phone ay hindi nya tinantanan ang amang hindi siya mabilhan ng gadgets na USO sa panahon ngayon.
Pati ang pagpapakabit ng WiFi ay hindi nakaligtas.Wala namang angal ang mga ito dahil sila na rin ang nag spoiled sa kaisa isang anak.
Hanggat kaya nilang ibigay ay ibibigay nila."Oh my goddddd!!!!tili nya
Damn....shit!! inis na maktol nya ng matalo sa COC."Badtrip naman o!"angal nya
Simula ng maglaro siya nito at naadik siya,sumali pa siya sa clan para sa grupong adik din sa larong COC.
Saan ka pa siya na si Rochelle Escubido ang babaeng graduate ng BSED major in English at SPC pero ito dakilang tambay na spoiled pa,sarap ng buhay.
Ni ang maghugas ng plato Hindi na inasahan ng magulang ang maglaba pa kaya?
Minsan kasing naglaba siya dahil may sakit ang kanyang loving mother ginawa nya ang ipaglaba ito.Mangiyak ngiyak siya sa dadalawa pa lang piraso ang nalalabhan nya ay kanda iyak siya sa hapdi ng magkasugat sugat ang kanyang mga kamay.
Kaya hindi na rin siya inaasahan ng ina sa paglalaba.Kung sa paghahanap naman kasi ng trabaho ni ang mag applay bilang teacher o kahit man lang tutor ay inayawan na nya kesyo naisip nyang bored lang kung magtuturo at sakit ng ulo sa makukulit na studyante ang aabutin nya.
Nais nyang sa Manila maghanap ng work kaya lang ayaw siyang payagan ng tatay nya dahil wala sila ni isang kamag anak o kakilala.
Baka mapahamak lang daw siya,lalo na daw at maraming naglipanang lulong sa droga ngayon.Minsan na rin siyang nag aplay sa lugar nila madalas nga tinatanggihan siya dahil bata pa daw siya.
Madalas siyang pagkamalang high school."Grabe naman sila porke ganito lang height ko."
Naibaba nya ang kanyang phone ng malakas na tili ang marinig nya na papasok sa kanilang bakuran.
Boses pa lang nito kilalang kilala na nya.
Makabasag eardrum ang kaibigan nya at dating kaklase sa High school.
Dalawang kanto lang ang layo ng bahay nito mula sa kanila."Ano ba Jesselle jusko tumalsik ata ang tutuli ko sa tili mo.
Ano ba yon at napasugod ka?"tanong ni Rochelle sa hinihingal na kaibigan."Friendship I have a good news for you."excited na sabi nito.
"And what is that hmm...??"ani Rochelle.
"Taray umienglish pero sige na nga pero libre mo ko mamaya ha."hirit nito.
"Libre agad agad di mo pa nga sinasabi yong good news na yan,kung nanalo ako sa lotto sige ba libre kita ng cheese burger."sakay ni Rochelle.
"Grabe siya o,lotto agad eh hindi ka nga tumataya paano ka mananalo."ani Jesselle
"Eh gagah andami mo pa kasing pakalye serye straight to the point agad.Paexcite ka eh ano ba yon?"
"Ang good news ay may trabaho ka na friendship."
"Trabaho?how come?di naman ako nag aplay ah?"ani Rochelle na may pagtataka.
"Sa pinapasukan kong Hardware,naalala mo minsang nakalimutan mo yong mga requirements mong naiwan sa bahay a months ago pa,pinakialaman ko ipinasa ko kay Boss Sugo.
Tayming girl na nagresign si Katherine na dating cashier kaya tinanggap ka."paliwanag ni Jesselle."You mean kahit di ako personal na nag apply tinanggap agad ako ng boss mong mukhang bisugo?este boss Sugo mo pala."ani Rochelle
"Not bad kesa tambay ka lang dito,magbanat ka rin ng buto noh!ayaw mo nun magkasama tayo sa work.
Isa pa hindi ka na mapapagkamalang high school na nag cutting class lang.
Alam mo namang type ka ni Boss Sugo.""Lakas din makasira ng araw yang boss sugo mo bagay na bagay sa mukha nyang Bisugo.
Pero okay na rin bawi naman sa paghired nya sa kin,not bad pwede ng pag tiyagaan.
Alam mo namang ideal ko mag work sa Manila o kaya model kaya?"ani Chelle"ASA ka pa,kakaCOC mo nagkalamat na ata brain mo."pang asar ng kaibigan
"Grabe to itakwil kaya kitang kaibigan,maganda naman ako,makinis kahit morena."
Tumayo ito at naglakad na Parang model sa harap ng kaibigan."Oo na maganda ka na,makinis kutis na pang artista kulay na ma Alma Morena pero ang height friendship pang Antonette Taus lang maganda pero cute."
"Dami mong alam!sige na tatanggapin ko na yong job na yon kahit na sa hardware lang.Kailan ba magsisimula?"
"Maka lang to,hardware nga lang pero okay na yon may sasahurin ka kesa mag adik ka sa COC na yan.
Balita ko nga ipapaputol na ng tatay mo yong WiFi nyo dahil dalawang buwan ng di nababayaran goodbye COC ka ngayon."anang kaibigan.Mahina kasi ang kita ng nanay nya nitong nakaraan.
Ang tatay naman nya hindi ganun kalaki and sahod sa pabrika.
Kaya naman natutuwa siya sa hatid na balita ni Jesselle.
Mas lamang nga lang na mas gusto nyang sa Manila magtrabaho kahit na pahirapan mag apply dahil sa height nya Hindi naman siya unano.Nasa 5"0 ang taas nya.
Madalas lang talaga siyang pagkamalang high school kahit na nga 22 na siya.--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
The Bratinela's Prince
RomanceRochelle Escobido is a 22 year old but most of the time madalas pinagkakamalang high school student. She's spoiled dahil siya lang naman ang one and only child ng kaniyang parents. Even though they are not rich like her Ninong Sam, her parents will...