"Nah nah nah nah
Ohh
Nah nah nah nah
Naniniwala na ako sa forever
Magmula ng makilala kaEh kaya nga di ako sumurender
Anoman sinasabi nila.Pagkat sayo natagpuan ang pinagkait sa akin at sayo naramdaman ang di mo akalaing ipaglalaban ohh........
Nah nah nah nah
Wala na kong paki basta bahala na
Nah nah nah nah
Alam ko lang kasi minamahal kitaKahit pa sabihin na itinadhana"
Nagulat pa siya ng mailapag ang kanyang phone ng tumunog ang music.
Siguro napindot nya ang music bago nailapag sa counter ang phone.
Hinayaan na lang nya ito at tumuloy sa inuukupang kwarto ni Bruno.Kung Hindi nga ba siya ang luckiest woman on earth,akalain mo yon?
Naalala nya nung may nag "tatao po"sa bahay nila.
Hindi makapaniwalang napanganga siya ng makita itong nakatayo sa harap ng bahay nila.Ang Prince Charming nyang matagal ng inaasam asam na makitang muli heto abot kamay na nya.
Hindi nya akalaing pamangkin pala ito ng Ninong nya.
Kung hindi ka nga naman suswertihin ito ang pansamantalang aampon sa kanya dahil may world tour ang Ninong nya.
Grand vacation at celebration ng mag asawa sa 25years ng happily married ng mga ito.Kung di pa siya sinita at nasabihan ng kanyang ina na "tumutulo na ang laway nya"hindi pa siya matatauhan.
Ang ama nya na ang nagpapasok sa binata dahil nga nakatunganga lang siya.
Nailing na lang siya ng maalala yon.Nakaawang ang pinto ng kwarto ng binata,naka ilang ulit na nyang tinawag ito pero walang tugon mula rito kaya naisipan nyang pumasok na.
Nagkalat sa sahig ang mga hinubad nitong damit.
Kaya pala hindi siya marinig nito nasa banyo ang binata at mukhang naliligo.Naiinip siya kaya naisipang iligpit ang mga damit na nagkalat.
"Ano ba yan gwapo nga, nagkalat naman ang mga hinubad."ani Rochelle na pinulot ang polo shirt at pants nito.
Muntikan pa nyang maapakan ang nagkalat na brief nito.
Napangiti siya ng pulutin ang bench na brief.Inilapit nya ito sa ilong inamoy na parang bagong laba lang.
"hmm..."
Saktong kalalabas lang ni Bruno na nakatapis lang ng bath towel.
Tumutulo pa ang basang buhok na nilapitan siya."What---what are you doing?"
Walang kangiti ngiting tanong ng binata.Biglang nyang nailayo sa mukha ang hawak na brief nito at pasimpleng itinago ang kamay sa likod.
"A--ano nagliligpit ng mga kalat mo."ani Rochelle na namula sa hiya ang mukha.
"You don't need to do that!"ani Bruno na kinuha sa kamay nya ang mga damit,pati na ang brief na hawak nya sa likod.
"Buking na kita wag mo na itago."bulong ni Bruno.
Napahiya siya pero siya si Rochelle Escobido para pumayag ng ganun lang!Its a big NO.
BINABASA MO ANG
The Bratinela's Prince
RomanceRochelle Escobido is a 22 year old but most of the time madalas pinagkakamalang high school student. She's spoiled dahil siya lang naman ang one and only child ng kaniyang parents. Even though they are not rich like her Ninong Sam, her parents will...