Chapter 2

3.4K 96 8
                                    

Mag two months ng nagtrabaho si Rochelle sa hardware ni Boss Sugo.
May kalakihan din yong hardware at nasa 20 katao silang trabahador.
Karamihan ay kalalakihan at dalawa silang babae ni Jesselle.
Siya ang nasa cashier at ito naman ang tumatayong secretary ng Boss nila.

Halos karamihan ng kabinataan at nagpapalipad hangin sa dalaga.
Kahit na nga ang iba ay may sabit na o asawa at dumidiskarte sa kanya na madalas nya lang barahin ang mga ito.
Break time at wala naman gaanong customer kaya nagagawa nilang magkwentuhan ni Jesselle ng lapitan ni Dong.
Inabutan siya nito ng cheese cake at chilled bottled ng c2 with matching one pieces of gumamela pa.
Pigil nya ang matawa gumamela na nga lang tinipid pa.
Hindi nya sana tatanggapin ang binibigay nito kaya lang nagsusumamo ang mga mata nitong nakatingin sa kanya kaya tinanggap na rin nya.Isa pa nakakailang beses na nyang tinanggihan ito.
Ang gumamela ay inilagay nya sa taynga ng kaibigan.
"Dong thank you ha pero sana di ka na nag abala pa."anito na inayos nya ang pagkakalagay ng gumamela sa buhok ng kaibigan.

"Pero itong gumamela hayaan mo ng sa friendship ko ibigay hindi mo lang alam na favorite nya yan."ani Rochelle at tinakpan ang bibig ng kaibigan ng umastang aangal ito.

"Ay bongga bagay sayo friendship kamukha mo na si marimar!"ani Rochelle.
Sa lahat ng tauhan ng hardware na nangahas na manligaw sa kanya si Dong lang ang may itsura sa lahat,yun nga lang isa itong taga timpla ng simento na ginagawang hallow blacks.Mabait naman ang binata kaya lang hindi nya type,hindi ito papasang prince charming nya.

The Bratinela's PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon