Halos hindi niya alam ang gagawin sa dalaga.Hindi pa rin siya kinakausap nito at iniiwasan siya.
Nakiusap si Rochelle sa kaniyang mga magulang na wag muna siyang ipakasal sa binata.
"Pa please pag bigyan niyo naman ako kahit ngayon lang,hindi pa po ako handang mag pakasal.Wag niyo naman madaliin aayusin ko naman itong gulong binigay ko sa inyo please."pakiusap ng dalaga sa kaniyang ama.
"Nagpabuntis ka tapos sasabihin mo sa amin na hindi ka pa handa?Anong kalukuhan ito Rochelle?"galit na turan ng ama.
Napayuko ang dalaga hindi niya kasi pwedeng sabihin sa mga ito na ayaw niyang pakasal sa binata ng hindi naman siya mahal nito.Masakit para sa kaniya na pakakasalan lang siya nito dahil sa batang dinadala niya.
Kung magpapakasal man siya dito iyong mahal siya nito at hindi napipilitan lang.Ayaw naman niyang kasal na sila saka nito isusumbat kung bakit siya pinakasalan nito.Iyon lang naman ang ayaw niyang mangyari kung pipilitin niya ang sarili na mag pakasal sa binata.
Masasakit na salita ang ilan pang binitiwan ng kaniyang ama.Ngayon lang siya nito pinagsalitaan ng hindi maganda pero kailangan niyang tanggapin dahil alam naman niyang kapakanan lang niya ang iniisip ng kaniyang magulang.
Ilang pakiusap din ang ginawa niya para pagbigyan siya ng mga ito.Kalaunan ay naintindihan din siya ng kaniyang ina at ito na ang nakiusap sa kaniyang ama na pag bigyan siya at unawain na lamang.
Nalaman ni Bruno na cancel na ang kasal nila ng dalaga.Nalaman niya rin na ang dalaga ang nakiusap sa mga magulang nito.Nagalit at nalungkot siya pero wala siyang magagawa kung ito talaga ang gusto ng dalaga.
May ilang linggo na ang lumipas ng mag pasya ang binata sa condo unit na muna siya mamalagi para maiwasan ng dalaga ang ma stress sa kaniya.Naisip niyang hayaan na muna ang dalaga,iniisip niya rin ang kalagayan ng dalaga.Siguro nga hindi naman talaga siya mahal nito baka nga simpleng pag hanga lang ang nararamdaman nito sa kaniya dati kaya ngayon biglang nagbago ang pag tingin nito sa kaniya.Marahil nga ay ibang lalaki na ang mahal nito.Tiim bagang at kuyom ang kamao niya.Umiinom siya ng alak sa terrace ng condo unit niya.
"Oi girl iba ka rin ha,inggit much aketch ang gaganda ng flowers na pinapadala sa iyo ng secret admirer mo ha."anang katrabaho ni Rochelle isang linggo na siyang nakakatanggap ng mga bulaklak.Wala naman nakalagay kung kanino galing iniisip na nga lang na kay Iago ito galing.At isang linggo na rin wala ito dahil naka undercover ang binata sa bagong mission nito.
Hindi naman niya magawang iuwi ang mga bulaklak na natatanggap baka makita ni Bruno at magalit lang sa kaniya.Matamlay siya habang nagtatrabaho.Namimiss na niya ito pati na paghahatid sundo nito sa kaniya.Kumuha na kasi ito ng driver na siyang taga hatid at sundo niya.
Hindi niya rin ito nakikita kaya naman namimiss niya ito.Hindi niya rin ito makontak napupuyat siya sa pag hihintay sa pag uwi nito na kadalas nga ay sa sofa na siya nakakatulog.Nung isang gabi hatinggabi na wala pa rin ang binata hanggang makatulog na siya sa sofa pero wala ni ang anino nito.Ilang gabi na siyang nagpupuyat para hintayin ito.Minsan pinupuntahan niya rin ito sa opisina ng binata sadyang hindi niya naman ito naaabutan.
"Manang Eduarda umuwi na ho ba si Bruno?"tanong niya sa matandang mayordoma.
"Hindi pa,naku ikaw na bata ka wag mo nga intindihin ang isang iyon.Ang alalahanin mo iyang sarili mo at iyang dinadala mo.Naku Rochelle pati pagkain napapabayaan mo.Alalahanin mo iyang baby niyo baka kung mapaano ka."sermon nito sa dalaga.
Lagi na lang siyang nasesermonan nito na hindi naman niya pinakikinggan.
Pababa na siya ng hagdan upang pumasok sa kaniyang trabaho ng salubingin nito."Rochelle ikaw na bata ka kumain ka muna ng almusal bago ka pumasok sa opisina mo nang may laman iyang sikmura mo."anito.
"Manang Eduarda sa opisina na lang ho ako kakain wala pa po akong ganang kumain."tugon niya rito.
"Ay naku wag matigas ang ulo hija kumain ka pilitin mo para din sa baby mo iyan halika ka at pinaghanda kita ng breakfast."anito.
"Manang Eduarda sa canteen na po ako kakain nagmamadali rin po kasi ako.Alam niyo naman na matrapik ngayon nakakahiya naman sa boss at mga kasamahan ko sa work kung makikita nilang late na naman ako."katwiran niya.
"Naku ikaw Rochelle ha,hindi maganda iyang ginagawa mo pag ito nalaman ni Bruno ewan ko na lang."
"Sus wala nga ho siyang pakialam sa 'kin concern niya lang iyong anak niya."napaismid siya.
"Hija pwede ba namang walang pakialam sa iyo iyon?syempre ina ka ng magiging anak niya.Baka busy lang masyado iyong batang iyon kaya madalang umuwi dito."
"Naku Manang Eduarda wag niyo na pong ipagtanggol ang magaling niyong alaga."ani Rochelle ng makababa na sa huling baitang ng hagdan.Napahawak siya sa puson ng makaramdam ng kirot.
"Haru dios miyo panginoon!nanlaki ang mata nito sa takot ng makitang may dugong umagos sa hita ng dalaga.Naka mini skirt lang kasi ito na uniform pang opisina.
"Rochelle dinudugo ka!"anito na biglang nasalo ang dalaga ng mawalang ng malay.
Natatarantang nagsisigaw ito para tawagin ang isa pang kasambahay at ang driver na kinuha ng binata para dito.
Humahangos namang lumapit ito at binuhat ang dalaga patungo sa sasakyan na nakasunod si Manang Eduarda.Habang nasasakyan sila nanginginig ang kamay na tinawagan niya ang binata sa isang private number nito.Nanginginig din ang boses dahil sa takot at kaba.Napamura na lang ang binata ng maibulsa ang cellphone ng marinig ang balita.Paalis pa lang siya ng tumawag si Manang Eduarda sa kaniya.Hindi nag aksaya ng panahon na pinuntahan niya ang Hospital na pinagdalhan sa dalaga.
Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ng mga oras na iyo halu-halong pakiramdam.Kaba at takot ang namamahay sa kaniya habang tinatahak ang Hospital.For the first time in his life ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong pakiramdam na hindi niya maipaliwanag,kaba at takot na may pagkainis dahil gusto niyang sisihin ang sarili ng mga sandaling iyon.Naipanalangin niyang walang mangyari sa mag ina niya.Kinakabahan na tinungo niya ang room number na itinext sa kaniya ni Manang Eduarda.
Sinalubong naman siya nito ng makita siya at sinamahang pumasok sa private room na kiunha nito para sa dalaga.Agad na nilapitan niya ang natutulog na dalaga.Hinawakan niya ang kamay nito saka hinalikan sa labi ang natutulog na dalaga.He really missed her.Kailan niya lang nalaman na ilang beses na itong nagtungo sa opsina niya sa malas hindi siya naabutan dahil marami siyang inaasikaso lalo na ang kasal nilang dalawa ng dalaga.Wala itong kaalam alam na inaasikaso niya pati ang kasal nila wala siyang pakialam kung ilang beses itong tumangging pakasalan siya.
BINABASA MO ANG
The Bratinela's Prince
RomanceRochelle Escobido is a 22 year old but most of the time madalas pinagkakamalang high school student. She's spoiled dahil siya lang naman ang one and only child ng kaniyang parents. Even though they are not rich like her Ninong Sam, her parents will...