Napag alaman ni Rochelle na may condo unit si Nick sa V tower.
Hindi naman niya alam ang phone number ni Marianel para isuli ang damit na pinahiram ng ina nito.
Naisipan nyang puntahan na lang si Nick sa unit nito.Pero sa malas niya hindi naman pala naglalagi ang binata sa condo unit nito.
House keeper na nakatoka sa unit nito ang naabutan niya kaya dito na lang nya ibinilin ang damit na isusuli.
Total naman ina naman ng gf ni Nick si Tita Marinel.Saka siya nagtuloy sa opisina ni Bruno.
Hindi alam ng binata na pupuntahan niya ito.
Wala sa pwesto nito ang secretary ni Bruno kaya naman tuloy tuloy siyang pumasok sa private office ng binata para lang mapasinghap sa naabutan.Nakikipaghalikan ito sa malanding secretary nito.
Ang malanding 'yon nakakandong pa sa binata.
Tinabig niya ang tasang nakapatong sa mesang katabi niya.
Nagkapirapiraso ito sa sahig na ikinatigil ng dalawa.Nagmamadaling lumabas si Rochelle.
Naiinis siya bakit ganun ang nararamdaman nya.
Nasasaktan siya sa nakita,she hate Bruno for kissing that higad na secretary nito.
Bruno is mine!!He is my Prince Charming na hindi pwedeng pati sa ibang babae ay e share niya."W--wait Rochelle...pigil nito ang braso niya ng maabutan ang dalaga.
"Bitiwan mo nga ako!!asar na asik nya dito.Feelingerang selosang girlfriend lang ang peg nya.
"Where you going? Tanong nito na di siya binibitawan.
"Take your hands off!!Saan pa ba di uuwi na."
Hindi siya binitiwan ni Bruno hanggang sa makarating sa parking area."Hindi ako sasabay sayo,bumalik ka na nga sa malandi mong secretary.
Ituloy niyo ang pakikipaglaplapan sa kaniya."sigaw niya dito.Tinawanan lang siya ng binata.
"No,ihahatid kita. Paano ka nakarating sa office?tanong nito."Of course sumakay ng taxi ano pa sa akala mo?Hindi ako bata para maligaw sa kung saan."angil nya.
"Hey relax masyadong mainit ang ulo mo meron ka ba at ang sungit mo."ani Bruno na pinagmasdan si Rochelle.
Lalo pang nainis si Rochelle sa binata gusto niyang toktukan ito at sabihang nagseselos siya.
Hindi na nya kinibo ito dahil naiinis lang siya.
Nagtext siya kay Ate Jha..."Ate Jha sabi niyo po wala siyang gf?b8 nkikipghalikan xa s malandi nyang sxretary?"
Mayamaya lang nag replay naman ito.
"Wla nga..pro mrmi xa ka flirt."reply nito.
"Hindi pa ako uuwi,ibaba mo na lang ako dyan sa mall."anang dalaga na nakasimangot.
Ipinarada naman ni Bruno sa parking lot ang sasakyan ng mall na nadaanan nila.
Dahil mas malaking tao ang binata nakaagapay naman ito sa nauna ng dalaga.
"What are you doing?"baling ni Rochelle kay Bruno na napahinto,muntikan ng sumobsob ang mukha nya sa malapad nitong dibdib.
"I'm going with you."he said with smile in his handsome face.
"No,you can't! Go home or else you can go to hell with your malanding secretary."ani Rochelle na tinawanan ni Bruno.
Ang cute nitong magselos.Alam niyang may gusto ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Bratinela's Prince
RomanceRochelle Escobido is a 22 year old but most of the time madalas pinagkakamalang high school student. She's spoiled dahil siya lang naman ang one and only child ng kaniyang parents. Even though they are not rich like her Ninong Sam, her parents will...