Dinner
Well, that magical moment felt like years ago when in fact it was only two days ago.
Nandito na naman ako sa library ngayon para sa aming lunch break at kasama ko si Jade, Lily at Myrra at sobrang nai-istress kaming lahat.
Tiningnan ko ang katabi kong si Jade na nag stretch ng kamay at sinapo ang ulo, ang raming papel sa kanyang harapan. Sa harap ko naman ay nakasimangot si Lily habang pinipindot ang kanyang scientific calculator, habang si Myrra naman ay kalmado lang habang nagsusulat ng essay ngunit bakas sa kanyang mukha ang iritasyon.
And me? I'm thinking about Miguel.
Pagkatapos niyang umalis ng bahay nang gabing iyon ay hindi ko na mapigilang sumigaw at nagpagulong-gulong sa aking higaan. He said I love you! To me! Grabe ang saya ko! Sumayaw sayaw pa nga ako ngunit sinita ako ng kapatid kong si Julia with her judgy look.
I'm still thinking about what he said even though that was two days ago. It's all I could ever think about.
"Huy!" Kinalabit ako ni Jade.
"Ano?" Binalingan ko naman siya at nakita ko ang namamaga niyang mata. Umiyak ba to? Siguro puyat lang. Ang busy busy kasi ng babaeng ito. Busy naman rin ako pero si Jade parang inako na lahat ng trabaho sa mundo.
"Ngiti ngiti ka diyan? Para kang tanga!" Pinitik niya naman ang ulo at hinawakan ko iyon. Iniripan ko na lang siya. Di mo lang alam Jade.
"Nasan nga pala sila Amanda at Rose?" Tanong ni Lily at tuluyan niya ng binababa ang kanyang scientific calculator at nagpakawala ng isang mahinang hininga. Sinukuan niya na siguro yung assignment sa Trigo. Kinuha ko naman yun at tiningnan.
"Oo nga, natapos na ba nila yung activity at essay na ipinapagawa ni Ms. Cayaco?" Nag angat ng tingin si Myrra at nagtanong.
"Di ko alam basta't ang alam ko magkasama sila at hinahanap nila si Ms. Aranya. May ipapasa ata si Amanda. Si Rose feeling ko nag bo-boy hunting na naman yun," sagot ni Jade at nagsimulang magsulat.
"Ano na naman yan?" Tiningnan ko kung ano yung sinusulat niya.
"Article para sa school paper. Shems sobrang stress na ako, next week na nga yung speech festival sumasabay pa ito. Pwede pa naman to sa first week of December eh. Aaayusin ko pa yung backdrop mamaya dahil ang dami pang kulang pagkatapos hahabol pa ako sa debate practice ko mamaya. Pagkatapos manonood pa ako ng -" Napatigil naman siya at tumikhim.
"Manonood ka pa ng?" Itinaas ko ang isa kong kilay at tiningnan siya naghihintay ng kanyang isasagot. Pati si Myrra at Lily naging interesado na rin at tiningnan din siya.
"Ah eh manonood pa ako ng Reign! Yung TV series! Ngayon kasi yung labas nung episode 16," Ibinaba niya ang kanyang tingin sa papel at bumalik ulit sa pagsusulat.
I sensed that she is hiding something. Alam ko yun dahil hindi lang ikaw ang may itinatago Jade. Ako rin.
I guess we all have our secrets huh?
Since natapos ko na naman yung activity, essays, at assignment sa trigo at nawala na din ang interes ko sa pagsagot ng questionnaires para sa pinaghahandaan kong Division Math Challenge na gaganapin Lunes, next week. Tinulungan ko na lang si Lily sa assignment namin sa Trigo.
"Uy ako rin, pa compare if tama ba ang answers ko," Wika ni Myrra.
"Ako rin ha?" Dagdag ni Jade.
Habang tinutulungan ko si Lily sa assignment namin sa Trigo napansin kong wala na sa akin ang atensyon niya at naka angat na ang kanyang mga mata at tinitingnan ang kung sino o ano man sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Stuck
RomanceJwyneth Ryza Alejandre had it all. Family, friends, talents, skills and of course fame. She is happy. At least she pretends to be.