Chapter 9

38 4 2
                                    


Answer me please

Binuksan ko na ang malaking wooden door namin. Bracing myself for what I'm about to face and still wondering how am I gonna deal with her. Ilang months ko na din siyang hindi nakikita. 

"Good evening po, Lola." Nagmano naman ako sa kanya. I tried my best to smile at her and I just hope that my smile looked real enough to hide the torturous pain I'm feeling inside. 

Alam ko naman na ginawa ko ang tama, pero ang hirap pala talaga. Ang sakit. 

I think I succeeded though dahil inirapan niya lang ako at pumasok ng tuloy tuloy sa bahay. She sat at our brown sofa and crossed her legs.

Why is she here? At gabing gabi na ha? Oh well Madam Amore Alejandre is really full of surprises. 

Tonight she was not wearing her usual style. The style that screams that I am a very important person and you all should treat me right, but still she was wearing an old rose slacks with its matching sleeveless top, rose prints were embroidered on it. Her dyed hair is neatly tuck under her ears and I've noticed that she cut her hair shorter. 

Over-all, it still screams that you should treat her seriously.

And I know better to really treat her right and seriously, because who else knows better than the person who has witnessed and experienced her wrath for not doing so? 

"Jwyneth, asan ang anak ko at ang asawa niya? Nasaan din si Julia?" Tanong niya habang mapanuring nagmamasid sa loob ng bahay. Sa tingin ko ay naghahanap na naman siya ng bagay na mapupuna. 

She calls me Jwyneth and it really makes me feel so uneasy. Ayaw kong tinatawag niya akong Jwyneth, only my Lolo calls me that. The only person who always listened to me and believed in me , but he's gone. 

If only I could turn back time. 

"Ah Lola, nasa isang dinner party pa po kasi sila. Birthday po ng anak ng family friend namin," Sagot ko sa kanya. Agad ko namang pinaandar ang electric fan sa sala ng mapuna kong pinapaypayan niya na ang sarili niya.

Binigyan niya ako ng isang tingin na wariy nagsasabing salamat naman at nakaintindi ka sa wakas.

"Family friend ba kamo? O kaibigan lang ni Josephine? Kung saan saan niya talaga dinadala ang anak ko dinamay pa si Julia. Aba't gabi na! Dapat ay nasa bahay na!" Iniling niya ang ulo niya pahiwatig na sobrang nadidismaya na naman siya.

I know it's no use but at the very least I should try.

"Hindi po La, family friend po talaga namin. Pauwi na din po yata sila," Mahinahon kong sagot sa kanya kahit alam ko namang hindi niya ako paniniwalaan.

"Wag mo na ngang pagtakpan ang nanay mo, hihintayin ko si Vincent hanggang sa makauwi siya dito. Bakit di ka nga ba sumama?" 

"Ah galing po ako doon La, nauna lang po akong umuwi dahil po may ipinasa akong project," Umupo na ako ngayon sa harapan niya habang pinapasadahan ng aking mga kamay ang sofa sa tabi ko. It has a felt-like feeling. Probably the only thing that calms me right now. 

I looked at her and waited for her response but now that she's looking at what seems to be like her planner, para bang nakalimutan niya na nasa harapan niya ang apo niya.

"Ah La, kumain na po ba kayo?" Tinanong ko na siya, mamaya baka maisumbat niya naman ito sa mga magulang ko.

"Bakit marunong ka na bang magluto?" Tinanong niya ako at tinaasan ng kilay.

Finally! A topic that interests both of us! 

Noong bata pa ako I have shards of my memories of Lola Amore letting me help her in the kitchen. Hindi ko alam kung naalala niya pa ba yun dahil ng lumaki ako wala na akong ibang natanggap sa kanya kundi ang mga tingin at galaw niyang nagsasabing kinamumuhian niya na ako. 

StuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon