Chapter 2

70 2 7
                                    


Study

Naging mabagal ang takbo ng hapon. May dalawang surprise quiz kami sa chemistry na na perfect ko naman ang isa at yung isa ay one mistake ako. Dismissal time na ngayon ngunit nasa classroom pa din kami.

"Bruha!" Hinila ni Rose ang buhok ko. Sadistang to!

"Perfect ka na naman at one mistake pa! Ang hirap kaya nun! Oxidation! Buti na lang nakapasa pa ako," sabi ni Rose.

"Gayahin mo kasi siya Rose, nagsusunog ng kilay," sabat ni Amanda.

"Literal na nagsusunog kilay," Blankong sabi ni Myrra.

Hinawakan ko naman ang dalawa kong kilay. Oo manipis ito pero di naman talagang manipis na halos wala na tulad ng kay Mona Lisa. I have brown hair. Maganda ito pag nasisinagan ng araw dahil mas nadedepina ang kulay nito. Kaya rin light din ang kulay ng mga buhok ko sa kilay. 

But my thin eyebrows add character to my structured face. Parang naging trademark ko na ito. Bagay naman sa akin ang nipis na kilay eh. Magmumukha yata akong bakla pag makapal ang kilay ko. I'm contented with how I look. I have pointed nose, donated by my father and my beautiful hair from my mom. I thank God for their genes.

"HAHAHAHAHA!" Oa namang nagtatawanan si Lily at Jade sa tabi ko. Nagsasapakan pa.

"Anong nakakatawa?" Tanong ko. 

"Itong Tom Sawyer memes nakita mo na ba? HAHAHAHAHAHA GRABE!" Halos di na makahinga si Jade sa kakatawa.

"Oo, pero diba corny yun?" Tanong ko.

"Hayaan mo na nga yan sila," sabi ni Amanda. Na ngayoy nilabas na ang kanyang beauty kit. Nilabas niya ang kanyang salamin at nagsimulang maglagay ng lip tint. 

Tinapik ko naman si Myrra.

"Nagawa mo na ba yung reports? Hinihingi na kasi ni Binibini," Tanong ko.

"Oo! Grabe siya. Takte siya, malapit pa akong mamatay dahil diyan. Bwiset!" Sabi ni Myrra ngunit di pa rin nag-iiba ang ekspresyon ng kanyang mukha.

That's whats amusing about Myrra. Kahit gaano na ka grabe ang nangyari sa kanya, di pa rin yata yan magpapakita ng emosyon. Kahit siguro holdapin na siya, titingnan ka lang niyan at kalmadong ibibigay ang wallet at kung anumang meron siya.

Last 3 days lang yata, nabundol si Myrra ng motor sa kakahanap ng Internet Cafe para ma i print yung last minutes namin. Pini-pressure na kasi kami ni Binibini yung club moderator namin. We loathe her. KJ! Kailangan ganito at ganyan at pag di namin nasunod grabe na ang putak ng kanyang bibig. Emosyonal pa naman siya.

"Girls diba bawal ang make-up? Diba no using of gadgets?"

Nataranta kami ng nakita namin sa may bandang pintuan na nakahilig ang isang demonyo ay este yung adviser namin.

Biglang tinapon ni Rose papasok sa kanyang bag ang kanyang cellphone at nabuhos naman ang lip tint ni Amanda sa taranta.

"Wala munang uuwi. Bakit ang dumi ng classrom niyo? Mamaya wag kayong mag reklamo kung mababa ang character grade niyo, isang tingin pa lang sa sahig niyo wala na babagsak na ang grado niyo. Ano ba naman yan! Tomorrow dapat malinis na yan!" At umalis na siya.

"WOW! Ngayon ko lang ata siya nakita?" Sabi ni Daryl, yung kaklase ko.

"FUCK! I hate her! Screw that pig!" Pagmumura ni Rose.

"My body shop lip tint! Siya ang pababayarin ko nito ngayon! Makakarating to kay Mommy!" Inis na inis na ngayon si Amanda habang pinupunasan at inililigpit ang natapong Lip tint. 

StuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon