Starry Starry Night
Sa sobra ko sigurong pag-iisip para sa dinner mamaya, di ko na namalayan na hindi ko pala nasagutan yung number 9 sa worksheet na ibinigay sa amin. Ayan tuloy, one mistake ako pero kahit ganun naman ako pa rin ang highest sa aming klase.
Nainis ako kaunti sa sarili ko dahil sobra akong na bo-bother sa dinner at sa pagpapakilala sa akin ni Miguel kay Aya mamaya, di na ako makapag-concentrate at makapag-isip ng maayos. Last period na kasi namin itong Biology kaya hindi na ako makapaghintay pa. Na e-excite ako at kinakabahan.
"One mistake ka?" Nilapitan ako ni John, ang second honor namin. Parati kaming naghahabulan sa rankings, but in the end the smartest one prevails at ako yun.
"Oo, bakit? Ano ngayon?" Nainis ako sa kanya dahil obvious na obvious na ngang one mistake ako dahil isinigaw ang scores kanina sa recording eh tinatanong pa ako.
"Anong mali mo?" What the? Hindi ba ako tatantanan nito? Ganito ba talaga siya ka competitive?
"Di ko nasagutan yung number 9," Irap ko sa kanya. I hoped he noticed the irritation in my face dahil wala ako sa mood ngayon na kausapin siya.
"Ano? Hmm number 9?" Napahawak siya sa kanyang baba at tiningnan ang kanyang papel.
"The tendency of the body to seek and maintain a condition of balance or equilibrium within its internal environment, even when faced with external changes. Homeostasis ang sagot niyan Ryza! Bakit di mo alam? Ang dali kaya niyan ilang beses na yang inulit ni Ms. Cayaca," Malalim niyang sabi.
Aba't talagang sinusubukan mo ako John? Nainis talaga ako dahil masyado siyang pabida. Oo, sige siya na ang nakatama diyan.
Sa totoo lang, hindi naman sa hindi ko alam ang sagot doon. Alam na alam ko kaya. Talagang lumilipad lang talaga ang isipan ko patungo kay Miguel kaya naman na distract ako at nakaligtaan kong sagutan yun. Number 9 pa naman, jersey number niya pa talaga.
Nilapitan siya ni Myrra at tiningnan ang papel niya at tumaas naman ang kilay nito.
"O! Mali ka pala sa number 1? deoxyribonucleic acid dahil wrong spelling? Ang dali dali kaya niyan. Wow! Ikaw na matalino," Sarkastikong sabi ni Myrra na hindi man lang masyadong nagbabago ang ekspresyon sa kanyang mukha.
Napahiya naman si John at nagkamot na lang ng ulo at tuluyan ng tumigil sa pang-iinis sa akin.
I mouthed thank you to Myrra at tinaasan niya lang ako ng balikat.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang last period. 4:45 pm na at dismissal na namin. Nagpaalam kaming lahat kay Ms. Cayaca at ng makalabas siya nagkagulo na sa classroom.
Nagsisigawan ang grupo nila Jene, Nicole, Isabelle at Lia dahil nga kailangan na daw nilang magbayaran ng utang. Napailing na lang ako sa kanilang grupo. Ang iingay talaga nila.
"Ryza, ballpen mo oh. Thank you!" Tinapik ako ni Mitzi para isauli ang ballpen na hiniram niya sa akin kanina. I smiled at her at nagmamadaling ipinasok ang ballpen sa bag ko.
Mabilis din akong nagligpit ng gamit upang makapag-paayos na kay Lily. Nakiusap ako sa kanya kanina na kung pwede bang i side braid niya ang buhok ko. Magaling kasi siya sa pag-aayos ng buhok pati make-up. Pumayag naman siya. Tinawag ko siya at umupo na ako sa isang arm-chair sa gilid at nagsimula na siyang mag braid.
"Za! Yung basura di mo ba itatapon?" Nilingon ko si Jade na dala dala na yung non-biodegradable na trash can. Magtatapon na siguro ito ng basura. Oo nga pala, kailangan ko ding magtapon ngunit nakapagsimula na si Lily sa pag-aayos ng buhok ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/71552530-288-k870478.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuck
RomanceJwyneth Ryza Alejandre had it all. Family, friends, talents, skills and of course fame. She is happy. At least she pretends to be.