Hi guys! Eto po ang first time ko to write here in wattpad and first time din to make a fantasy themed story, kaya please comment po kayo ah? :)
Dedicated nga po pala ito sa mga naggagandahang babae(charot lang) na best buddies ever! Majane, Kristel, Korina and Yen-yen para senyo to!!!! XD
************************************************************************************************************Chapter I
"Hmm... Good morning baby..."
"Mau... gising na tanghali na..."
"Hmmm.... last five minutes 'Ma please..."
"Maurielle! Bumangon ka na jan! Kanina pa yang five minutes na yan hindi ka naman bumabangon!"
"Aray ko! 'Ma naman... bakit naman may kasama pang kurot?" ika ko habang marahang hinihimas ang hita ko na kinurot ni Mama ng napakadiin.
"Para gumising ka na! Hala bangon na jan! Kaninang kanina ka pa ginigising ng anak mo pero puro ka five minutes ni hindi ka naman bumabangon. Kumilos ka na jan, nakahain na ang almusal" sagot ni Mama habang naglalakad palabas ng kwarto ko.
"Baby sabihin mo nga 'Yes Wowa bababa na po kami ni Mommy kong maganda!' Kiss mo nga ako Baby!" lambing ko habang hinihimas-himas ang ulo ng munting nilalang sa tabi ko.
"Hmmmm ang bait talaga ng Baby Girl ko!" nasambit ko ng halikan niya ako sa pisngi, "Love mo ba ang Mommy ha?"
"Aw!"
"Oh! I love you too Honey" sabi ko habang yakap yakap siya.
"Maurielle Ysabelle Sylmeros! Bumaba na kayo dito ni Princess bago ko kayo parehong iadobo!" sigaw ni Mama mula sa kusina
"Hala! Hala! Baba na tayo Baby galit na ang Wowa!"
Nagmamadali kaming bumaba ni Princess para mag-almussal, kapag kasi ganitong tinawag na ako ni Mama sa buo kong pangalan siguradong lagot na ako kung hindi pa ako lalapit. Ako nga pala si Maurielle Ysabelle Sylmeros,17 years old, nag-iisang anak ng mag-asawang Laura at Arnulfo Sylmeros. Mahilig akong mag-alaga ng mga hayop lalo na ng mga aso. Minsan nga namumulot pa ako ng mga stray and abandoned puppies sa daan para irescue at alagaan.
"Come here Baby Princess, here's your food! Kain ka na anak ha?"
Siya si Princess, ang aking unica hija. She is a crossed breed of an Alaskan Malamute and a Siberian Husky. Nagtataka ka siguro kung bakit 'Baby' ang tawag ko sa kanya? Well, it is because she is more than a dog nor a pet to me. She is my daughter,my best friend, my shoulder-to-cry-on. Weired man ako para sa iba pero mahal na mahal ko siya tulad ng pagmamahal ng isang ina sa isang anak. Siya ang kasama ko kapag masaya ako, siya ang nakapagpapangiti sa akin kapag pakiramdam ko wala akong halaga para sa iba, siya ang kasama ko noong mga panahong...
"Anak tama na ang himas sa ulo ng apo ko baka maubos na ang balahibo niya niyan eh... saka anak tama na ang pag-iisip ng kung bagay na nakalipas na. Kumain ka na may klase ka pa."
Ahh tama si Mama... hindi ko na dapat iyon iniisip. Dapat sa mga ganung bagay binubura na sa isip o ibinabaon na ng husto sa limot. The best talaga si Mama. Kahit minsan hindi nya ako pinabayaan kaya naman sinimulan na namin ang pagkain ng almusal.
"Ma nanaginip na naman ako ng kakaiba.."
"Ano bang panaginip mo?"
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomanceOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.