Chapter XI
MAURIELLE'S POV
Kakabalik lang namin ng mga kaibigan ko dito sa campus buhat sa Lagoon pero nakakapagtaka ang paligid. Kanina kasi bago kami umalis napakaaliwalas ng paligid samantalang ngayon parang may delubyo! Napakadilim ng langit at napakalakas ng kulog at kidlat!
"Hala bakit ganto kadilim?! May bagyo ba ngayon?" tanong ko habang nakatitig sa madilim na langit
"Pumikit ka kasi para malaman mo" seryosong sagot sa'kin ni Angge habang nakatulala sa langit
Sinunod ko ang sinabi nya, kanina nya pa kasi ako tinuturuan ng tungkol sa pagkontrol ko sa kapangyarihan ko at medyo natuto naman ako kaya sumunod ako sa kanya. Nung pumikit ako, nagulat ako sa nakita ko!
"Hala 'Day ano yon?! Bakit may kulay puting kristal na nababalutan ng kulay itim na usok?!"
"Nagagalit ang tagapangalaga ng puso ng hangin at kalangitan" seryosong sagot ni Angge na nakatanaw na ngayon sa malayo
"T-tagapangalaga? P-pero hindi ba patay na si Aira?"
"Ibig sabihin yung kumuha ng kapangyarihan nya, iniingatan nya ang puso ng hangin, hindi pa sya umaabuso o gumagawa ng masasama gamit yun"
"Sino naman sya?"
"Basta..." yun lang ang sinabi nya pagkatapos parang hapung hapo syang naglakad palayo at hindi kami hinintay
"Ano nangyari dun?" tanong ko sa mga kaibigan ko
"Siguro dahil nasasaktan parin sya sa pagkawala ng mahal nyang dyosa..." malungkot na sagot sa akin ni Korina
Hindi na ako nakakibo nung sabihin nya yun. Siguro nga tama sya kasi mahirap naman talagang mag move-on kapag nawala sayo ang taong mahal mo o yung mahalaga sayo...
"Mau una na kami ha? Hindi kami makakasabay sayo pauwi tatapusin pa kasi namin yung thesis sa Filipino" paalam ni Kristel, magkakakgrupo kasi sila eh, malas ko lang napunta ako sa ibang grupo
"Sige ok lang uwi nalang ako"
"Ingat ka ha?" sabi nila saka lumakad papuntang library ako naman nagsimula ng maglakad pauwi
Noong naglalakad ako naisip ko bigla yung kinikilos ni Angge, ang lungkot lungkot nya kasi, hindi ako sanay na ganun sya. Sya kasi yung tipong matapang, mataray, matatag, palangiti, masayahin at pinakahuling taong aasahan mong makikita mong malungkot pero kanina bigla nalang syang naging sobrang tamlay... Siguro dahil isa syang diwata kaya halos magulang na nya si Aira kaya sya ganun kalungkot... Napakalalim ng iniisip ko nung mga oras na yun kaya talagang nagulat ako nung makita ko yung taong naglalakad sa unahan ko ---
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomanceOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.