Chapter IX

36 0 0
                                    

The Phoenix of Ice 

CHAPTER IX

FRANCIS' POV

'Eto na... ibebenta ko na talaga ang kaluluwa este talambuhay ko sa kanya!' naibulong ko sa sarili ko

"Oh ano na panget? Anong oras mo balak magsimulang magkwento? Pag nakakita na tayo dito ng puting ipis?"

"gusto mo magpalabas ako?"

"tse! magkwento ka na kasi! pabitin ka pa eh!"

"haayy ano ba kasing gusto mong malaman?"

"all... lahat ng tungkol sayo... ang tagal na nating magkakilala pero wala ako halos alam ng mga tungkol sayo..."

"well I am the god of the earth... ako ang nangangalaga sa puso ng lupa at kagubatan..."

"I already know that! sino ba kasi si Aira? Isa sa mga chikababes mo?"

"No... She's more than that..." eto na talaga, siguro nga panahon na para malaman nya, "Si Aira sya ang goddess of the sky and wind... Sya ang nangangalaga sa puso ng hangin... Sya ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa buong buhay ko---"

"mas maganda sakin?" putol nya

"oo naman noh! wag kang feelingera!" tatawa tawa kong sagot at nakita kong napanguso sya, "hahaha biro lang! maganda ka rin naman eh! magkasing ganda kayo! ang kaibahan lang mas girly sya syo saka mas maputi, morena ka kasi eh"

"eh bakit ka nalulungkot kapag nababanggit sya?"

"kasi... sya ang tanging babaeng minahal ko... ang tanging tao or should I say nilalang na pinakaginusto kong ingatan ng higit pa sa buhay ko pero wala akong nagawa para mailigtas sya..."

"I-im sorry..."

"It was supposed to be the night that I will be proposing to her... I thought that that night would be just for us... I thought that night would be the most beautiful night ever!" tumawa ako ng pagak habang nakatingin sa kanya

Nahiga ako sa damuhan saka ako tumitig sa maaliwalas na langit... malapit na rin palang dumilim pero meron na agad isang star na kumikinang... haaaayyy...

"ang lalim lalim naman ng hinga mo..." sabi nya habang humihiga sa tabi ko

"naaalala ko kasi si Aira, Mau... ganito rin ang panahon noong araw na yon...dito rin sa ilalim ng punong to... nagset-up ako dito ng table for two, yun bang dinner in the candle light... ok na sana ang lahat noon ng may bigla nalang lumitaw na lalaki sa harap namin, kulay itim lahat ng suot nya tapos may hood yon na halos tumakip na sa buong mukha nya... hindi ko nakita ang mukha nya pero hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya..."

"b-bakit?"

"may hawak syang punyal... sa harap ko ibinato nya mismo yon sa puso ni Aira yung punyal na yon... sa harap ko... kinuha nya ang puso ng hangin... sa harap ko mismo... kinuha nya ang buhay ng babaeng mahal ko.. at wala man lang akong nagawa..."

Hindi ko mapigilang maramdaman ulit ang sakit habang inaalala ko ang nangyari sa amin ni Aira... Ang dami ko kasing panghihinayang para sa amin... ang daming pangarap na kahit na ano pa ang gawin ko hinding hindi na matutupad kasi wala na sya... Naramdaman ko ang namumuo ang luha sa mga mata ko kaya bago pa man ako maiyak ipinikit ko na ang mga mata ko... 

----------------------------------------------------------------------------------------------------- 

MAURIELLE'S POV

Ngayon ko naintindihan kung bakit ayaw na ni Francis na nababanggit ang pangalan ni Aira... nasasaktan pa rin pala sya... Naguiguilty tuloy ako, kasalanan ko kasi kung bakit sya nalungkot bigla, tulad nalang ngayon, nakapikit lang sya pero ramdam ko ang lungkot nya...

"Frans..."

"hmmm?

"d-do you still love her?"

Lumingon ako sa kanya habang iniintay ko ang sagot nya, nakatingala sya at nakatitig sa maaliwalas na langit, pero ang mga mata nya... blangko sa kahit anong emosyon...

"sa totoo lang... hindi ko alam..."

"bakit naman?"

"ewan ko ba Mau... naguguluhan na rin ako sa nararamdaman ko..."

"ha? bakit? pakiramdam mo bading ka na?" subok kong biro sa kanya

"tss hindi noh!"

"eh ano nga kasi?"

"hmmm... basta!" sabi nya saka ipinikit ulit ang mga mata

Matagal-tagal din kaming naging tahimik kaya akala ko tulog na sya... nagulat nalang ako ng may makita akong luha na tumulo sa gilid ng mata nya. Hinawaka, n ko ang kamay nya, akala ko kasi nananaginip sya, napapitlag ako ng higpitan nya ang pagkakahawak ang kamay ko saka nagsalita

"Please... dont let me go..."

Ako naman ang natameme sa sinabi nya pero hindi ko na rin sinubukang bitiwan ang kamay nya

"Baby... what's the real score between you and him?"

"who?"

"T-that-- that Eidderf..." sabi nya na nakatitig sa mga mata ko

"Hmmmm... I dont know..." sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya, "ang alam ko lang magaan ang loob ko sa kanya... maybe I-I l-like him.."

Naging tahimik ulit ang lahat sa pagitan namin, nakatingin na sya ulit sa langit at ganon din naman ako...

"Frans... tingin mo magugustuhan nya ako?"

"surely" walang gana nyang sagot

"Kuya... tulungan mo naman ako oh..."

"about what?" sagot nya na hindi parin tumitingin man lang sakin

"help me to look like a woman and to be good in playing any sports"

"ok"

"talaga?! YES!" tuwang tuwa kong sabi

"Let's go home. Gabi na rin baka nag aalala na sa'yo sina Tito at Tita"

Pagkasabi noon ay dere-deretso syang tumayo at naunang lumakad pauwi ng bahay namin habang naiwan naman akong nakatanga sa kanya at naguguluhan kung bakit nya nalang ako basta iniwang mag-isa.

-----------------> to be continued <--------------------

The Phoenix of Ice [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon