Chapter V

61 0 2
                                    

Chapter V

"Oh good morning din Ms. Sylmeros!" sabi nya sakin na nakahalf-smile habang nakatingin naman sakin lahat ng mga kaklase ko, putik nakakainis!, "By the way I am Mr. Anthonie Francis Amparo, feel free to ask any questions to me."

Hindi ko maiwasang matulala sa mga nangyayari, so eto pala yung surprise nya?! Napakadaya! Hanggang dito makakasama ko tong mokong na to tapos hindi ko man lang sya magagantihan kapag nang iinis sya kasi prof ko sya!

"huy natulala ka na jan?" untag sakin ni Korina

"sino ba sya? bakit ganun reaksyon mo nung makita mo sya?" tanong naman ni Kristel

"Ex mo ba? o manliligaw palang?" sabad ni RJ

"baliw ang tanda naman na nyan kung jojowain nya yan noh!" si Angge naman to na nakasimangot na naman

"eh basta ang alam ko ang gwapo nya talaga" sabi naman ni Jane na titig na titig kay Francis at mukang kilig na kilig pa

"manahimik ka nga Jane! para kang walang boyfriend ahh!" inis na bulong ko sa kanya

"tss gwapo naman kasi talaga!"

"So mukhang may tanong ang girls sa may likod ah!" napapitlag pa kaming anim ng biglang nagsalita si Francis, "go on and ask anything that you want girls!"

Sabay sabay na nagturuan ang mga bruha kong kaibigan habang nakatingin lang si Angge sa kanila. Gulat na gulat ang lahat ng bigla nalang syang tumayo

"Sir ilang taon na po kayo? saka magkaano-ano po kayo ni Maurielle?" derederetso nyang tanong at ni walang kaimo-emosyon

"I am 21 years old Ms.----?"

" Mariano po Sir."

" So again I am 21 years old Ms. Mariano and Ms. Sylmeros like my little sister, parents nya kasi ang nagpaaral sa akin"

Mukhang kuntento na naman si Angge sa sagot na yon ni Francis kaya umupo na sya. Akala ko naman ok na sa kanila ang nalaman nila pero mali ako kasi si Korina naman ang biglang tumayo!

"Sir may girlfriend ka na daw po ba?" tatawa tawang tanong nya habang nakatingin kay Jane, napahagalpak naman ng tawa ang buong klase dahil doon

"Hahaha medyo personal na yan ah pero sige sasagutin ko na rin, I'm single" nakangiti at nakatingin sa akin si Francis ng sagutin yon kaya naman iisa ang naging reaksyon ng lahat dahil don

"aaayyyyyiiiiieeeee!!!!" sabay sabay nilang tudyo sakin habang sinusundot naman ang tagiliran ko ng magagaling kong mga kaibigan!

"Ok guys tama na yan let us just discuss my rules as your instructor." Yun lang ang sinabi nya at naging seryoso na ulit ang lahat

Sa totoo lang sa dinami dami ng sinabi ng bago naming instructor ni isa wala akong natandaan. Lumipipad ang isip ko sa kung anu-anong mga bagay at higit sa lahat naiinis ako kasi ni hindi nya man lang sinabi sakin na magtuturo pala sya dito. Nagulat nalang ako ng marinig kong nagtatalo na ang mga babae sa tabi ko

"Siomai Rice nalang kasi!" si RJ yon

"Hindi naman masarap yung Siomai nila dito eh! saka lagi nalang yun kinakain natin!" reklamo ni Korina

"Eh yon mura lang eh! bente lang yun! saka hello 1 hour lang vacant natin noh!"

"Bahala kayo jan diet ako magpafudgie bar nalang ako" sabi naman ni Jane, " tara Mercin Honey Bar na din kainin natin" si Kristel ang tinutukoy nya

The Phoenix of Ice [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon