Chapter II
LAURA'S POV
"Tita! Tita! Tita pakibukas po ang pinto! Please emergency po ito!" narinig kong sigaw ni Francis kaya naman nagmamadali akong lumabas mula sa kusina
"Dyos ko anong nangyari Kiko? Anong nangyari sa anak ko?" gulat na gulat talaga ako ng makita kong karga nya ang walang malay kong anak
"Ipapaliwanag ko po mamaya Tita dadalin ko po muna si Mau sa kwarto nya, kailangan nyang magpahinga."
Dinala namin sa kwarto nya ang anak ko, noon ko napansin ang ibinigay kong bracelet sa kanya noong isinilang ko sya, istilong bracelet iyon pero may kulay gintong chain na nagdudugtong hanggang sa singsing nya sa gitnang darili, kumikinang ngayon ang dalawang perlas na ang isa'y nasa singsing nya at ang isa naman ay nasa bracelet pero mas malakas ang ningning ng pulang perlas ng kanyang singsing...
"Tita si Mau--" mahinang sambit ni Francis
"Unti unti ng nagigising ang kapangyarihan nya," putol ko sa sasabihin nya,"alagaan mo sya Francis.. hindi pa nya kayang alagaan ang sarili nya"
"Pero hindi ko po alam kung paano..."
"Kausapin natin ang Tito mo."
Yun lang ang sinabi ko at pumunta na kami sa study room kung saan nandoon ang asawa ko. Pagpasok pa lang namin sa pinto ay mataman na titig nya sa akin, alam kong alam na nya ang nangyari sa aming anak, siguradong narinig na nya ang lahat kay Princess.
"Arnulfo... ang anak natin..."
"Hindi na ba kayang pigilin pa ng mga perlas?" bakas ko ang pag-aalala sa pananalita nya
"Hindi na po siguro Tito. Nakita ko kanina kung paanong nagliyab yung mga dahon na hawak nya noong nainis sya sa akin, mabuti nalang at kami lang ni Princess ang nakakita sa kanya..." agaw naman ni Francis
"Mage-eighteen na ang anak natin Arnulfo. Eighteen din tayo noong lumabas ng husto ang kapangyarihan natin.."
"Pero iba ang mundo natin noon Laura, hindi pa tayo mortal noon... sa ibang mundo natin pinalaki ang anak natin, dito sa mundo ng mga tao. Sigurado akong hindi maiintindihan ng anak mo kung ipapaliwanag natin sa kanya kung ano ba talaga sya..."
"Hindi pa kayo mortal noon?" sabad ni Francis na kitang kita ang pagtataka sa mga mata, "Bakit? Nakuha na ba niya ang mga kapangyarihan ninyo?"
"Hindi" maikling sagot ng asawa ko
"Nasa amin parin ang mga kapangyarihan namin Francis," sagot ko, "pero ang puso ng elemento ng apoy at yelo nasa singsing at bracelet ni Maurielle... ginawa namin yong mga perlas..."
"Pero bakit Tita? Alam nyo naman na kapag nawala sa isang Guardian ang puso ng elementong hawak nya magiging mortal na sya?"
"Kinailangan namin yong gawin para maitago nya ang kapangyarihan nya sa mga tao, gusto naming mamuhay ng normal si Mau..."
"P-pero paano kayo? Paano kung makita kayo ni... ni... ng nilalang na yon?! Paano kapag napatay nya kayo? Masisira ang balanse ng mundo!"
"Francis anak, ang magulang kakayaning isakripisyo ang lahat para sa ikabubuti ng kanilang anak kahit na ang maging kapalit pa nito ang kanilang buhay. Katulad ng ginawa ng iyong Papa noon..."
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomanceOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.