Chapter XV

34 0 0
                                    

The Phoenix of Ice 

Chapter XV

EIDDERF'S POV

"ganda! *sundot pisngi* huy magandang prinsesa gising na *sundot pisngi* Mau gising na andito na tayo! *sundot pisngi*"

Halos ilang inches lang ang layo ng mukha ko sa kanya kaya naman kitang kita ko kung gaano kaamo at kakinis ang babaeng 'to... payapa lang syang nakapikit, muka talaga syang nahihimbing na anghel at napakabango ng hininga nya!

"hmmm.. mamaya na ikaw umalis Papa Bear... yakap lang..." sabi nya saka tulog parin na yumakap sakin ng mahigpit, nag-i-sleep talk pala sya!

"hey gising na andito na tayo!" sabi ko saka ako kumalas sa yakap nya ayoko namang magsamantala ng tulog noh! Ahh alam ko na pano to gigisingin!

"MAURIELLE ISABELLE SYLMEROS GISING NA KADIRI KA TUMUTULO LAWAY MO!!!" pagalit kong bulong saka ko pinunasan yung baba kahit wala naman talaga syang TL (A/N: TL - Tulo Laway! bow!) at in fairness ang bilis magising parang nasabugan ng bomba sa tenga saka nagtakip ng bibig nya! hahaha

"wahahaha yun pala pampagising mo! wahaha tae ka pinahirapan mo pa ko! hahaha" hawak hawak ko pa yung tyan ko habang humahagalpak pano naman kasi mukha talaga syang sira! hahaha

"nakakainis ka! akala ko kadiri na talaga ko!" nagmamaktol syang lumabas ng kotse habang ako naggugumulong parin sa kakatawa! ang cute nya kasi eh! hahaha

"hahaha! sira ka joke lang yun para gumising ka na ang mantika mo kasi matulog eh! napasabog na ang buong earth tulog ka parin!" dakdak ko habang ibinababa ang mga gamit namin, sya naman ayun tulala!

"Hey baka gusto mong magsalita? naengkanto ka na ba jan?" kalabit ko sa kanya nakanganga kasi eh

"Eiddert... ang ganda dito grabe... para akong nasa lag--- para akong nasa fairy tale!"

"nagustuhan mo ba dito?"

"oo naman noh! napakaganda!"

"buti naman, sulit yung byahe natin dito! wait lang ha? aayusin ko lang yung mga gamit natin tapos kakain na tayo"

Tinalikuran ko na sya, mag-e-explore din siguro sya sa paligid alam ko namang adventurous sya eh! Saka marami akong kailangang ihanda, ihanda para malaman kung ano nga ba sya at kung ano ang dapat kong gawin para sa akin at sa kanya! 

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MAURIELLE'S POV

Grabe ang ganda dito sa pinagdalhan sakin ni Eidderf! Hong speechless ko lang! Nandito kami sa gitna ng gubat at parang ang magical ng buong paligid! Meron ditong napakalinaw na lake na para bang umiilaw yung tubig tas dumederetso yun sa isang falls na ganun din, napakalinaw at parang umiilaw tapos yung reflection nun nag-e-effect hanggang sa mga puno kaya naman parang umiilaw yung mga yun! (A/N: tignan nyo nalang po yung pics sa side sensya na mahina talaga ako sa description eh hehe)

"Eidderf ok lang ba kung pupunta ako duon sa may ilog?"

"Lake yan hindi ilog noh! sige punta ka na sunod ako sayo maya maya ayusin ko lang tong gamit natin para makakain na tayo"

"Ok!' sabi ko tas mabilis akong lumusong sa tubig

"Brrrrrrrrrrrrr! ang lamig pala dito!"

Kahit na sobrang lamig ng tubig nagswim parin ako, ang ganda kasi eh! Naisipan kong lumubog sa tubig pero ipinikit ko ang mga mata ko, nakakatakot kaya baka mamaya katulad to ng sa swimiing pool na nakakahilam eh!

[Maurielle... Maurielle...]

huh? may bumubulong! teka ako si Maurielle ah?! nakalubog ako at may tumatawag saking babae eh wala naman kaming kasamang babae? Iaangat ko sana ang ulo ko pero nagsalita sya ulit

[W-wag kang aahon! Gusto kitang makita! kausapin mo naman ako!]

"Sino ka ba?" alam kong hindi ko ibinubuka ang bibig ko pero nakakausap ko sya!

[Ako ay ikaw... ako ang Phoenix...]

"anong ikaw ako? anong phoenix? hindi kita maintindihan!"

[P-pwede ba akong magpakita?] sa tanong nyang yun nararamdaman kong hindi lang ako ang kinakabahan, lalo na sya pero gusto ko talaga syang makita eh!]

"Si-sige..."

Dahan dahan nakita kong may lumalapit sa akin na isang babae na halos katulad ko ang pangangatawan pero nakasuot ng bestidang nagliliyab sa kulay asul na apoy, nakakwintas na kristal pero mas mukha yung gawa sa yelo at ang pinakanakakagulat sa lahat, meron syang mga pakpak na parang gawa sa apoy pero may mga kumikinang na mga kristal at nakasuot sya ng napakagandang korona na gawa sa yelo... at ng mapatitig ako sa mga mata nya ---

"Ma-magkamuha tayo!'

[sinabi ko na sayong ikaw at ako ay iisa... ito ang tunay mong anyo... kapag hindi ka nagpapanggap na mortal...]

"tu-tunay na anyo?"

[Oo... ikaw ang Phoenix... ikaw lang ang maykakayahang mapangalagaan ang lahat ng mga elemento at lumaban sa kamatayan... ikaw ang pinakamakapangyarihan sa lahat...]

"hindi ko yun kaya..."

[kaya mo yun... pumanatag ka... ngayon babalik sa puso mo ang apoy at tubig...]

pagkasabi nya noon nakita kong unti unti na syang naglalaho... hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero nakakaramdam ako ng nagsasalitang haplos ng kung anong malamig at mainit na bagay sa puso ko... kahit hindi ko maintindihan ang nangyayari dahan dahan akong umahon... at duon ko nakitang nawala na ang kinang ng tubig... naging pangkaraniwan nalang itong lawa na may napakalinaw na tubig...

"ewan! baka gutom lang ako kaya kung anu-ano pumapasok sa utak ko!" at umahon ako para hanapin si Eidderf, kakain nalang kami para mawala ang kahibangan ko!

The Phoenix of Ice [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon