The Phoenix of Ice
Chapter VI
'sabi na nga ba't magugulat silang lahat eh!' nakangiti kong naibulong sa sarili ko habang nakatingin sa grupo nila Maurielle
"Oh so magkakilala na pala kayo ni Ms. Sylmeros hijo?" tanong sakin ni Mr. Arellano
"Yes sir, we are friends and neighbors at the same time"
"Ohh... So introduce yourself to the class!"
"Ok sir! A very pleasant afternoon to each of us, I am Eidderf Villareal, 19 years old and a veterinary practitioner. My desire to spread the advocasy to be a animal lover drove me to this course so guys I am very happy to meet each of you"
Habang nagsasalita ako sa harap hindi ko maiwasang mapatingin sa kinauupuan ni Mau, hindi ko kasi malamang dahilan eh nakanguso sya at nakakunot ang nuo. Para syang galit na hindi mawari... ang masama noon baka sakin pa nagalit. Habang nasa klase kami lagi nalang akong napapasulyap sa kanya, ang ganda nya pala talaga kahit side view!
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MAURIELLE'S POV
"Ang gwapo nya talaga noh?"
"Oo nga eh ang ganda ng mata nya!"
"Tapos yung lips nya ang sexy parang ang sarap halikan!"
"Haaayyy kapag talaga sya ang nanligaw sakin di ko na sya papakawalan pipikutin ko na!"
Bwisit talaga tong mga kaklase kong to ang lalandi! At sabay sabay pang nagtatawanan ang mga hitad! Sa limang oras tuloy na klase namin buong panahon akong badtrip! Tapos ngayong uwian mukhang wala pa kong makakasabay umuwi nauna na kasi sila Korina, magpupunta pa daw kasi sila sa SM, ako badtrip ako kaya gusto ko ng umuwi!
"Mau! Maurielle!" sigaw ni Eidderf sakin habang naglalakad ako palabas ng campus
"Ano!"
"Sabay na tayong umuwi! Nakakotse naman ako eh"
"ayoko. maglalakad nalang ako malapit lang naman eh" sabi ko sabay talikod sa kanya
"Mau!" sigaw nya ulit
"ano ba!"
"You are beautiful when you are angry," sabi nya saka lumapit sa akin at hinagod ang nakakunot kong noo, "but you look lovelier when you are smiling"
Hindi ko maiwasang mapangiti sa sinabi nya, "wag mo nga akong binobola! Baka maniwala ako nyan!"
"ayan! sabi sayo mas maganda ka kapag nakangiti eh! sabay na tayong umuwi ha?"
"Oo na ang kulit mo eh!"
"Pero bayo yun magmall muna tayo!"
Habang nasa kotse nya kami hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya, ang ganda talaga ng mga mata nya, at oo nga ang sexy ng lips nya. Hindi ko tuloy maiwasang maimagine kung ilang babae na ang nahalikan nya at kung paano---
"Hey! Stop staring to me like that!"
Huli ako dun ah! Naramdaman kong nag iinit ang mga pisngi ko kaya naman yumuko nalang ako
"Uy nagbablush! hahaha wag ka na magtago halata naman eh! Crush mo ko noh?"
"Hoy hindi ah!"
"Uy aminin! Crush nya ko! hahaha!"
"Hindi nga sabi eh!"
"Ok na sige na hindi na kung hindi wag ka na magalit! Hahaha tara na nga andito na tayo kumain na muna tayo ha?"
Noong nag-usap kami noon marami akong nalaman tungkol sa kanya, ulila na pala sya at mga babaeng "mukhang babae" na magaling sa sports ang type nya! Napaaray ako dun bagsak kasi ako sa qualifications nya ng ideal girl nya! Naglibot pa kami sa mall tapos ibinili nya ko ng kung anu anong mga gamit at damit na puro naman pangbabae!
"Hindi naman ako mahilig sa accessories eh wag ka ng bumili nyan saka ang dami dami na nito oh" sabi ko sa kanya habang namimili sya ng bracelet
"Sige na hayaan mo na ako dito" sabi nya ng hindi tumitingin sakin
"wag na nga po, saka mero na naman akong bracelet oh" saka ko ipinakita sa kanya ang bracelet ko
Nakita kong nagulat sya ng makita ang bracelet ko pero nawala din yon agad at ngumiti na sya ulit pero tumingin naman ulit sa estante ng mga alahas.
"Hey! ang kulit mo ah! wag ka na nga bumili nyan!"
"Just let me do this..." sabi nya pagkatapos ay kumuha ng isang kwintas," here bagay ito sayo"
Pagkatapos ay pumunta sya sa likuran ko at isinuot sa akin ang kwintas, gulay napakalapit nya sakin! Habang nasa likod ko sya hindi ko maiwasang maramdaman ang hininga nya sa batok ko at amoy na amoy ko rin ang pabango nya. Hindi ko alam kung ano ang pabango nya pero hindi yon masyadong matapang at talaga namang... very manly...
"Yan! I told you bagay na bagay yan sayo!" nakangiting sabi nya
Noon ako napatingin sa kwintas na ibinigay nya. Napakaganda nga nito, isa yung silver na phoenix na nakatungtong sa isang kulay sky blue na bato
"Ang ganda nga" naibulong ko sa kanya
"I've told you" nakangiti sya sakin at naiilang ako dahil titig na titig sya sa mga mata ko
"Ang cute nyo naman po Sir bagay na bagay kayo ni Ma'am" nakangiting sabi samin ng saleslady at nagblush nanaman ako dahil don
"Hahaha wag ka ng mambola Ms., nakabili na kami! hahaha" tatawa tawang sabi sa kanya ni Eidderf at pagkatapos ay nagbayad na rin sya
Pagkatapos noon umuwi na rin kami, habang nasa byahe tuloy parin ang kwentuhan hindi ko tuloy napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
"We're here!" nakangiti nyang sabi sakin pagkatapos ay bumaba na rin kami ng kotse nya
"Salamat sa paghatid ah? Salamat din sa mga ito" sabi ko habang itinataas ang sandamukal na binili nya para sakin
"Wala yun basta ikaw"
"Oh pano? Papasok na ako ha?" at lumakad na kong papasok
"Mau!" tawag nya kaya huminto ako sa paglakad, nagulat nalang ako ng bigla nya akong halikan sa pisngi,"good night!" nagkangiti nyang sabi pagkatapos tumakbo na sya pabalik ng kotse nya
Habang naglalakad ako papasok ng bahay hindi ko mapigilang ngumiti. Grabe ang hirap palang pigilan ng ngiti kapag kinikilig! Tapos ang blush, ay putik ayaw maalis! Kumpleto na sana ang araw ko pero may naaninagan akong lalaki na nakaharang sa pintong dadaanan ko at sobrang madilim ang mukha.
'owkay mukhang alam ko na kung sino sya at mukang kailangan ko ng maghanda ng mahaba habang paliwanag' nasabi ko nalang pagkatapos ng isang malalim na buntong hininga.
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomansaOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.