Chapter IV

68 2 2
                                    

EIDDERF'S POV

Hindi ko alam kung anong meron at nakapababaw ng tulog ko buong gabi pero ang alam ko alas kwatro y media palang ngayon at gising na ako! Nagtimpla nalang ako ng kape para naman medyo mainitan ang tyan ko at makapag-isip-isip na rin ng konti. Habang humihigop ako ng mainit na kape, napalingon ako sa natutulog na si Ice, hindi ko tuloy maiwasang isipin ang babaeng kagabi lang ay may kalong sa kanya. Maganda talaga si Mau, hindi ko alam kung anong meron sa kanya pero iba ang pakiramdam ko kapag nakikita ko sya, para bang napakacalm ng pakiramdam ko. Hindi naman sya kasingganda ng mga babaeng dumaan sa buhay ko, sa katunayan karaniwan nga lang ang itsura nya kung tutuusin eh,pero ewan ko ba, para bang may kung anong meron sa kanya na sobrang unique sa lahat, at yon ang talagang nakakapagpaganda sa kanya.

"yeah she's one of a kind..." bulong ko habang hinihimas ang balahibo ni Ice

Sino nga kaya talaga si Maurielle, or should I say ano nga ba talaga sya? Hindi parin mawala sa isip ko ang misteryoso kong apoy. Gusto kong makuha ang apoy na yon. Kailangan kong makuha ang apoy na iyon. At sisiguraduhin kong sya mismo ang magbibigay noon sakin.

"Kuya... 6am na po..." sabi ni Chris

"Ahh sige! Salamat Chris! Lalabas muna ako ha, gusto mo bang sumama?"

"Hindi na po Kuya, dito nalang po ako..."

"Ikaw ang bahala... sige lalabas muna ako ha isasama ko tong si Ice ha?"

"Ingat po kayo Kuya"

Lumabas na kami ni Ice para pumunta na sa park. Ok lang kahit maaga pa at least hindi mag-iintay si Mau ng matagal. Mga ilang minuto palang kami doon dumating na din sila Maurielle kasama ang alaga nyang si Princess.

"Hey! Good morning! ang aga mo ah! kanina ka pa dito?" salubong nya sakin

"Ahm no, mga 5mins palang kami dito"

"Ahh kala ko kanina pa kayo eh" at sabay kaming napalingon sa mga alaga namin, inaamoy amoy kasi ni Princess si Ice at mukha silang David and Goliath, kaya naman binalingan nya ang alaga para pagbilinan, "Baby be a good girl ha? ang liit liit ni Ice kumpara sayo"

"So pano? Jog tayo?"

"Game!"

At nag-jogging kami sa buong subdivision, ng bumalik kami sa park hindi lang sina Ice at Princess ang lawit dila, pati na rin si Mau! Halatang napagod sya kasi basang basa sya ng pawis!

"Ok ka lang? Grabe pawis mo ah?" tanong ko sa kanya

"Ok lang ako noh! Ang tagal ko na kasing di tumatakbo eh kaya siguro ako mabilis mapagod" sagot nya sakin habang umuupo ako sa tabi nya, pare-pareho kami ngayong nakasalampak sa damuhan.

"Ano ang sports mo?"

"Nakow! wala! yan ang waterloo ko, ewan ko ba! kahit anong sports hindi ko matutunan! hahaha"

"Gusto mo turuan kita? kahit badminton muna!"

"Naku wag na! Mahihirapan ka lang na turuan ako kasi di din naman ako matututo! hahaha"

"Wanna bet?" hamon ko

"Sure! sa magkano oh?"

"kapag di ka natuto after a month bibigyan kita ng Chow-chow plus 2 sacks of Royal Canine Dog food"

The Phoenix of Ice [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon