The Phoenix of Ice
Chapter XIV
FRANCIS' POV
Nandito ako ngayon sa sanga ng punong mangga nila Mau, nagpapanggap na puting pusa. Ewan ko kung ano ang dahilan ko pero ayokong nakikita na kasama ng Baby ko ang lalaking yon! Iba ang pakiramdam ko sa kanya at alam kong iba ang gusto nya kay Mau kaya hinding hindi ko hahayaang mahulog sya sa Eidderf na yun!
Nung nakita kong naglalakad na sila papasok ng kotse ni Eidderf nagmamadali akong bumaba ng puno, kailangan kong bilisan hindi sila pwedeng mawala sa tingin ko! Pagbaba ko ng bumalik agad ako sa dati kong anyo at nagulat ako ng makita ko si Tita na nakatanaw din sa kanila na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha
"Tita!" yun lang ang nasabi ko nang makita ko ang sari-saring emosyon sa mga mata nya... puno yun ng takot, pag-aalala at pagmamahal sa anak nya...
"Francis nag-aalala ka din para sa anak ko hindi ba? Pwede bang sundan mo sila para sakin? Iba kasi ang kutob ko sa kaibigan nya eh... pakiramdam ko hindi lang sya basta ordinaryong tao..."
"Pareho tayo ng nararamdaman Tita. Saka kahit hindi nyo po sabihin iyon po talaga ang gagawin ko..."
"Sige na anak... sundan mo na sila..."
Pagkasabi nuon ni Tita dali dali kong kinuha ang big bike ko sa garahe ng bahay ko. Mabilis din akong nagbihis ng itim na leather pants at itim din na leather jacket, alam ko kasing kahit minsan hindi pa ako nakikita ni Mau na ganito ang itsura kaya alam kong hindi sya magtataka kahit sundan ko sila.
Mabilis kong pinasibad ang sasakyan ko para sundan sila. Hindi sila pwedeng mawala sa paningin ko at hindi rin sila pwedeng makahalata na sinusundan ko sila! Binuntutan ko lang sila hanggang makarating kami sa isang gubat, alam kong malaki na ang posibilidad na makita nila ako sa ganitong klaseng lugar kaya nagdesisyon akong gamitin ang kapangyarihan ko at mag-anyong agila.
Mas napuno ako ng kaba ng makita kong pumasok sa mas madilim na parte ng kagubatan ang kotseng sinasakyan nila kaya dali dali kong binabaan ang lipad ko para mas malapit na masundan ang sasakyan nila pero nabigo ako! Parang nababalot ng kung anong kapangyarihan ang gubat na yun at tuluyan akong bumagsak sa lupa! Sa pagbagsak ko bumalik nalang ako sa tunay kong anyo at itinago ulit ang kapangyarihan ko pero mas nagulat ako tumungin ako sa harap ko
"PUTIK! NALINTIKAN NA!" sigaw ko habang sinusubukang basagin ng kapangyarihan ko ang ilusyon ng pader at malakas na kapangyarihan na nakaharang ngayon sa harap ko pero p*nyeta ayaw talaga! Sa sobrang galit ko nasuntok ko ng napakalakas ang kinatatayuan ko at nayanig ang buong kalupaan!
"Sabi na nga ba't may kakaiba sa lalaking yun eh! Kailangan ko talaga tong gawan ng paraan!" at nagpalit ulit ako ng anyo, kung talagang kailangan kong gawin to makita lang sila gagawin ko! hahanapin ko sila sakit saang impyerno pa sila magpunta!
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MAURIELLE'S POV
Mag iisang oras na din kaming bumabyahe nitong si Eidderf pero hindi parin kami nakakarating sa kung saan man ang pupuntahan namin! at ang super awkward lang kasi kanina pa sya patingin tingin sakin pero di naman nagsasalita! Guuuulllllaaaayyyyy panis na laway ko~~~
"ay shete wag ka ngang tingin ng tingin sakin!!! mamaya mainlove ako sayo!!!" syempre sa utak ko lang yan! hiya ko lang kaya noh!
"Hey! Sobrang naiinip ka na ba? Himala kasi di ka madaldal ngayon?"
"Tss ikaw kaya di namamansin jan duh!" syempre pataray epek ako para may thrill hehehe
I heard him chukled then he stopped the car just to talk or rather stare to me!
"Dito na tayo?!" masigla kong nasabi saka ako lumigon lingon sa paligid, nandito pala kami sa may parang gubat magkacammping siguro kami! excited na kong tumayo sakit na kaya ng pwet ko noh antagal ko ng naupo!
"Hindi pa, mga 30 minutes pa" sabi nya habang nakatitig sakin
"ay! antagal pa!"
"you look so cute when you are pouting like that" ay potek ang muka ko hong init!
"and you look lovelier when you are blushing like that!" ay siomai siopao putopao! tulungan nyo po ako lahat ng dugo ko nasa mukha ko na!
"hahaha ang cute mo talaga Mau!"
"tse! manahimik ka baka maniwala ako!" sabi ko saka ko sya binelatan
"hahaha eh di maniwala ka! totoo naman kaya sinasabi ko! magan---"
"TINAPA NAMAN OH! SINABI NANG TUMAHIMIK KA EH SUSUNGALNGALIN KO NA YANG NGUSO MO ISANG ULIT MO PA!"
"pfffttt! bwahahaha! Eidderf joke lang oy! wahahahaha himatayin ka jan! wahahaha!" hindi ko mapigilang mapahalakhak pano naman kasi parang timang tong kasama ko takip takip ng dalawang kamay yung bibig nya tapos putlang putla! hahaha parang timang lang! hahaha
"hmp! tse! tara na nga!' sabi nya tapos pinaandar na din yung sasakyan, nagpatugtog din sya, patamay boredom malamang
*NP: ONE LESS LONELY GIRL*
"idol mo pala si Justin Bieber noh?"
"asa! hindi ahh! gusto ko lang yung message ng kanta kaya ko pinapakinggan"
"tss di pa kasi umamin na bading eh!"
"A-anong sabi mo?! sino kamo ang bading?!"
"ikaw kasi may crush ka kay Justin Bibe! wahahaha!"
"Hoy bawiin mo yun! hindi ako bading noh!" angal nya na pulang pula ang mukha
"weh? juding! hahaha"
"ahh talagang sinusubukan mo ko ha?! tignan natin kung sino ngayon ang bading!' hininto nya yung sasakyan tapos naramdaman kong dahan dahang lumalapit yung mukha nya sakin kaya nagsusumiksik naman ako sa upuan ko pero lalo syang lumalapit
"tss! whatever!" sabi ko saka ako sumiksik sa may bintana ng kotse nya tapos pinikit ko na ang mga mata ko... damhin ang simoy ng malamig na aircon...
"wahaha bading pala ahh!" sabi nya saka umayos ulit ng upo at pinaandar ang sasakyan, tinapa muntik na yun ah!
*************************************************************************************************************************
{A/N: Eto po muna! Please read, vote and comment po :)) salamuch!!!}
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomansOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.