The Phoenix of Ice
Chapter XVII
MAURIELLE's POV
'hindi pala kita gusto! kasi mahal na mahal na kita!'
'please allow me to court you!'
'hindi pala kita gusto! kasi mahal na mahal na kita!'
'please allow me to court you!'
'hindi pala kita gusto! kasi mahal na mahal na kita!'
'please allow me to court you!'
O//////////////////////////////////////O
Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Pakisalo po yung puso ko nalundag po somewhereeeee~~ langyang gwapo to ginugulat ako nataranta tuloy ako at tinalikuran ko!
"Mau... please say something..." hala ang lungkot ng boses nya! anong gagawin ko? ano ba kasing sasabihin ko? kami na ganun?
"Im sorry kung nagulat kita... sana maging magkaibigan parin tayo, naiintindihan ko naman kung bakit ayaw----"
Huminga ako ng malalim saka ako biglang humarap sa kanya para pigilan yung drama nya, aba dream come true na kaya to!
"Ok payag na ko!"
"Payag ka ng maging tayo?! You mean girlfriend ----"
"Yes! I-I mean N-No! I-Ibig kong sabihin pa-payag na akong li-ligawan mo ko..." shetness ang dugo ko nasa mukha ko nanaman lahat!
"YEEESSSSS!!! Promise kapag sinagot mo ko ako ang magiging pinakamabait at gwapong boyfriend sa buong mundo!"
Gulat na gulat ako ng bigla nya nalang halikan ang kamay ko at talagang nagniningnging yung mga mata nya sa tuwa, hindi pa kami nyan ahh! Bigla kong binawi yung kamay ko tapos dumeretso ako sa may lawa, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko! Dyahe pag naihi ako sa kilig!
"Para kang timang jan! Tara na nga pasyal naman tayo dito ang ganda kaya dito! hehehe"
Sumunod naman sya sa paglalakad hanggang sa yakagin nya ko sa isang parang patag na punong puno ng mga iba't ibang kulay ng mga bulaklak na nakatikom pa pero talagang napakaganda nila!
"Wow ang ganda!"
"ssshhh! wag kang masyadong maingay, maghintay ka lang" bulong nya habang titig na titig sa mga bulaklak
Tumahimik nalang ako at sinunod ko nalang sya... nagulat ako sa nangyari sa mga bulaklak nuong nasinagan sila ng bwan, bigla silang namukadkad at para bang nagglow pa!
"Eidderf... ang ganda..." I murmured in amusement while my eyes are still locked on the flowerbeds showered with hundreds of glowing butterflies
"Yes... napakaganda.... pinakamaganda..."
Napalingon ako sa gawi nya para kasing napaka unconscious ng sagot nyang yun eh! Pero mukang mas wrong move yun mas nakakaconscious pala kasi sakin sya nakatitig at hindi sa mga bulaklak! Tinapa nagbablush po ako!!! O////////////////////O
"Your blushing..."
"Tss! Sira ka talaga! Anong mga bulaklak yan? Bakit umiilaw?"
"Hindi ko din alam eh? Basta alam ko dito nilibing si Mama kaya lagi kaming pumupunta dito ni Papa..."
"Ahhh...."
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomanceOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.