The Phoenix of Ice
Chapter VII
FRANCIS'POV
"Fuck this game!" gigil na gigil na sabi ni Mau habang basta nalang na ibinalibag ang shutllecock pabalik sa sakin,mag-iisang oras na kasi kaming naglalaro pero ni isang beses hindi nya pa naititira ang shuttlecock pabalik sakin
"Umamin nalang kasing bobita ka sa sports!"
"tss! Punyeta!" at galit na galit nyang hinampas ang bola para maitira papunta sakin
"sa wakas naitira din! dapat pala sayo ginagalit talaga eh!"
"shut up you fool!" ika nya habang dahan dahang nagiging yelo ang hawak nyang raketa
"No.. no.. no.. not here Maurielle..." kinakain na ako ng pagkataranta, "Maurielle please stop it"
Dali dali akong tumakbo papalapit kay Mau para pigilan ang paglabas ng kapangyarihan nya at makita ng mga tao sa park.
"Stop... Stop... Honey please stop..." bulong ko sa kanya habang yakap sya at hagod hagod sa likod...
Kailangan kong itago ang mga mata nya bago pa mapansin ng lahat ang kulay asul na apoy doon... Makalipas ang ilang mga segundo ay kumalma na din sya... unti unting bumalik sa normal na kulay ang mga mata nya at nalusaw ang yelo sa raketang hawak nya.
"F-Francis... w-what happened?" hapong hapo niyang bulong...
"Hush baby... Im so sorry na ginalit na naman kita... Im very very sorry... ayokong mapahiya ka sa kanila..." sabi ko habang hinahagot ang buhok niya
"Francis, why are you doing this?"
"B-because... I-I just want to..." yun lang at iginiya ko na sya pauwi sa bahay nila
Bakit ko nga ba ginagawa to? Bakit ko nga ba hindi ko kayang makitang nasasaktan sya o nahihirapan man lang? Bakit sa tuwing niyayakap ko sya bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit nga ba? hmmm... siguro dahil mahal ko sya, mahal ko sya dahil para sa akin sya ang nakababata kong kapatid...
------------------------------------------------------------------------------
EIDDERF'S POV
"Damn!" mura ko habang padabog na ibinalibag ang raketang hawak ko
Pumunta ako rito para ayain sana si Mau na maglaro pero inabutan ko ang pinakanakakabwisit na eksena sa buong mundo, yakap ng mokong na yon si Mau! Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagagalit ng ganito o kung ano nga ba ang nararamdaman ko basta ang alam ko nabubwisit ako! Ang kapal ng mukha ng lalaking yon na yakapin si mau sa public place! Napakamanyak talaga! At ang babaeng yon naman gustong gusto na niyayakap sya ng manyakol na yon!
"eh ano bang pakielam ko sa kanila eh di maglampungan pa sila!"
Maglalakad na sana ako pauwi ng abutan ko na naman yung dalawa na naglalakad pauwi at magkaholding hands pa! P*nyeta naman talaga oh! Sinalo ko na ata lahat ng kamalasan ngayong araw! At dahil sa sobrang inis ay tuloy tuloy nalang akong naglakad pauwi bago ko pa tuluyang mapilipit ang leeg ng dalawang haliparot na yon!
-----------------------------------------------------------------------------
MAURIELLE'S POV
Habang naglalakad kami ni Francis pauwi hindi ko maiwasang mapaisip sa maraming mga bagay... bakit nagagawa kong magkaroon ng yelo? akala ko ba apoy ang akin? saka bakit ganon sakin si Francis? bakit lagi nalang syang laging takot na takot na may mangyari sakin na hindi maganda?
"I know that you are confused... dati apoy ang nakokontrol mo ngayon naman yelo ang nagawa mo" mahinang bulong ni Francis habang naglalakad kami
"H-how did you--?
"Nalaman ko lang..."
"P-pano? di naman ako nagsasalita ah? iniisip ko lang yon ah?"
"Your eyes are telling me..."
"Kaya mong magbasa sa mga mata? weird!"
"She tought me..."
"Who is 'she'?"
"s-si A-aira..."
"Frans sino ba talaga si Aira? Sino ba talaga sya sa buhay mo? Bakit ka ba nalulungkot tuwing nababanggit ang pangalan nya?"
"Do you really want to know?"
"Oo naman... Para na kitang kapatid, ikaw ang lagi kong kasama, kaya gusto ko talagang malaman yung mga bagay na tungkol sayo..."
"haaay... ok..." sabi nya bago huminga ng malalim," Aira she is the goddess of the sky and wind. Sya ang nangangalaga sa puso ng hangin..."
"Oh eh ano naman kung goddess of the wind sya? eh di ba god of the earth ka? so magkalaban ang mga elemento nyo..."
"Ang dami mong tanong! Maupo muna tayo mahaba habang kwentuhan to, kukulangin ang portion ni Mel Tiangco sa Magpakailanman bago ako matapos dito" sabi nya habang inaakay ako para maupo sa ilalim ng malaking puno ng alagaw
"ok lang kahit hanggang bukas pa, willing akong makinig!"
"Well mukha namang di ako mananalo sa kakulitan mo..."
"Hahaha sira!"
"Bago tayo magsimula kailangan muna natin ng machichibog kasi nagugutom na talaga ko, baka makain na kita hindi ka pa naman yummy!" sabi nya sabay haplos sa lupa sa harap namin at doon ay tumubo ang maliliit na version ng puno ng mansanas na hitik na hitik sa mga bunga
"Alam mo talaga kung ano ang paborito ko!" sabi ko habang pumipitas ng mapupulang mansanas
BINABASA MO ANG
The Phoenix of Ice [ON GOING]
RomanceOnce believed in love but it is only pain that got Lived in fear and mistrust to the power of the heart Discovered new things and found thou at last Exposed me to a feeling, once feared at Truly it is a mystery understanding this entity called LOVE.